Chapter 3 – Closer

1613 Words
"Mauna na kami ni Jes. May kasabay ka naman pala, Baks." sabi ni bakla. Pasaway talaga ang mga ‘to. Iwan ba naman ako sa ere. Pagkasabi ay agad na umalis ang mga ito. Pumunta naman kami ni Kuya sa parking lot. Alam kong nagmo-motor siya kapag pumapasok sa trabaho dahil nakikita ko siyang naka-motor. Ilang linggo na rin niya akong kinukulit. Ewan ko kung bakit ngayon lang siya nagkalakas ng loob na bitbitin ang bag ko at isakay ako sa motor niya. "Tara?" yaya niya sa akin na nagpabalik sa ulirat ko. Nadi-distract ako sa tindig niya. Ang lakas makadagdag pogi points. Ibinigay niya ang extra helmet niya. Pagkatapos ay isinukbit ang shoulder bag ko sa katawan niya. "Kumapit kang mabuti." paalala niya. Pagkatapos ay walang pasabi na ipinulupot niya ang mga braso ko sa katawan niya. Ramdam kong nag-init ang magkabilang pisngi ko. Naiilang ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Buwisit na ‘yan. Hindi ko alam kung kilig ba ang nararamdaman ko o kung ano. Sinimulan niyang paandarin ang motor. Akala ko no’ng una ay dahan-dahan lang ang pagmamaneho niya kaya hindi ako kumapit nang mabuti. First time ko ring sumakay ng motor. At hindi rin ako sanay sa two wheels. Sa bisikleta nga sumisemplang pa ‘ko. I don’t know kung okay ang idea na pag-angkas ko sa kanya. Tumalon ang puso ko nang biglang bumilis ang andar namin. Napatili ako at napakapit nang mahigpit. Ngumiti naman ang loko. Hindi ko alam pero kinilig ako sa mga ngiting iyon. Pakiramdam ko rin ay tila sobrang saya niya. I feel safe na kasama siya habang binabaybay namin ang daan sa kung saan na hindi pamilyar sa akin. "Teka lang.” agaw ko nang pansin sa kanya. Hindi ko alam kung narinig niya ako. “Sa’n tayo pupunta? Hindi naman ito ang way papunta sa ‘min." sabi kong muli. Mukhang narinig naman niya ako dahil sumilip siya sa salamin ng motor. "Alam ko.” maagap na sagot niya. “Dahil papunta sa amin ang way na ‘to." dagdag pa niya. Hindi na ako nagreklamo pa at baka ihulog niya ako sa motor. Hindi malinaw kung bakit niya ako dadalhin sa kanila. Ang mahalaga ay hindi na ako masyadong naiinis sa kanya. Ayaw ko mang isipin ngunit parang unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Unti-unti ko nang tinatanggap ang kayabangan niya. Baka isang araw ay magising na lang akong kami na pala. Erase. Mali ang naisip ko. Parang nasobrahan na yata ako sa naisip ko na ‘yon. Nang makarating kami sa isang malaking gate ay napanganga ako. Automatic na bumukas ang gate. Hindi naman dahil sa ngayon lang ako nakakita niyon kung hindi ay dahil sa naisip ko na Hi-tech ang bahay ni Kuya. Teka. Sounds family. I mean familiar. Big brother, ikaw ba ‘yan? Para akong baliw na napangiti sa sarili kong joke. Mabuti at hindi niya narinig kung hindi ay baka inasar na naman ako nito. Agad niyang ipinasok ang motor at nag-park sa harap ng main door. "Bahay niyo?" hindi ko napigilang tanong sa kanya. Sa halip na sagutin ako ay hindi siya kumibo bagkus ay seryoso siyang bumaba sa motor at mabilis na inalalayan ako sa pagbaba. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Seryoso. Parang bawal ngumiti na kaiba sa ikinikilos niya kapag nasa opisina kami. Ang pagiging makulit at palabiro niya. Bakit kaya? Mabilis siyang umikot sa likod ng bahay at nagmamadaling nanakbo papunta roon. Tss. Iniwan akong mag-isa sa harap ng bahay nila. Kakagigil. Sarap kutusan ng mga wantawsan. Hindi ako naka-move on sa nangyari kahapon. Salbahe talaga 'yang Yujin na 'yan kahit kailan! Kaya naman pala nagmamadaling umuwi at halos liparin na ang kalsada sa bilis. Hindi na pala niya mapigilan ang nararamdaman niya. Gustong-gusto na niyang maglabas ng sama ng loob sa banyo. Nanggigigil talaga ako nang magpasabog siya nang nakamamatay na hangin sa harapan ko. Akalain mong bago ako iwan sa kinatatayuan ko ay nagpasabog siya nang masamang hangin dahil sa sakit ng tiyan niya. Hindi man lang nag-excuse or what. Sana ay sa banyo na rin niya inilibas ‘yon. Tiniis niya lang pala sa opisina ang sama ng tiyan niya. Kainis. Paniguradong namamahay ang pwet no’n kaya hindi nailabas sa toilet ng opisina ang gusto niyang ilabas. "Ay nako, Baks! Sana talaga hindi ako sumabay sa Yujin na ‘yan kahapon." syempre idinaldal ko na kaagad kay bakla ang major turn-off na nangyari. Alam mo naman na kailangan laging mag-report sa baklang prenny ko. Crush niya 'yon e. Basta ako wala akong pakialam sa kanya. Kung hindi lang siya nagmagandang loob sa akin na ihatid ako ay hindi naman talaga ako sasabay sa kanya. Nakakainis kaya na yayakap ka sa taong hindi mo close. Pero in fairness naman sa abs niya parang hindi naman tabs. May nakapa akong masel. Hindi ko sinasabing kinapa ko talaga pero parang ganoon na nga. Sabagay, noong muntik akong matumba ay ang tigas ng katawan niya nang sinalo niya ‘ko. "Pero aminin mo, Baks. Mabango siya." tili ni Taleo. Aba naman syempre naamoy ko siya. Mabango naman. Dumikit na nga yata sa ilong ko ang amoy niya na hanggang ngayon ay naaamoy ko pa. Feeling ko rin na hawak ko pa ang bilbil niya. Pero seryoso ang bango niya. Sobra. Iyon naman ang major turn-on sa kanya. Teka. Kinikilig ba ‘ko? Gustong-gusto kong amoy-amuyin siya. Kaya lang nang nagpasabog siya ay parang gusto ko na siyang hambalusin ng two inches heels ko. "Hoy, Baks! Tulala ka na diyan. Sinabi ko lang na mabango nag-imagine ka na." bakla ka ng taon. Anong akala mo sa 'kin may gusto sa kanya? Teka. Wala nga ba? Pero ayaw ko talaga sa kanya. Mayabang siya at hindi ko siya papatulan. Never. As in never. Period. "Hindi no! ‘Yon? Mabango? Ang baho kaya niya. Once a week lang nga yata 'yon naliligo e. Hindi nga yata 'yon nakahahawak ng tubig pag off day niya." bakit parang defensive ako? Bakit ba parang hindi naniniwala sa akin si bakla? Makatingin sa akin e parang nakakaloko. Mabuti na lang at off day namin ni bakla ngayon. "Ayan, Baks. Kunin mo. Mukhang fresh." turo ko sa labanos. Gagawa ako ng kimchi at isa sa ingredients nito ay labanos. Paborito ko kasi 'yon. Well, paborito kasi ng mga oppa ko 'yon. Alam mo naman, certified kdrama addict yata 'to. Mamaya nga ay magma-marathon kami ni bakla. Hindi naman kami magkasama sa bahay pero kapag off day namin ay sa bahay ko siya natutulog. Sa kabilang apartment lang naman siya. Sa probinsya kasi nakatira ang parents at mga kapatid niya. Kaya solo lang siya sa apartment na nirerentahan niya. Pero syempre joke lang 'yong solo dahil minsan ay may kalandian siya sa kanila kaya never ako nakitulog do’n. Baka mamaya ay maabutan ako ng jowa niya. O kaya naman ay kung ano pa ang makita ko ro’n. Alam mo na... Barbie. "Ay fresh, Baks. ‘Sing fresh niya." sabi ni bakla. Akala ko ay iyong labanos na itinuro ko ang tinutukoy niya. Pagtingin ko sa kanya ay nakatingin siya sa bandang likuran ko. Baklang 'to nag-pretty eyes pa hindi naman bagay. Sino naman kaya ang nakita nitong fresh? Syempre nilingon ko kaagad baka ang forever ko na pala 'yon tapos hindi ko pa nasilayan. Agad akong umikot ng 180 degrees. Paglingon ko tyet! S-si Yujin? At oo nga ang fresh niya. Mukhang naligo siya ngayon. Magulo pa rin ang buhok. As usual. Never yatang nakahawak ng suklay ang lalaking ‘to e. Ano 'to dito na naligo? Paano naman kasi ay tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya. "Hi!" sigaw ni bakla na parang kinikiliti. Kung makatitig aba’y ang landi. Wait. Nagseselos ba 'ko? Landi mo, Yuki! Dinala ka lang sa bahay nila feeling jowa ka na? Naiiling na lang ako sa naisip ko. Bakit ko ba naisip 'yon? "Hello, Talie!" wow? As in wow! Talie talaga, Kuya? Talie talaga ang itinawag niya kay bakla? Bakit ba parang gigil ako? Aish. Ewan! Sa inis ko ay umikot ako ulit nang 180 degrees' para talikuran si Kuya. Pakialam ko ba kung Talie ang tawag niya kay bakla at pakialam ko rin kung nandito siya? Normal naman 'yon kasi supermarket ito at hindi bahay ko. Magtataka na ako na nandito siya kung bahay ko 'to. "Hi, Yuks!" bati niya sa akin. Seryoso? Yuks? "Pigilan mo 'ko, Baks! Sasakalin ko 'to!" gigil kong bulong na nakakuyom pa ang kamao ko. Imagine four letters na lang ang pangalan ko paiiksiin pa niya? Yuks? Ano ako kadiri? Yaki? Nagmadali akong maglakad papunta sa meat section dahil bibili kami ng pang-barbeque ni Baks para sa dinner mamaya. Share kami sa groceries ni bakla kaya bili lang nang bili at isa pa ay sa bahay naman nakikikain 'tong baklang 'to. "Wait lang, Yuki!" hindi ko napansin na nakapantay na pala siya nang lakad sa akin. Masyado na naman akong pre-occupied ng inis ko sa bruhong ito. Sinamaan ko siya ng tingin nang maramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko. Sa tingin ko ay butas kaagad ang kamay niya kung laser lang ang mga titig ko. "What?" wow, English ‘yan pare? Wala tayo sa opisina 'no! Well para naman ma-impress siya. Pero... bakit kailangan ko siyang ma-impress? Napataas ang kilay ko sa naisip ko. "Braso ko." walang emosyon kong sabi sa kanya. Natawa lang siya at ngumisi sa harapan ko habang nakahawak naman ang isang kamay ko sa push cart. "Braso lang naman ang nahawakan 'ko. Ikaw nga yung abs ko ang nahawakan mo." aba't bastos talaga 'tong siraulong 'to! "Baka sabihin mo tabs! Tabs 'yon hindi abs!" agad kong hinablot ang braso ko at magmamadali na sana ako sa pagtulak sa cart nang hawakan niya 'to. "Ako na." agaw niya sa cart. "No thanks. Ako na." seryoso kong sabi. "Hindi. Ako na. Marami na 'to oh. Mabigat na." pagpupumilit pa na sabi niya. "Hindi ba kayo titigil sa away niyo? Hanggang dito ba naman sa grocery?" hindi namin namalayan na nakamasid na pala ang bakla at nakapameywang pa.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD