SALAMAT kay Professor Jimenez at nagkaroon sila ng free pass sa museo. Kahit masama ang tingin sa kanila ng gwardia roon ay mukhang wala naman itong planong pigilan sila sa pagpasok.
Dahil siguro maaga pa ay kaunti lamang ang taong nasa loob ng museum. Ang karamihan pa ng mga ito mga nakaunipormeng estudyante.
Lumapit sila sa may library area ng museo at humiram ng aklat. Iba na talaga ang may note galing kay Prof. Jimenez. Wala na masyadong kuda ang nagbabantay roon. Matapos makapagrehistro at magpakita ng student ID ay nakahiram na siya ng aklat— isangPhilippine-American War book na nakasalin na sa wikang Filipino.
“O, ‘yan ha? Meron ka nang libro. Wala na akong utang sa’yo,” biro ni Odessa habang na inaabot ang libro kay Lucas.
Pero wala sa kanya ang atensyon ng binata kung hindi ay nasa buong bahay na mukhang kanina pa pala nito sinusuyod ng tingin. There was a hint of sadness in his eyes. Isang bagay na hindi niya gustong makita rito. Kaya naman tinapik na niya ito sa balikat.
“Okay ka lang?” tanong niya rito kahit alam niyang obvious na hindi ito okay. Pero ganoon pa man ay kailangan niyang magtanong dito.
Lumingon sa kanya si Lucas. Ganoon pa rin ang mga mata nito—malungkot.
“Siguro… siguro siraulo ang tingin mo sa akin dahil sa pagiging kakaiba ko,” anas nito habang nakatitig sa kanya.
Agad naman siyang umiling. “Uy, sobra naman ‘yong siraulo. Hindi naman.”
“Pero ganoon pa rin. Kakaiba ako. May mali sa akin.”
“Uhm… medyo. Medyo iba ka, Lucas noong una pa lang kitang makita, may kakaiba na sa iyo.”
“Gusto mo bang malaman kung bakit ako kakaiba? Bakit ako ganito?”
“Siguro naman dahil sa nangyari sa’yo noong muntik na kitang mabangga?”
Umiling si Lucas. “Hindi, Odessa. Pero para maintindihan mo, ipapaliwanag ko sa’yo.” Pagkasabi ay inilahad nito sa kanya ang kamay.
Napatingin siya sa nakabukas nitong palad at pagkatapos ay sa mukha nito. Wala siyang ibang nakikita kung hindi ang sinseredad ng mga mata nito. Kaya naman ibinigay na rin niya ang kamay niya rito.
Mahigpit ang hawak ni Lucas habang hinihila siya nito papunta sa isang kwarto. Kung hindi siya nagkakamali ay ang kwartong iyon ay ang dating kwartong pinuntahan nila noong unang araw na pumasok sila sa museo.
“A-anong ginagawa natin dito?”
“Manood ka lang.”
Binitiwan ni Lucas ang kanyang kamay at saka lumuhod sa may gilid ng kama. Napaluhod na rin siya upang tingnan ang inaabot nito sa ilalim noon.
Shocks! Hindi siya makapaniwala na tila binubuksan ni Lucas ang isang kahoy na sahig. Pagkakuha noon ay bumungad sa kanya ang isang tila maliit na compartment doon. May kinuha si Lucas na iilang gamit mula sa loob.
Napatingin naman si Odessa sa sahig na kahoy na inalis nito. Napakaluma na noon at puno na ng agiw at alikabok. Para bang ilang dekada nang hindi iyon nabubuksan.
“Lucas… hindi kaya malalagot na naman tayo sa ginagawa natin?”
“Hindi. Lalo na’t sa akin ang mga ito.”
Iyon lang at kinuhang muli ni Lucas ang inalis na kahoy at ibinalik iyon sa sahig. Parang walang nangyari dahil sa saktong-sakto ang pagkakabalik niyon. Ang mga iilang pirasong gamit na sa tingin ni Odessa ay may maliit pang kahon ay pinakiusap ni Lucas sa kanya na ipasok sa loob ng kanyang bag.
What the hell? Natakot tuloy siya sa balak nito? Paano kung mahuli sila?
“T-teka, Lucas… baka…”
“Ako ang bahala,” agad nitong sagot sa kanya.
Hindi niya rin maintindihan kung saan galing ang kanyang tapang pero natagpuan na lang niya ang sariling ipinapasok iyon sa kanyang bag.
Pagkatapos ay pasimple na silang naglakad papunta sa pinto. Medyo asiwa siya sa mukha ng gwardiyang nakatingin sa kanila pero mabuti na lang at hindi na sila nito kinausap pa.
Nanghihina ang kanyang mga tuhod habang naglalakad pero nang biglang hawakan ni Lucas ang kanyang kamay ay para bang nagkaroon siya ng kakaibang lakas.
Pagkalabas ng museo ay agad na pumara sila ng traysikel ni Lucas. At nang sasabihin na sana niyang sa bahay sila uuwi ay nagsalita si Lucas na kung maaari ay sa simbahan muna sila. Nalilito man ay sinunod niya ito. Nahihiwagaan siya pati na sa sarili dahil sa sunod-sunod na pagpapaubaya niya kay Lucas.
Nang makarating sa simbahan ay hindi pa rin binibitawan ng binata ang kanyang mga kamay. Iginiya siya nito sa may kampanaryo at umakyat doon. Sa may tuktok ng kampanaryo ay hiningi na nito sa kanya ang mga gamit.
Isa-isang inilabas ni Odessa ang mga nilagay ni Lucas sa bag niya. Doon na niya naklaro ang mga iyon. May mga lumang larawan, sulat at ang isa ay ang maliit na kahon na yari sa kahoy. Nang titigan ay nakita ni Odessa ang maliliit na ukit sa kahoy na siyang nagpapaganda roon.
“A-ano ang mga ‘to, Lucas?”
“Akin ang mga iyan.”
“Ang ibig mong sabihin ay sa lolo at lola mo?”
Umiling ito. “Akin ang mga iyan. Tingnan mo.”
Kunot noong kinuha ni Odessa ang isang larawan doon. Napasinghap siya nang mapansing kamukhang-kamukha ni Lucas ang lalaki doon. Nakasuot ito ng uniporme ng isang lumang kawal. Iyon bang nakikita lang niya sa mga pelikula ni Heneral Luna, Rizal at Bonifacio. Ang kaibahan nga lang ay sepia ang kulay ng larawan. Para bang isang picture mula sa sinaunang panahon.
“Basahin mo ang nasa likod,” utos ni Lucas na sinunod naman ni Odessa.
She flipped the photo and read the note behind it.
Lucas del Castillo
Kawit 12 de Junio de 1896
Nanghina ang tuhod ni Odessa. “A-ano ‘to? Photoshopped?”
“Anong fotopop?”
“Hindi fotopop. Photoshop! Inayos ang larawan. In-edit.”
Umiling muli si Lucas. “Anong edit? Basta… hindi ‘yan inayos. Totoo ‘yan. Ako ang nasa larawan Odessa.”
“Naka-drugs ka ba? Ano ka? Nag-time travel? Sinong pinagloloko mo?”
“Hindi kita niloloko.”
May kinuha itong isa pang larawan. “Ayan. Tingnan mo.”
Sinipat niya ang picture at nakitang naroon pa rin ang lalaki. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi na ito naka-uniporme ng kawal kung hindi ay naka-formal suit na ito. Iyon tipong mga mga miyembro ng La Solidaridad ang mga katabi. Kumuha siya ng isa pang larawan pero ganoon pa rin. Si Lucas pa rin ang nakikita niya.
Mabubuwang na yata siya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Sinasabi ba ng lalaking ito ay galing ito sa nakaraan? Na nag-time travel ito?
Parang adik lang?!
“Hoy Lucas! ‘Wag mo nga akong lokohin. Hindi ako naniniwala sa mga ganyang biro.”
“Hindi ako nagbibiro, Odessa. Kaya ko ito sinasabi sa iyo dahil naniniwala akong maiintindihan mo ang nangyari sa akin. Wala akong ibang mapagkatiwalaan. Ikaw lang.”
Parang kinurot ang puso ni Odessa sa sinabi ni Lucas. Kung nanggu-good time man ito ay hindi halata. Kasi naman sobrang seryoso ng mukha nito. Nagmamakaawa itong paniwalaan niya.
“Ewan ko, Lucas. Matanda na ako para sa ganitong kalokohan.”
Hinawakan ng binata ang kamay niya. “Maawa ka, Odessa. Pakinggan mo ‘ko. Totoo ang sinasabi ko.”
“Pero Lucas, imposible ang sinasabi mo.”
“Hindi ako nagsisinungaling. Ayoko rin ng ganito. Ayoko ng para akong siraulong hindi alam ang nangyayari sa akin. Pero Odessa, maniwala ka. Hindi ako dapat nandidito. Hindi ako mula sa panahon ninyo.”
Bakas sa mukha ni Lucas ang pagsusumamo. Bakit nga naman nito sasabihin ang mga bagay na ganoon?
Biglang naalala ni Odessa ang araw na nagising ito sa ospital. Pati na rin ang sinabi ni Prof. Jimenez na may Lucas del Castillo na kamukha din ni Lucas. At ang baril… paanong inaangkin ni Lucas ang lumang baril na iyon?
“Paano ko ba patutunayan sa’yong hindi ako nagsisinungaling, Odessa?” pagsusumamong muli sa kanya ng binata.
Napakagat labi siya. All she can see is frustration in Lucas’ face.
“Hindi ko alam, Lucas. Mahirap paniwalaan ang sinasabi mo.”
“Ang bahay na iyon na museo na ngayon. Sa pamilya ko ‘yon. Akin ‘yon. Iniwan sa akin ng mga magulang ko. Hindi ko malalaman na may sikretong nakatago doon sa ilalim ng higaan kung hindi ako ang naglagay noon. Odessa, tinago ko ang mga iyon upang hindi mahanap iyon ng mga amerikano.”
Sumasakit na ang ulo ni Odessa sa mga kinukwento ni Lucas. Ang totoo ay may parte ng puso niya na nais itong paniwalaan. Pero ang kalahati naman ay nanatiling nakatapak sa lohikal na mundo. Hindi nito magawang maniwala na posible ang time travelling.
“P-pasensya, Lucas. Hindi ko kayang maniwala sa ganitong kwento.”
“Pero, Odessa…”
Isa-isang kinuha ni Odessa ang mga larawan, pati na rin ang maliit na kahon at isinilid iyon sa kanyang bag. “Tama na, Lucas. Umuwi ka na. Sa eskwela muna ako. May gagawin pa ako.”
Akma siyang bababa ng kampanaryo nang hawakan ni Lucas ang kanyang mga braso. “Odessa…”
Huminga siya nang malalim at saka dahan-dahan inalis ang kamay nito. “Umuwi ka muna. Magpahinga ka. Wala akong pagsasabihan ng ginawa natin ngayong araw sa museo. Hindi ko rin ito ikukwento kay Lola at sa papa ko. Pero pakiusap… kung gusto mo pang manatili sa bahay namin ay hindi mo na uulitin ito.”
Hinintay niyang sumagot si Lucas pero parang nakasara ang bibig nito. Nakikiusap ang mga mata pero parang hindi nito alam ang sasabihin..
Hindi na hinintay ni Odessa na magsalita pa si Lucas. Tumalikod na lang siya at agad bumaba ng kampanaryo.
There’s a sudden urge inside her that wants to protect Lucas. Pero para mas lalo pa niyang maprotektahan ang binata ay dapat siyang mag-imbestiga. At alam na alam na niya kung sino ang tamang taong lalapitan.