KABANATA 13

1200 Words
NATUTOP ni Odessa ang bibig nang marinig ang sinabi ni Professor Jimenez tungkol sa mga gamit na ipinakita niya. Totoong galing raw ang mga iyon sa nakaraan—specifically late 1800’s. Hindi pala talaga nagsisinungaling si Lucas. Ang mga gamit na iyon ay authentic. Pero hindi pa rin nasasagot ang pinakatanong niya—totoo bang galing sa panahon ng Kastila at Amerikano si Lucas? Is he really from the past?      Napaupo si Odessa sa isang silya sa opisinang iyon ng propesor. Matapos nilang mag-usap ni Lucas sa may kampanaryo ay agad siyang nagtungo sa eskwelahan upang kausapin ang mas may nakakaalam sa mga antigong bagay sa museo. Si Professor Jimenez.      “Saan mo ba nakuha ang mga ito?” tanong sa kanya ni Professor. Hindi pa nga pala niya nababanggit na mula ang mga iyon kay Lucas. Ayaw niyang basta na lang ilahad ang sinabi ng binata. Natatakot siyang malagay ito sa kompromiso.      Pero ano bang isasagot niya sa tanong ng propesor? She couldn’t find any.      “Uhm… kasi po…”      “Hindi ito galing sa koleksyon sa museo. Walang ganito roon. Binigay ba sa iyo ito ni Lucas?”      Parang may isang bloke ng semento ang dumagan sa dibdib ni Odessa. Hindi siya agad makahinga sa tanong ng propesor. Paano nagkaroon ito ng ideya na kay Lucas galing ang mga iyon?      Shunga! Siyempre mukha ni Lucas ang nasa larawan. Pero sa ngayon ay wala siyang balak sabihin ang totoo.      “H-hindi po.”      “So… kanino ang mga ito? Kinuha mo sa museo?”      “Hindi po!”      “We have CCTVs around the museum, Odessa. Malalaman rin namin ang totoo. So please, tell me the truth. Para matulungan kita ngayon pa lang.”      Doon na nanghina ang tuhod ni Odessa. Wala na silang takas ni Lucas. Mahuhuli sila kung hindi siya magsasabi ng totoo.      “Kasi po, Prof… baka alam lang niya talaga ang history ng bahay. Mahilig kasi sa history si Lucas. Pero sa inyo na po ang mga gamit na ‘to. ‘Wag niyo lang po kaming idemanda.”      OMG! Hindi siya pwedeng magkaroon ng kung ano mang record sa pulis lalo na’t makulong. Masisira ang mga plano niya sa buhay!      “Of course not, Odessa. Pero tama ba ang narinig ko sa’yo? Si Lucas ang kumuha ng mga ito?”      “N-naku po. Maawa po kayo kay Lucas. Bago lang po siya nakalabas ng ospital.”      “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin.” Mula sa kinauupuang ay tumayo si Professor Jimenez at binuksan ang isang cabinet. Nilabas roon ang nakasupot na baril na pinag-agawan nito at ni Lucas dati.      “Bakit niyo po nilalabas iyan?”      “I just got this checked. Nalaman kong authentic na isa itong pistol na gawa noong 1889 na dinala sa bansa natin ng mga kastila para sa mga kawal. Hindi ba’t napaka-coincidental naman na may ganito si Lucas? At itong mga pictures na ito. Hindi ba’t siya ito? Kahit saang anggulo ay hindi maikakailang si Lucas ang nasa larawan.”      “Ako din po ay nagtataka kung bakit niya alam ang sekretong compartment na iyon sa museo.”      “Anong secret compartment?”      “Sa ilalim po ng master’s bedroom ay may binuksan siyang tabla ng kahoy. Tapos doon po galing ang mga ito.”      Nakita ni Odessa ang pagbilog ng mata ni Prof. Jimenez. Mukhang gulat na gulat ito sa sinabi niya.      “Walang sekretong compartment sa parte na iyon ng bahay.”      “Meron po! Nakita ko mismo.”      “Sigurado ka?!”      “Opo… teka… bakit hindi niyo po alam?”      “Isa ako sa mga namamahala ng bahay na iyon bago pa iyon ginawang museo. Kahit noong bago lumipat sa Cebu ang mga may-ari ng bahay. Kaya alam ko ang bawat sulok ng gusaling iyon at wala akong nalamang mayroong secret compartment kung saan man.” Pero imbes magmukhang nag-alala ay bakas pa sa mukha ng professor ang excitement. May kinuha muli itong mula sa cabinet. “Look at these, Odessa.” Napatayo siya mula sa kinauupuan at nilapitan ang clear book na nilapag ng propesor sa mesa. Doon niya nalamang mga larawan pala ang naroon. Isang lumang libro, isang pluma at panyo. “These artifacts have been found right outside the church. Doon mismo sa baba ng kampanaryo. At tulad ng baril, luma din sila. Nakita sila noong mga taong 1962, 1910 at 1927. Mga taong mayroong Great Comet.” “At ang baril naman ay nakita nitong taon na ito kung saan may kometa sa langit.” “Hindi lang basta kometa. Isang makinang na kometa. Isang Great Comet.” Hindi siya makapaniwala. Ang ibig bang sabihin, si Lucas  ay…. “N-no… hindi pwede,” naiiling na anas niya. “Alam ko ang iniisip mo, Odessa. At pareho tayo. Kahit noong una ko pang nakita si Lucas, napaisip na ako.” “Pero Prof—” “Matagal na akong nananaliksik tungkol sa phenomenon na ito. Noong nakita mo ako sa kampanaryo, I was there to investigate. Kaya nagulat ako nang makita ko si Lucas. Ang Lucas del Castillo na nabuhay noong 1878 hanggang 1900’s ay kamukhang-kamukha ni Lucas. Malaki ang posibilidad na siya iyon. Ang pakilala din niya ay siya si Lucas del Castillo. Kaya naman mas kinutuban ako.”      Lumakas ang kabog ng dibdib ni Odessa. Naalala kasi niya ang sinabi ni Lucas. Pinagpipilitan nito kanina na galing ito sa ibang panahon—ang panahon kung kailan sinasakop ng Amerikano ang Pilipinas.      “Hindi maaari…” nailing niyang sambit.      “So tama ako hindi ba?” tanong sa kanya ni Prof.      Nagdadalawang isip si Odessa kung babanggitin ang sinabi ni Lucas sa kanya. Pero kahit anong pagtitimbang na gawin niya ay nag-aalala pa rin talaga siya sa kapakanan ni Lucas. Bahala na si Prof sa sariling nitong theory. Basta kailangan niyang makita muna si Lucas. She has to see him now. Kailangan niyang sabihin dito na naniniwala na siya.      Lucas, wait for me. Kailangan nating mag-usap!   NAKAUWI na si Odessa sa bahay pero hindi pa rin niya nakikita si Lucas. Wala ring bakas na umuwi ito sa sariling kwarto. Doon na siya nagsisimulang kabahan.      Lucas… saan ka na ba?      Tinanong niya ang kanyang lola at Papa pero hindi raw nito nakita ang lalaki simula pa noong umalis ito kaninang umaga. Saan naman kaya ito nagpunta?      Sinubukan niyang puntahan ang museo pero wala rin ito roon.      Kung pwede lang niyang tawagan ito sa cellphone pero naalala niya na maski siya ay wala pala noon.      Ghaaad! Stressed na siya sa kakahanap sa lalaki.      Iniwan niya ito kanina sa kampanaryo at sinabihang umuwi na ito. Pero hindi kaya…      “Hindi kaya nandoon pa rin ito ngayon?”      Agad nagpaalam si Odessa at sumakay ng tricycle patungong simbahan. Habang nasa kalsada ay nagdadasal siya na sana ay naroon ang lalaki. Nang malapit na siya sa simbahan ay nagulat siya sa biglang pagkulog ng kalangitan. Doon na niya nakitang dumidilim na ang langit dahil sa namumuong ulan.      Shocks! Wala pang limang minuto ay bumuhos na nga ang malakas na ulan.      Kainis! Wala pa naman siyang dalang payong. But that’s the last thing na alalahanin niya ngayon. Ang mahalaga ay makita niya si Lucas. Naala niya ang pagtanggi niyang paniwalaan ito kanina. Malamang ay nasaktan niya ito dahil doon.      Lalong lumakas ang buhos ng ulan nang marating niya ang simbahan. Nanlaki ang mga mata niya nang matanaw mula sa baba si Lucas. Dapat ay matuwa siya dahil natagpuan niya na ito. Pero paano siya matutuwa gayong nasa may bintana na ito ng kamapanaryo at nakatanaw sa malayo. Both his feet are on the edge!      Tatalon kaya ito? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD