Kung kailan malakas ang ulan ay saka pa tumirik ang sasakyan ng grab car na ‘to. Bakit ngayon pa talaga? Paano kami makahihingi ng tulong sa mga tao. Ngayon pang hindi maganda ang mood ko?
"Ay palaka ka!" bulalas ko na ikinagulat din naman ni Manong. Napatutop pa si Manong sa kanyang dibdib na daig pa ang babae sa pagkagulat.
Yong totoo, Manong?
"Okay lang kayo, Manong? Sorry po kung napasigaw ako. Ang lalaking 'yan kasi. Ayaw akong tantanan." turo ko kay Sol na bigla na lang sumusulpot sa bintana ng kotse.
"Gusto niyo pong tumawag tayo ng pulis, Ma'am?” eh? Manong? Kung ang tutulong na lang kaya sa atin ang tawagan mo para makaalis na tayo.
“Stalker niyo po ba?" tsismoso si Manong ha. Sa halip na mainis ay napangiti ako kay Manong at bahagyang napahalakhak pa sa sinabi nito. Grabe siya kay Solomon. Kahit paano naman ay hindi naman mukhang stalker 'yan. Sa gwapo niyang ‘yan. Kaya nga habulin e. Habulin nang may sabit.
"Nako, Manong. Hindi po. Ex-boyfriend ko po ‘yan. Hindi kasi maka-move on sa beauty ko kaya ‘yan pasulpot-sulpot na parang kabute.
"Naks, Ma'am. Lakas siguro ng tama sa inyo. Pero mukhang galing siya do’n sa kotse niya baka naman gusto niya kayong isabay." wow, Manong. Issue ka rin e ‘no. Pero pabayaan mo siya diyang ginawin sa lamig. Parusa niya 'yan.
"Ma'am pagbuksan niyo na po. Baka mabasag ang bintana ng kotse ko. Nirerentahan ko lang ho itong pang-grab ko. Tutal ho ay hindi pa tayo nakalalayo e huwag na kayong magbayad. Puntahan niyo na ang ex niyo. Balikan niyo na ho. Sige kayo, kargo niyo pa ‘yan ‘pag nagkasakit." hanep din si Manong.
Ikaw ba ang konsensya ko?
Kanina nang i-issue ka tapos ngayon naman ay nangongonsensya. ‘Yong totoo, Manong? Magkakilala kayo ni Sol ‘no? Kasabwat mo ‘tong loko na ‘to ‘no?
Syempre ano pa nga ba e ‘di pinagbuksan ko na siya at baka kung ano pa ang isunod ni Manong sa magiging kasalanan ko. Mahirap nang mapagbintangan sa kasalanang hindi ko ginawa. Teka, Déjà vu? Kasalanang ibinibintang ni Yujin sa ‘kin na hindi ko ginawa.
"Anong kailangan mo?" matigas na sambit ko habang nakaarko ang kaliwang kilay ko. At nakahalukipkip ang mga braso ko.
"Sumabay ka na sa ‘kin. I still remember where you stay." wow at pa’no mo naalala? Aber? Never ka pa ngang nakapunta ro’n? Don't tell me na pati ‘yan e idinaldal na ng kapatid mong si Yujin sa ‘yo?
"You know my place?" pamaang kong tanong. As if hindi ko alam na may magsasabi sa kanyang bansot na nilalang.
"Yep. My brother told me." I knew it. Ano pa nga ba? Magkapatid sila e.
"Ma'am basang-basa na ho si Sir. Sumama na kayo sa kanya. Ako na ang bahalang humingi ng tulong para makapagpa-gas ako." paano ba naman kasi Manong kung bakit ba naman na-byahe ka na hindi secured ang gas? Tss.
"OA, Manong? May payong siya o? Sa’n banda ang basa diyan." nangingiti na lang si Manong na parang kinikilig pa. Ano ship mo na kami ‘no, Manong? Hashtag SolKi? YuSol? YuMon? SolYu? Ewan sa ‘yo, Manong.
"At ikaw.” turo ko sa abnormal na lalaking ‘to.
“Bakit ba kasi sinundan mo pa kami. At bakit ba kasi kakausapin mo pa ‘ko? Tapos na tayo." gigil na saad ko sabay baba palabas ng kotse ni Manong.
As usual, he was the same man I was with. Like his brother. He’s indeed a gentleman.
Inalalayan niya ako sa pagbaba ng kotse habang nakatabing ang payong sa akin para hindi ako mabasa. Nang makababa ako ay agad na isinara ni Manong ang pinto. Nawalan ako ng panimbang at agad na napasubsob sa dibdib niya. Ilang segundo rin akong nakasubsob bago nakabawi.
"Manong. Iyong skirt ko po sumabit." agad akong pinagbuksan ni Manong sa lakas ng katok ko sa pinto niya para alisin ang naipit na palda ko. Mabuti na lang at hindi ako nahubaran. Kung nagkataon ay makikita niya ang fuchsia pink kong panty.
"Are you okay?" tanong niya.
Tyet hawak ko pa pala ang dibdib niya.
Wala pa ring pagbabago. Matigas pa rin ang dibdib niya dahil sa masel niya. Noong magkasintahan pa kami ay naggy-gym kami pareho. Kaya lang nang na-ospital ako dahil sa aksidente ay hindi na ako gaanong nakakapag-gym.
I cleared my throat bago ako nagsalita. Okay lang naman siguro kung sumama ako sa kanya. Maybe, he will not do anything bad. Maybe, it's okay to give him a chance to talk.
"Ma'am, kung okay na po ang palda niyo ay baka naman puwedeng pakisara na ang pinto. Nababasa na po kasi ng ulan ang loob ng kotse." dinig kong sabi ni Manong kaya naman agad na bumalik ang ulirat ko mula sa pagdama sa dibdib ni Sol.
"Pasensya na po, Manong. Salamat po." agad na isinara ni Sol ang pinto habang nakatitig sa akin.
Ngayon ko lang napansin na pareho pala sila ng mata ni Yujin. Ilang taon na rin kasi kaming hindi nagkita. Sinunog ko na rin ang lahat ng litrato namin noon. Pati na rin ang mga regalo niya sa ‘kin. Pero hindi pala kayang sunugin ng apoy ang natitira ko pang katiting na pagmamahal sa kanya.
Kahit papaano ay matagal din naman ang pinagsamahan namin. Iyon nga lang. Sa tagal ng pagsasama namin ay never niyang naipakita ang litrato ni Yujin sa akin o banggitin man lang ang pangalan nito.
"Sorry. C-can we go now?" sabi ko nang maramdaman ko ang lakas ng malamig na hangin na dumampi sa pisngi ko. Tila mas lumakas pa ito kaysa kanina. Inalalayan niya ako papunta sa kotse niya. Madulas pa naman. Baka matalisod ako. Kung kailan suot ko ang silver na stiletto ko ay saka naman tinopak ang panahon.
Nang makasakay ako kotse niya ay nanlaki ang mga mata ko. Naroon si Yujin. Ang buong akala ko ay umuwi na siya. Ang akala ko ay iniwan na niya ako tulad ng pag-iwan niya sa akin sa sinehan.
Akala ko ay ako lang. Akala ko. Tyet. Epekto ba ‘to nang matinding nararamdaman ko? Ano ba’ng pinagsasasabi ko?
"Salamat naman at pumayag kang ihatid kita." basag ni Sol sa katahimikan. Alam kong napansin niya kung paano ko titigan ang mukha ni Yujin sa rear view mirror. Kung paano ko muling kabisaduhin ang bawat sulok ng kanyang mukha.
Mula sa magulo nitong buhok na noon pa man ay ipinagtataka ko kung style ba niya iyon o talaga lang tamad siyang magsuklay hanggang sa mga kilay niyang makakapal. Sa hindi katangusan niyang ilong at dimples niya sa magkabilang pisngi. Kahit na alam kong seryoso siya ngayon ay nakalabas pa rin ang mga ito.
"O baka naman hindi siya seryoso at may pinaplano siyang maitim sa akin..." saad ng isip ko.
Ano ba naman ‘tong isip ko. Ganoon na ba kasama ang tingin ko sa kanya? Kung tatanungin ako ay oo nga siguro. Maalala ko pa lang na pinaghigantihan niya ‘ko sa bagay na hindi ko ginawa ay mali na. Iyon pa kayang mga nagawa niya. Pero na-miss ko ang pinaka-best na part. Ang manipis niyang labi.
"Yuki." rinig kong sabi ni Sol. Oo nga pala. Nakakailang tawag na pala siya sa akin nang matauhan ako.
"Sabi ko salamat at pumayag kang ihatid kita." pag-uulit ni Sol.
"A... Oo." sa loob-loob ko. Pumayag lang naman ako dahil no choice ako. Sabihin na niyang nag-take advantage ako. Sila rin naman. Kung hindi lang tumirik ang sasakyan ni Manong ay hindi nila ako maihahatid at makakausap.
Nang makarating sa lugar namin ay agad kong pinahinto ang sasakyan. Ayaw ko nang paabutin pa sa mismong gate ng tinutuluyan ko.
"Dito na lang ako. Maglalakad na lang ako. Malapit na lang naman." napaisip si Sol sa sinabi ko. Pero hindi ko na inintindi ang reaction niya. Agad kong binuksan ang pinto nang biglang pumasok ang mga patak ng tubig ulan sa sasakyan.
"Shocks, sorry. Nabasa yata ang loob." buong lakas kong isinara ang pinto. Nakakahiya. Ang engot ko. Umuulan nga pala. Bagyo nga yata ito sa lakas.
"Ihahatid na kita sa inyo. Huwag kang mag-alala ihahatid lang kita. Siguro ay magpatila ka muna rito sa kotse bago umuwi. Mukhang hindi na kakayanin ng payong ang lakas niyan." pagtutukoy ni Sol sa ulan.
Wala naman akong choice kung hindi ay ang maghintay. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan. Tanging patak lamang ng ulan ang naririnig na nagsisilbing musika sa bawat pag-uunahan nito sa pagpatak sa bubungan ng kotse.
"Yuki..." basag nila sa katahimikan. Sabay silang nagsalita na animo'y nag-uunahan na mag-propose sa dalagang sinisinta.
Teka. OA yata ng sinabi ko.
Sige na nga. Para na lang silang patak ng ulan sa bubungan na nag-uunahang bumagsak. Sabay pa talaga silang tumawag sa pangalan ko. Magpalit na kaya ako ng pangalan? Gasgas na e. Naguluhan ako kung kanino lilingon sa dalawa pero parang awtomatikong dinala ng ulo ko ang mga mata ko kay Yujin.
"Sige, Kuya. Mauna ka na." rinig kong sabi ni Yujin. Sino ba namang hindi mai-in love sa kanya? Bukod sa pagka-gentleman niya ay magalang pa sa Kuya niya. Makulit lang talaga siya at kuwela pero mapagmahal sa pamilya. Sana sa akin din.
Baliw ka na Yuki.
Napailing ako sa naisip ko. Muntik ko nang makalimutan na boyfriend nga pala siya ni Jes. Ang negrang ‘yon. Mang-aagaw. Ang harsh ko naman do’n. Pero ‘yon nga mang-aagaw siya. Kaya pala mainit ang dugo ko sa kanya. Pero inagaw niya nga ba? E kusa namang pumunta si Yujin sa kanya.
"Sana naipaliwanag ko na ang lahat." dinig kong sabi ni Sol nang magising ako sa malalim na pag-iisip ko.
Wait. Ano ba’ng sinabi niya? Ano’ng ipinaliwanag niya? Napaawang ang labi ko habang napapakunot ang noo. Para 'kong tangang pilit iniisip kung anong sinabi niya. Wala talaga 'kong maisip na narinig. Wala akong narinig na nagsalita.
Bingi na yata ako.