"Alam mo, Baks? Ang daldal mo. Hindi ko siya type, ‘no! Iyo na siya. Bilisan mo na nga at late na tayo." binilisan ko ang paglalakad ko at sumabay naman siya sa bilis ng kilos ko. Hindi ko rin bet kasabay si Jes. Napipilitan lang akong kausapin siya dahil close sila ni Taleo. Ayaw kong makipagplastikan para lang makisama. Kapag hindi ko gusto ang tao ay hindi ko gusto. That's the end of the story.
"See you later, Baks!" sabi ni Taleo nang makarating kami sa glass door ng office. Magkalayo ang puwesto namin. Sa magkabilang dulo ng opisina ang stations namin. East wing siya at nasa west wing naman kami ni Kuya. Wow kami. Wala nga palang kami. Tss. Bakit naman magkakaro’n ng kami? Again. Hindi. Ko. Siya. Type. Period!
Sabay naman kaming umuuwi ni Baks kaya magkikita rin kami mamaya. At syempre kahit iwasan kong makita si Kuya ay hindi puwede. Tulad ngayon. Nandito siya sa tabi ko. Parang tangang nakangisi habang nakasandal ang ulo sa palad niya at nakatukod pa ang siko nito sa computer table. Hindi ko na lang siya pinansin dahil maiirita lang ako. Mabuti na lang at pinasukan siya ng call.
"Thank you for calling me. I mean, thank you for calling Alfonso Airlines, this is Yujin speaking. How may I help you?" tanong niya sa client.
Mabuti nga sa kanya. Parang tanga kasing nakatitig sa 'kin. Alam ko namang maganda ako. Pero... hello? hindi na niya kailangan pang ipamukha sa akin 'yon. Bata pa lang ako naririnig ko na’ng sinasabi ng nanay ko 'yan at ng mga kapitbahay namin. Lalong-lalo na ng tatay ko. Kulang na nga lang ay ibenta ako sa mga kainuman niya kasasabi na maganda ang anak niya.
"Shocks, irate call yata." bulong ko nang marinig ko ang nagsasalita sa kabilang line. Masyadong malakas ang speaker ni Kuya. May pagkabingi yata at naka-todo ang volume.
"Mrs. Davis, we do apologize for any inconvenience it has caused you. As much as we would like to assist you on that matter we are unable to. Please communicate with the airport. As we can see, they are the only ones who can help you with your case." rinig kong sabi niya. Mukhang mahirap ngang kausap ang kliyente nito lalo na kung wala naman kaming control sa case niya. Mayamaya pa ay pinasukan na rin ako ng call.
"Thank you for calling Alfonso Airlines, this is Yuki speaking. How may I help you?" ilang minuto rin kaming nag-usap ng client ko. Nagpa-book lang naman siya ng flight ticket.
Nang matapos ang call ko ay hindi pa rin tapos si Kuya. Makailang minuto pa ay mukhang nag-hang up na lang si client. Minsan talaga hindi mo maintindihan sa mga client kung gusto ba nilang mag-magic kami or what. Minsan napaka-impossible ng mga request nila. Lalo na iyong isang client ko kahapon. Gusto niyang i-cancel ang booking niya with full refund.
Bawal daw bawasan ng fees like cancellation fee o refund fee. Ano kami? Charity institution? May service fee pa nga iyon at tax. So paano namin ibibigay ng buo ang refund niya?
Sa pag-iisip ko ay hindi ko na namalayang nakatitig na naman pala ang mokong. At ang malala pa ay bukod sa nakatitig ito ay nakangiting parang abnormal. Inirapan ko na lang siya para naman hindi na ako tuluyang mainis pa. Kaya lang napatingin na naman ako sa labi niya.
"Tyet, Kuya. Isang titig pa nako." nagulat ako nang magsalita siya.
"Isang titig pa ano?" Buwisit na 'yan. Napalakas pala ang sinabi ko. Hanep at ngingisi-ngisi ang loko. Ano? Ngiting tagumpay? Wala naman akong inamin pero parang naka-jackpot na siya kaagad.
"Wala. Mind your own business." saka ko siya tinalikuran.
Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Alam kong namumula na ako kaya bahagya akong lumihis ng upo para naman kahit titigan niya ako ay hindi niya makikita ang namumulang pisngi ko. Hindi ko na siya tiningnan pa ulit. Siguradong nakatitig na naman siya sa akin. Minsan nga gusto ko na siyang komprontahin kung bakit ba siya titig nang titig pero ayaw ko nga talaga siyang kausapin.
At dahil naunang matapos ang call ko sa kanya ay sa akin pumasok ang next call ng client sa queue. Dalawa lang kami sa Japanese queue. Tatlo dapat kami nina Baks. Kaya lang masyadong pabibo si bakla at marunong din mag-korean. Kaya naman dalawa na lang kami ni Kuya sa queue dahil pansamantala siyang inilagay sa Korean queue nang mag-leave ang isang agent doon.
Kapag minamalas ka nga naman. Ang call niyang nag-disconnect kanina ang tumatawag. At ayaw na niyang ulitin ang concern niya dahil may nakausap na raw siya. Yujin daw ang pangalan at itanong ko na lang daw sa nagngangalang Yujin ang reason ng tawag niya.
Buwisit ‘di ba? Ayaw ko ngang kausap si Kuya e. Parang na-double kill pa ako. Irate customer plus Buwisit na office mate. Itinadhana na yatang kausapin ko siya. Tss.
"Y-yujin..." I cleared my throat as I stutter the moment I called him. Baka akala naman niya ay kinakabahan ako pagkausap ko siya. Nakakaloko siyang tumingin. Iyong tipong nang-aasar. Para bang sinasabi niya na hindi ko siya maiiwasan kahit anong gawin ko.
"Yes?" kunwa'y suplado niyang tanong. Nakataas pa ang dalawang kilay at pilit pinalalaki ang maliliit niyang mga mata.
Kung hindi lang cute ang green contact lenses niya ay siguradong tinusok ko na ang mga mata niyang mapang-asar. Nakakainis pa naman iyong mga mapagpanggap na katulad niya. Alam ko namang gustong-gusto niya akong kausap. Baka nga na-miss niya ako kaagad nang hindi ko siya pinansin kanina at habang may kausap ako sa phone.
"Ano kasi... uhm..." tyet. Bakit ba ‘ko nagkakaganito? Bakit hindi ako makapagsalita nang maayos. Ina-alala ko ang client kong naka-hold ang line.
Isinantabi ko muna ang issue ko kay Kuya at sinabi ang reason. Take advantage naman siya kaagad. Inilapit niya ang upuan niya at dumikit sa akin nang bongang-bongga with matching hawak pa sa kamay ko na nakahawak sa mouse.
"Excuse me?" sinungitan ko na naman siya at pinandilatan ng mga mata ko dahil alam kong tyansing ang ginagawa niya.
Puwede namang agawin na lang niya ang mouse ng computer sa akin. O puwede namang ako na lang ang mag-navigate ng system. Bakit kailangan pa niyang hawakan ang mouse habang hawak ko. Take advantage talaga ‘tong si Kuya.
"You need my help, right?" he insists nang maramdaman niyang nagsusungit na naman ako.
Hindi ko malaman ang nararamdaman ko. Naiinis ako at the same time ay kinikilig ako. Nakukuryente ako sa hawak niya. No. Please, Yuki. No. Pigil ko sa nararamdaman ko. Mga ilang minuto yatang ganoon ang ayos namin. Habang siya ay enjoy na enjoy ang paghawak sa kamay ko, ako naman ay kabang-kaba sa ginagawa niya.
"Ok. Thanks." tipid na sabi ko nang matapos niya akong i-assist.
Hindi ko nakita ang notes niya kanina nang i-review ko ang account ni client. Minsan talaga late dumarating ang notes kahit na ilang minuto na itong nai-submit. Nakaka-irita rin na sa halip na mag-you're welcome ang isang ito ay kinindatan lang ako.
Buwisit talaga. Kotang-kota na ang panglalandi nito sa ‘kin. Babawian ko 'to mamaya e.
Ay huwag na pala.
Baka mag-enjoy at ulitin pa. Ilang oras din ang lumipas bago naubos ang clients namin. Dumami ang tawag dahil sa virus na kumakalat. Pakiramdam ko tuloy ay pati itong katabi ko ay may virus na rin. Virus ng kakapalan ng mukha. Hindi siya lumayo sa puwesto ko at itinapat lang niya sa kanya ang monitor ng computer niya pero katabi ko pa rin siya.
Nakakairita. Seryoso na ba ang kumpanya na ito ang empleyadong napili nila para sa trabahong ito? Kasi ako hindi. Baka ilang araw pa ay mag-resign na ‘ko. Pero mayamaya ay napatulala na lang ako. Bakit nga ba galit na galit ako sa kanya?
Ah basta. Naiinis ako sa kanya na hindi kayang ipaliwanag ng kahit sino ang nararamdaman ko.
Nang matapos ang trabaho ay nangulit na naman si Kuya sa 'kin. Matapos kong iligpit ang mga gamit ko at ipasok ang calculator sa drawer ay agad akong lumabas ng station ko. Timing naman na naroon na sina Jes at Taleo. Sabay-sabay kaming sumakay ng elevator papunta sa basement kung saan naroon ang locker namin.
Magsasara na sana ang elevator nang may kamay na humarang dito. Agad na pumasok si Kuya sa loob. Ramdam kong nag-init ang atmosphere sa loob kahit na abot naman ang aircon sa loob ng elevator. Rinig din nang matalas kong tainga ang bulungan ng dalawang bruha sa likuran ko.
Halos mapuno kasi ang elevator at magkatabi pa kami ni Kuya habang nasa likod naman ang dalawang tsismosa. Nang makarating sa basement ay naalala kong magkatabi rin nga pala ang locker namin apat. Kaya naman hindi talaga maiiwasang makasama ko ang mga ito sa pagpasok at pag-uwi. Pagbukas ko ng locker ko ay bigla na lang may kumuha ng bag ko sa loob.
"Tulungan na kita." sabi ni Kuya.
Kaunting-kaunti na lang talaga ay mauubos na ang pisi ko sa kanya. Bakit niya bibitbitin ang bag ko? Boyfriend ko ba siya? Kami ba? Ha? Kami ba? Naiiling kong naisip.
"Puwede ba? Mind your own business. Magdala ka rin ng bag mo para may mabitbit ka." sabi ko sa kanya nang makita kong cellphone at shades lang ang hawak niya.
As usual, sa halip na sumagot ay ngumiti lang ito na labas ang dimples. Tyet. Ang kahinaan ko. Bakit ba naman kasi ganyan siya? Parang matutunaw ako sa ngiting iyon at tila na-hypnotized pa ako. Binitiwan ko ang bag ko at hinayaan kong buhatin niya ito para sa akin. Tili naman ng tili ang mga bruha. Mabibingi na ako sa katitili nilang dalawa. At syempre ay ngiting tagumpay si Kuya.