HINDI PWEDE!
“Lucas!” tawag niya sa lalaki pero hindi yata siya nito naririnig. Napakalakas naman din kasi ng ulan at kulog.
Kaya naman walang choice si Odessa kung hindi ay ang akyatin ang kampanaryo. Hindi na niya ininda ang pangangalay ng mga binti basta marating lang ang kinaroroonan ng binata.
“Lucas! Lucas ‘wag kang tumalon!” bulalas niya nang makita na ito. Nasa hagdan pa rin siya at si Lucas naman ay naroon pa rin sa may bintana. Mahinahon niyang kinausap ang lalaki. “Sorry. Patawad kung hindi agad ako naniwala sa’yo. Alam ko na. Nagsasabi ka ng totoo. Naniniwala na ako.”
Umiling si Lucas. “Hindi ka naniniwala kanina. Paanong bigla na lang nagbago ang isip mo?”
“Tinanong ko si Professor Jimenez. Ngayon naiintindihan ko na. Naniniwala na ako sa’yo. Kaya ‘wag ka nang tumalon, pakiusap. Ayokong gawin mo ‘yan.” Pagkasabi ay iniabot niya ang kamay rito. “Hawakan mo’ng kamay ko. Huwag kang tatalon. Magagawan natin ng paraan ang nangyari sa’yo. Tutulungan kita.”
Halos lumuwa na ang puso niya sa kaba habang nakikiusap kay Lucas. Just the thought of him jumping freaks the hell out of her. Hindi ito pwedeng mawala. Hindi sa ganitong paraan. Hindi siya papayag!
Kaya naman hindi na naghintay pa si Odessa. Agad niyang hinawakan ang kamay ni Lucas at hinila ito papalapit sa kanya. Ang problema nga lang ay dahil sa malaking katawan ng binata ay pareho silang nawalan ng balanse. Natagpuan na lang niya ang sarili sa ilalim nito habang ang dalawang bisig ng binata ay nakayapos sa kanya.
Mas dumoble pa ang kaba ng kanyang dibdib nang ma-realize kung gaano kalapit ang mga mukha nila. She could even smell his scent.
So manly!
Pero agad niyang kinastigo ang sarili. Hindi iyon ang oras na pagnasahan ang lalaki. Muntikan na itong tumalon! She was about to push him off nang mapansing hindi ito gumagalaw. He’s just looking at her eyes.
Shocks!
“L-Lucas…”
“Hmmm?”
“Uhmm… Kailangan na nating tumayo.”
“Pwede bang sandali lang muna?”
She looked at him in the eyes as well. “B-bakit?”
“Ang ganda mo talaga.”
“H-ha?”
“Ah… w-wala.”
Anong wala? Kasasabi lang na maganda ako tapos biglang ‘wala’?
Doon na siya natauhan ay agad nang itinulak ito palayo.
“Hoy! Akala mo yata nakakalimutan kong muntik ka nang tumalon! Bakit mo gagawin ‘yon ha? Hindi mo na lang ba ako inisip… ang ibig kong sabihin ‘kami’. Kami nina Lola.”
Pero imbes na mag-sorry ay bahagyang ngumiti pa ang lalaki.
“Aba’t ngumingiti ka pa d’yan.”
Umiling si Lucas. “Patawad. Hindi naman ako ngumingiti dahil natatawa ako sa’yo. Napapangiti lang ako dahil mali ang iniisip mo sa akin. Hindi ako tatalon.”
“Sabi ko na nga ba eh! Tatalon ka! Eh bakit—” Napatigil siya sa pagsasalita nang nag-sink in na sa kanya ang sinabi ni Lucas. “H-hindi ka tatalon?”
Muli itong umiling. “Hindi. May tinitingnan lang ako.”
Huminga siya nang malalim at saka napaupo sa semento. Gusto na niyang maiyak. Nag-alala pala siya para sa wala.
“Nakakainis ka! Akala ko tatalon ka na!”
Tumawa si Lucas. “Bakit mo naman naisip na tatalon ako?”
“Kasi nga ayaw mo dito sa 2011. Hindi mo na kaya rito.”
“Ano bang pinagsasabi mong ayaw ko sa panahon na ito?”
“Di ba nga, hindi ka mula sa panahong ngayon? Naiinis ka dahil iba ang kinagisnan mong mundo. Hindi ganito.”
“Eh kung tatalon ako, hindi na kita makikita pa. Ayokong mangyari ‘yon.”
Shocks! Kung ano-ano na lang ang sinasabi nito na nagpapabuhay ng kanyang dugo. Ganito ba talaga magsalita ang mga lalaki noong unang panahon? Pinapakilig ang mga kababaihan?!
“Ewan ko sa’yo. Sa susunod ay huwag mo nang gagawin ‘yon kung hindi itutulak na talaga kita.”
“Kaya naniniwala ka na talaga sa akin? Sa lahat ng sinabi ko?”
Tumango siya. Inayos niya ang pagkakaupo at saka huminga nang malalim. “Sinabi ni Professor na nagsasaliksik siya tungkol sa kometa at ang posibleng paglalakbay ng bagay o tao sa iba’t ibang panahon. Kilala ng lahat na mahilig si Prof. sa paggawa ng pag-aaral sa mga kakaibang bagay. Matalino kasi talaga iyon. Hindi iyon napipirmi sa mga nakagawian nang pinag-aaralan sa klase.”
“Kaya sinabi mo na sa kanya na galing ako sa taong 1901?”
“1901? Doon ka galing? Ang tagal na pala!”
Ngumiti muli si Lucas. “Ako rin hindi makapaniwalang nandito ako sa taong 2011. Isang daan mahigit na taon ang nilakabay ko.”
“Baka totoo ang teorya ni Prof na dahil sa kometa kaya ka napunta sa panahon ngayon?”
Nagkibit balikat si Lucas at saka tumabi sa kanya. “Hindi ko alam. Siguro kung kakausapin ko siya ay malalaman ko ang totoo.”
“Pero hindi niya alam. Hindi ko naman sinabi na nagkwento ka na sa akin. May duda siya pero hindi pa naman siya sigurado. Pero ako… naniniwala na sa’yo.”
“Hindi mo sinabi?”
Tumango siyang muli. “Natatakot ako… baka mas magkaproblema ka kung malalaman ng ibang tao ang tungkol sa time travel… este… pagkapunta mo sa panahon namin ngayon. Baka mahirapan ka.”
“Nag-aalala ka sa akin?”
“S-siyempre! Ako kaya ang sumagip sa’yo. Kaya ayokong mapahamak ka pa.”
Nabigla si Odessa nang biglang hawakan ni Lucas ang kanyang kamay. Tumingin siya rito at nakita niyang nakatitig din ang binata sa kanya.
“Hindi naman ako nagsisising napunta ako sa panahong ngayon. Natutuwa pa nga ako dahil nakilala ko kayo. Kaso… kaso mahirap para sa akin dahil hindi ako makasabay. Naguguluhan ako sa teknolohiya… sa uri ng inyong pamumuhay.”
“Gusto mo na bang umuwi?”
Tumitig si Lucas sa kanya. “Hindi ko alam. Wala na akong pamilya sa panahon kung saan ako galing. Puro digmaan lang ang alam kong gawin doon. Basta ang alam ko ngayon… gusto ko pa kayong makasama. Sina Lola, ang Papa mo… ikaw.”
Parang hinaplos ang puso niya sa narinig mula kay Lucas. He treasures them. Sila ng kanyang pamilya.
“Hindi bale… tuturuan kita. Hindi kita pababayaan.”
“Talaga? Salamat kung ganoon.”
“Gagawin ko ang lahat para tulungan ka. Tuturuan kita.”
Hindi maipaliwanag ni Odessa ang namumuong excitement sa dibdib niya. Marami na siyang naiisip na ituturo kay Lucas. Nais niya itong makapamuhay nang maayos kasama ang pamilya nila.
Pamilya nila talaga?
Gusto niyang matawa. Pero tinanggap na niya ang pakiramdam niyang iyon. Kilala niya ang sarili… and yes… she cares for Lucas. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nais niya itong alagaan. At kung saan man siya dadalhin ng ‘feeling’ na iyon ay wala na siyang pakialam.