Lumipas ilang buwan at unti-unti ko na rin siyang nakakalimutan. May times na naaalala ko siya sa simpleng bagay kaya pilit kong binago ang routine ko. Instead of coffee ay tea na lang ang iniinom ko. I don't get tissue papers at the toilet anymore. Instead, I bought my own wet tissue.
I don't take my usual breaks and I don't go to my favorite café anymore. Hindi na rin ako pumupunta sa rooftop ng office. Do’n naman ako magaling. Ang magpanggap na walang nangyari. Ang magpanggap na may amnesia. Pagod na akong isipin ang taong hindi ko na yata makikita pa kahit kailan.
"Uulan ba?" bulong ko sa sarili.
Paano ay parang ang ganda at aliwalas ng paligid. Ang simoy ng hanging malamig na dumadampi sa balat ko ay hindi pangkaraniwan para sa oras na ito. Alas tres na ng hapon. Dapat ay hapdi ng sinag ni haring araw ang nararamdaman ko. At malagkit na dala ng init at polusyon dahil sa maitim na usok galing sa tambutso ng mga sasakyan.
Tila nakikiayon ang panahon. Natatabunan ng mga asul na ulap ang sikat ng araw at tila matingkad ang pagka-asul nito. Ang sarap sa pakiramdam. Parang chill lang ang araw na ito. Maaga akong papasok ngayon sa office dahil sa huddle namin. Timing rin naman dahil may pending callback ako.
Simula nang mag-decide akong mag-move on ay pinili kong i-subsob ang sarili ko sa trabaho. Sandali nga. Pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Parang may nagmamasid. Sa kahabaan ng walkway ay bahagya kong pinabilis ang lakad ko. Mahirap na at baka may snatcher o holdaper pa.
Pero imposibleng gano’n kasi maliwanag pa at safe naman dito sa walkway papuntang office. Pero pakiramdam ko na habang bumibilis ang lakad ko ay bumibilis din siya. Para naman hindi halata ay dahan-dahan kong inilihis ang ulo ko para lingunin ang kung sino mang istorbo sa pagmumuni-muni ko.
"Y-Yujin?" makailang beses kong ipinikit at iminulat ang mga mata ko pero si Yujin talaga ang nakikita ko. Akala ko ba naka-move on na ‘ko?
"Ay itlog!" buwisit na hangin! Bakit galing sa ibaba?
Agad kong hinawi ang ang pleated pink silk skirt ko na hinangin. Pink siya, bakit ba? Ito kasi ang mood ko today. And I want to wear something that fits my mood. Matapos ko itong hawiin ay agad kong nilingon muli si Yujin. Kilalang-kilala siya ng puso ko dahil napakabilis nitong tumibok nang masilayan siya ng mga mata ko.
Laglag ang balikat ko nang may dumaang van ng tinapay. Farmia Loaf Bread. Ang favorite kong tinapay lalo na kapag nilagyan mo ng butter at tinoast mo. Masarap din pang-substitute sa pizza dough.
Wait. Bakit pagkain ang naisip ko?
Si Yujin nga ba ‘yon? Buwisit kasing van dumaan pa. At isa pa ‘tong skirt ko na walang pakundangan kung liparin. Paano kung nakita ang undies ko? Itinuloy ko na lang ang paglalakad ko sa walkway. Nakakadismaya. Pero baka nga akala ko lang na si Yujin ‘yon pero wala naman talaga.
"Ano ka ba self? Bakit siya na naman ang nakikita mo?" inis na sabi ko sa sarili. Traydor talaga ang puso ko. Sinaktan na nga ako pero siya pa rin ang itinitibok nito. Ano pa ba’ng gamot sa kalimot? Isang lingon kong muli sa aking kanan ay may namataan akong isang bulto na may hawak na video cam. Sa lakas ng t***k ng puso ko ang pakiwari ko ay kilala niya kung sino ito.
Pero self? Baka nambibintang ka na naman.
Baka hindi siya ‘yan. Ang pasaway na hangin. Kung kailan ibababa na niya ang video cam ay saka pa inilipad ang malambot kong buhok. Agad ko itong hinawi pero para akong pinipigilan ng hangin na dahan-dahan ang pagkilos ko. Daig ko pa ang nag-model ng shampoo. Ayaw kong sayangin ang bawat sandali. Matapos kong hawiin ang buhok ko ay agad ko itong nilingong muli.
Hindi ako puwedeng magkamali. Pero bakit papalapit ito sa akin? Isang sulyap ko pa ay kumindat ang pamilyar na mata nito. Ang berdeng mata nito na akala mo’y tunay pero contact lens lang naman. Parang lalabas na ang puso ko sa kinalalagyan niya sa kaba. Ito rin ang pakiramdam ko no’ng unang beses na aminin ko sa puso ko na gusto ko na siya.
"Y-Yuki..." rinig kong sambit nito na ngayo’y katabi ko na. Pilit pumapantay sa paglakad ko nang marahan. Tama pa ba ang pag-iisip ko?
"Y-Yujin?" nauutal at kinakabahan na saad ko. Paano'y sigurado ang puso ko na siya ang katabi ko pero ilang beses na akong nilinlang ng mga mata ko.
"Kumusta ka na?" totoong siya nga? Hindi pa rin ako naniniwala hanggat hindi niya ako hinahalikan. Syempre biro lang. Alam ko ang amoy niya at na-e-excite ang puso ko sa bawat salitang binitiwan niya. Pero kumusta lang naman ang tanong niya.
Akala ko I miss you na.
"O-okay lang ako. I-ikaw ba?" bakit ayaw makisama ng bibig ko? Stop stuttering. Huwag kang magpahalata na excited ka self. Para kang baliw.
"Okay naman. Dito ka pa rin pala nagwo-work." sabi niya. Hindi talaga nakikipag-cooperate ang puso ko. Masyadong na-excite sa taong matagal na siyang iniwan. Speaking of iwan. Umalis nga pala siya para kay Jes. Thank you, self. You've just reminded me of how I should act and react.
"Yep. Wala namang reason para umalis ako rito. Ikaw? Saan ka na nagwowork? Kumusta na kayo ni Jes at ng baby mo?" tanong ko agad.
Hindi na ‘ko magpapaligoy-ligoy pa. What for? Hindi naman maiiwasang mapag-usapan ‘yon. Pinasabik lang ako ng puso ko pero hindi naman ako nasisiraan ng bait para isipin na ako pa rin ang nasa puso niya. Hindi nga ba? Nang marinig niya ang tanong ko ay napakunot-noo siya.
Bahagya niyang inilihis ang kanya ulo. Tila naguguluhan sa tanong ko. Ano ba’ng magulo sa tanong ko? Hindi naman siguro masama na tanungin ko siya about sa asawa at anak niya. Gusto ko lang namang malaman. Gusto ko ring maisama sa bagong nobela na isinusulat ko. Baka sakaling maipalabas ulit sa sinehan.
"What do you mean?" wow tagal niyang nag-isip like twenty seconds tapos hindi pala siya sure sa tanong ko? Kung sa SLA ay siguradong bagsak na siya.
"Alin do’n? Ang reason ko para umalis ng company? O ang kung sa’n ka nagwo-work?" pag-uulit ko.
"Nope. Ang kami ni Jes at ang what? Baby? Ako may baby?" maang pa more Kuya. As far as I recall ay buntis ang girlfriend mo. Don't tell me na hindi mo pinanagutan si Jes at ang baby mo. Or worst ay ipinalaglag mo ang baby mo.
Oh, come on, Kuya. Have some balls kahit minsan lang.
"Yup. Kayo ni Jes at ng baby mo." kailangan talagang paulit-ulit? Nakarating na kami sa gate ng office ay hindi pa rin niya ma-absorb ang tanong ko. Gano’n na ba siya ka-slow or talagang ako ang walang pakundangan kung magtanong?
"Sige pasok na ‘ko." sabi ko. May halong panghihinayang dahil gusto ko pa siyang makausap nang matagal pero kailangan ko nang pumasok.
Tumango rin naman siya at nagpaalam na rin. Masaya na akong nakita ko siya ulit. Pero nalimutan kong itanong sa kanya kung bakit pala siya napadalaw. Imposible naman na may kailangan pa siya sa HR dahil ang tagal na niyang nag-resign.
"Baks! Baks!" dinig kong tawag ni Taleo sa ‘kin. Makatawag ang bakla daig pa ang megaphone sa lakas. Gusto yatang ipaalam sa iba ang pagdating niya. Ano? Engrandeng salubong lang ang gusto, Baks?
"O, Baks? Humahangos ka?" tagatak pa ang pawis na napaupo sa desk niya. Daig pa ang naghagdan mula basement hanggang 26th floor.
Hmm. Reminds me of something.
"Baks! Bumalik siya! Narito siya!" mukhang nakarating na ang balita kay bakla. Hindi naman din kami nakapagkwentuhan ni Yujin dahil nabigla siya sa tanong ko. At saktong nakarating na kami sa office.
"Oo na. Nakausap ko na siya kanina." baklang 'to. Mas kinikilig pa sa ‘kin. Nakalimot agad sa kasalanan ni Kuya sa ‘kin.
"Wow! Ang bilis naman. Nagkausap na kayo agad? As in? Agad-agad?" ang kulit rin ng baklang ‘to.
"Kumustahan lang. Wala na kasing time." naubos ang oras sa pagtulala niya.
Maaga pa rin akong nakarating sa office. Hindi naman alam ni Yujin ang schedule ko. Maaga pa ako ng one hour sa huddle. Nasanay na akong maaga pumunta ng office. Wala rin namang gagawin sa bahay. Magmumukmok lang ako ro’n.
"So… hindi mo pa alam?" pabitin na naman ang baklang 'to.
"Ang alin ang hindi ko pa alam?" sasabunutan ko 'to nang wala sa oras e.
"Siya na magsasabi sa 'yo. After shift daw. Maghihintay siya sa coffee shop." at talaga namang pabitin si bakla. Wala ako sa mood na pilitin siya kaya sinimulan ko na lang ang pagtatawag sa clients ko. Nang matapos ang shift namin ay pinuntahan ko si Yujin sa coffee shop.
"Anong kailangan mo?" angil ko. Sinalubong ko kaagad siya ng init ng ulo. Lalo pa na irate ang huling client ko. I normally separate my personal life to work and vice versa but not now. Nanggigigil ako. Gusto ko siyang sigawan at awayin kung bakit nawala siya nang ilang taon. But with what rights do I have?
"Ang init naman ng ulo mo. Coffee ka muna." pilit niyang kinakalma ang mainit kong ulo. Hindi na ako magpapadala sa mga libre niyang kape at sa mga pagpapa-cute niya gamit ang killer smile at dimples niya.
No way!