The Encounter
Palinga linga siya sa harap ng main entrance ng building ng eskwelahang pinasukan. Sa laki nito'y parang nakakalula at nakakalito kung saan siya magsimulang maghanap ng silid-aralan niya. Transferee lang siya sa school at di pa niya kabisado ang lugar. Puro mga sosyal pa ang nandoon at siya lang ata ang katangi-tanging nagsusuot ng lumang pantalon at white tshirt na nakatirintas pa ang buhok.Buti na lang wala siyang salamin dahil kung meron malamang hindi estudyante ang aura niya kundi manang na naglalako ng paninda.Mataman niyang tiningnan ang bawat papel na nakapaskil sa likod ng pintuan ng silid-aralan at matiyagang hinanap ang pangalan niya at baka sakaling mahanap na niya ang silid niya.. Pang limang silid na ata ang natingnan niya pero ni anino ng pangalan niya ay di pa niya nakikita..
"Ganito ba talaga dito? Pahirapan?"hindi na ata niya kayang umikot pa sa kabila.Kumakalam na kasi at kanina pa nag-aalburuto ang tyan niya. Umalis siya kasi ng bahay nila ng maagang maaga kaya kahit kape ay di na niya nainom.Tumalikod siya't uupo sana sa mahabang upuan sa ilalim ng malagong puno sa may kalayuan ngunit di na kinaya ng powers niya at bumigay na ang natitirang calories sa katawan niya. Umikot ang paningin niya at tanging dilaw na kulay ang nakikita niya.
"Diyos ko po.Tulungan po ninyo ako"ang huling naalala niya ay ang pagbagsak sa matigas na bagay na hindi niya na alam kung ano..
"Ms, are you ok?" hindi pa malinaw ang naaaninag niya ngunit alam niyang lalaki ang may ari ng boses na yon.Kinalma niya muna ang sarili saka dahan dahang iminulat ang mata and she swore yon na ata ang pinakamagandang pares na matang nakikita nita. Kahinaan niya ang mga matang kagaya ng mga mata ng lalaking nakatunghay sa kanya. Maitim na maitim ang kulay niyon.Maitim pa sa gabi at magaganda ang malago nitong pilikmata. Matangos din ang ilong nitong bumagay sa medyo oval shaped na mukha..Ang mas umagaw ng pansin niya ay ang mga labing kumikibot na hindi niya maunawaan ang sinasabi dahil naglalakbay ang kanyang diwa.
"Yeah, perfect kissable lips."mas naging matiim pa ang tingin niya sa mga labi nito kung hindi lang niya napansin ang pagkunot ng noo niyo.
"Ha?"alam niyang mamumula ang mukha niya sa mga oras na iyon.
"Ganito ba kalala ang epekto ng kawalan niya ng almusal at mag isip siya ng kung ano ano? " Ok lang ako."sa wakas nasambit na rin niya.
"Thank God!" anito.
"You fainted earlier. Mabuti na lang at nasa likod mo ako kung hindi ay semento ang babagsakan ng ulo mo."dagdag pa nito. Bakas sa mukha ang pag aalala.
"Naku, salamat ha. Nahilo kasi ako sa kakahanap ng classroom ko.. Di ko akalaing ganito pala kahirap maghanap ng classroom sa school na to. "
"Why?Transferee ka ba rito?" tanong nito.
"Oo. Galing akong probinsya.Scholar ako kaya nakapasok dito." paliwanag niya rito.Lihim siyang umupo para hindi maging asiwa sa pakiramdam ang posisyon nila. Nakatunghay pa rin kasi ito sa kanya.
"Salamat sa tulong mo. Tatanawin kung malaking utang na loob tong ginawa mong pagtulong sa akin."aniya.
"Dont mind it. Kahit naman sino ata ay tutulungan ka. Anyways, i think matutulungan kita sa problema mo. Kabisado ko ang campus kaya hindi mahirap hanapin ang silid mo. "he offered assistance."Pero bago anng classroom mo I think kelangan mo munang malaman ang canteen ng school. Kanina ko pa naririnig iyang tyan mo and i thought di ka siguro nag almusal kaya kaya ka nahilo." nakangiting sabi nito na hindi nang aasar ang dating sa kanya.. Naramdaman niyang worried ito at hindi nang aasar lang.
"Ang ganda naman ng mga ngipin nito." sa loob loob niya.Hindi na siya nag atubiling humawak sa kamay nito ng alalayan siyang tumayo.. Gutom na gutom na talaga siya at kung hindi pa siya makakain ay baka kung ano pa ang itatakbo ng kukute niya habang nakatingin sa kamay nitong hawak ang kamay niya.
"Salamat."nahila niyang pasimple ang kamay na sobrang nakakahiya sa tigas at gaspang dahil gamit na gamit sa paglalabada niya noong nasa probinsya pa sila..
Ilang sandalli pa ay narating na nila ang malawak na canteen kung saan sinamahan siya nitong mag almusal.Ito pa ang nagpresentang magbayad ng nakain nila na hindi naman niya matanggihan dahil wala din naman talaga siya extrang pangkain. Kelangan niyang pagkasyahin ang perang natatanggap niya buwan buwan bilang scholar para hindi na mahirapan pa ang mga magulang niya sa gastusin niya..Pasalamat nga siya at libre ang kwartong titirhan niya dah kung hindi dagdag pa sa pasanin ng tatay niyang papamasada lang ang alam.
"Maraming salamat ulit at tinulungan mo ako. Pati na sa pagkain. Salamat talaga."hindi magkamayaw ang pasasalamat niga dito.
Naihatid na siya sa silid nito na 48 years niyang hinanap at pinakain pa siya.
"Walang anuman, sige ingat. Pasok na rin ako..Natalia..right?"anitong pilit na binabasa ang identication card niya sa harap ng dibdib niya.
"Oo.Natalia.Natalia Suarez ang pangalan ko." nahihiya niyang saad.
"I'm Brenan. Brenan Aragon.Nice meeting you."Kumaway pa ito habang papalayo.
And thats how it all started.
Malimit lagi niyang nakikita ito sa paaralang pinasukan.
"Alangan namang hindi eh dito po siya. pumapasok araw araw maliban sa weekends."nakalolokong kastigo ng isang parte ng utak niya.
Sabagay bakit nga ba naman di niya makita araw araw eh don nga ito pumapasok. Pero nahiling niya rin na sana di nalang niya makita ang binata.Panu ba naman kasi eh daig pa niya ang hahatulan ng death penalty sa sobrang kaba pag nakikita ito. Noon binaliwala lang niya ang simpleng pagrigudon ng puso niya pag nakikita ito. Pero habang dumadaan ang mga araw hanggang sa maging taon ay mas lumalalim na ang pagtingin niya rito.. Yeah, she admits.Mas malalim pa sa infatuation ang nararamdaman niya para sa binata. Pinilit niyang iwaksi iyon pero mas lalo lang siyang tinutukso ng sarili niyang isipan pag napapatingin siya rito.
"Ano ba Natalia?" mabasag naman ang salamin sa kakatitig mo. Hindi mo naman mukha ang tinitingnan dyan.. tudyo sa kanya ng best friend niyang si Amelia.Katangi tanging ito lang ang may alam na may pagtingin siya sa binata. Lahat na yata ng sekreto niya ay nasabi niya rito pati na lihim na nararandaman.
Agad siyang nagbawi ng mukha sakto naman na siyang pagtingin ni Brenan sa salamin na nasa harapan.Alam na alam niyang namumula na ang kanyang mukha sa panahon na yon. Ramdam niya kasi ang pag iinit nito paninikip sa magkabilang gilid.
"Damn!"lihim siyang napamura.. Ganon na ba siya ka obsessed dito?
Lihim namang napangiti si Brenan sa may harapan ng klase at alam niyang hindi na iyon nakita ng dalaga dahil nagbaba ba ito ng tingin.Mas lalong naaliw siya dahil nag blush ito alam niya.
"Anong meron Brenan at pangiti ngiti ka sa harap ng salamin?Me nakita ka bang nakakatawa dyan at parang aliw na aliw ka?naarinig pa ning tanong ng titser niyang si Mrs.Dionson.
Sinuklian lang niya ng iling at ngiti ang pagkayamot ng titser.
Maingat niyang binaliktad ang malaking salamin na nasa harapan niya..Hindi niya maintindihan kung bakit me salamin sa physics room nila pero sabi ng iba for reference daw yon ng concave at convex. Sabagay laking pasasalamat na rin niya at meron non sa harap para kitang kita niya ang nasa likod. Lihim na naman siyang napangiti sa tinatakbo ng isipan niya. He never imagined it would felt very weird dahil hindi na siya bata at marami na rin namang nagkakagusto sa kanya.Magaganda, seksi mayaman kahit di katalinuhan ok naman sana pero bakit parang iba yata ang gusto niya? It all started when he met Natalia 4 years ago nong muntikan na itong matumba at mabuti nalang naalalayan niya. Naghahanap din siya nong ng magiging room niya sa campus na pinapasukan ng bigla nalang bumigay at muntikan ng matumba ang nasa harapan niya kung di lang niya naagapan..
Kabisadong kabisado pa niya ang hugis at itsura ng mukha nito na lagi rin naman niyang nasusubaybayan sa palihim niyang mga titig nito pag nagkasalubong sila sa hallway ng eskwelahan. He knew something was going on within him kahit ano pang deny ang gawin niya sa sarili. Hindi naman siguro siya kikiligin kahit sa simpleng nakaw na tingin nito sa kanya at lalong wala walang rigudon sa puso niya kung baliwala lang ito sa kanya.. But it was contrary to whats expected.
Magkatinginan lang sila nito sa mata he felt everything inside him is in chaos. And he hated the feeling. Ayaw man niyang aminin he knew he was unfair to Elaine.Ang kanyang nobya. He felt hes cheating on her kahit di man actual.He still wanted to be honest to her pero panu niya ba sasabihin rito na may mali sa kanya.
They had been together for 2 years now at ang akala niya ay kayang itaboy nito ang ligaw na damdaming nararamdaman niya para kay Natalia but it didnt. Dahil sa dumaang mga araw mas lalo lang niyang nararamdaman na lumalalim ang pagtingin niya kay Natalia.At hindi naman siya ganon kasama na i dump nalang ito bigla dahil naging faithful naman si Elaine sa kanya.
"Damn" he mutterred. Konti nalang at mababaliw na siya.
"Brenan?" hindi niya namalayan na tinatanong na pala siya ng nasa likod niyang nobya.. Nasa second row ito at siya naman ay first row.
"Yes, sorry did you ask me something? natauhan siya.
"Gusto ko lang sana magpasama mamya sa mall at mi bibilhin akong bagong sapatos para sa js prom natin."nakangiting sabi nito sa kanya na nagpalabas ng magkabilaan nitong dimples.
Elaine had always been this caring..this sweet at
maganda. Yong tipong wala ka ng hihilingin pa. Crush ito ng mga kalalakihan sa campus pero siya ang maswerteng sinagot nito nong nanligaw siya out of impulse.
"Out of impulse?" may mali ata sa akusa ng isang bahagi ng utak niya.
"Sure..Sure .sasamahan kita"I'm sorry pero kelangan na talaga kitang pakawalan" mahinang dugtong ng isipan niya.Nakaramdam siya ng guilt pero alam niya na iyon ang nararapat gawin sa lalong madaling panahon.
Mag aalas kwatro na ng lumabas sila sa paaralang yon kasama ang nobya papuntang mall.
At kagaya ng dati nakita niya si Natalia sa gilid ng entrance ng skwelahan na matiyagang nag aantay.
"She's really beautiful."kahit sa simpleng suot nitong uniporme ay maganda ito.Walang makeup pero lutang ang ganda.
"There it goes again."nararamdaman na naman niya ang eratikong t***k ng puso.
Shes aloof sa lahat kahit mga kaklase niya. Wala ata itong kinakausap maliban sa bff niyong si Amelia.. Madalas nagkakasabay o magkasalubong sila nito sa hallway ng ekwelahan pero never niyang naalala na binati siya nito like all the other girls did.Malimit ay magkatinginan lang sila saglit dahil bigla itong iiwas ng tingin which he ignored on their first years pero ngayong magkaklase na silay mas lalo siyang na bother.Yong mga palihim na titig nito sa kanya na kalimitang nahuhuli niya sa salamin ay nagbibigay ng kakaibang kilig sa kanya.
Nasa pinakahuling row ito ng upuan katabi ng best friend nito at ang kaibigan naman niyang si Dave.Kahit gaano siya magbise bisehan at pigilin ang sariling hindi tumingin sa salamin ay di niya magawa. He was even jealous of Dave.Nakakausap ito ng dalaga at madalas ay nagtatawanan pa pero nakakatuwang pagdating sa kanya tahimik at pormal ito. Sa kanya lang ata ito aloof and he didnt know why. Malimit na rin itong madaanan habang naglalakad pauwi o di kayay nakatraysikel kasama ng kaibigan niyo.He had been noticing her lately pati na ying ligaw na damdaming namumuo sa loob loob niya.
There was one time na aayain sana niya iyong sumakay sa kotse papasok sa eskwela ng maadanan niyang nag aabang ito ng traysikel pero dinaig siya ng hiya.
"And why would you do that? anang isip niya.
"Well, nagmamagandang loob lang naman."sagot din ng isang bahagi ng isip niya.
"Bakit nga?" ngunit makulit ang pilyo niyang utak. Malimit iwinawaksi lang niya ang naiisip hoping na mawala pero bakit hanggang panaginip ata ay hinahunting siya nito.Yes, madalas ay napapanaginipan niya ang dalaga and come to think of it ..my girlfriend siyang tao pero iba ang nasa panaginip niya. He could have dreamt of Elaine pero hindi.
" Brenan, what do you think?" pukaw sa kanya ni Elaine. Nasa mall na sila at pinapakita nito ang kulay gold na sandalyas na 5 inches ata ang takong.
"Ha?" tanong niya rito."Come again?"
"Madalas na yata ang pagiging absent minded mo ah.Mi problema ka ba?" nag aalala nitong tanong.
"No i'm fine..Stress lang lately kaya ganito." alibi niya.
Hanggang sa pag-uwi at maihatid ang nobya at tila naliligaw ang isip niya. Nasa plano na niya na hiwlayan si Elaine pero wala siyang lakas ng loob. Kaya ng makarating siya ng bahay nila ay balisa siya. It will be really unfair for Elaine if he breaks up with her.Napunta siya tuloy sa wine bar ng bahay nila.Kahit hindi siya umiinom ay alam niyang yon ang pinakamagandang gawin. Baka sakali makatulog siya at malimutan ang iniisip.He had 3 shots and felt sleepy kaya pinasya niyang pumanhik na sa kwarto at matulog.
" I love you, honey" masuyong saad ni Natalia sa kanya.At kinitalan ng pinong mga halik ang mukha niya.
"I love you more.." he lowered his gaze to her lips and kissed her passionately.
Sa umpisa ay hindi nito tinutugon ang mga halik niya pero kaalaunan ay natuto na ito.. Hinahayaan na nitong maghalungkat sa bibig nito ang munting dila niya while pulling her close.Chest to chest ika nga.
She could not help but moan when he slid his hand under her nighties and caress one of her breasts.
"Brenan, please." me pag aalala sa mga mata nito.
"Please what honey? Dont tell me to stop coz i wont." nanunudyo ang mga mata niya.And he swore he wouldnt stop.And he started kisssing her again.. Sa umpisa ay reserve ito pero kaalaunan ay tinutugon na rin nito ang mga. halik niya at mas lalo siyang nadadarang.She pulled his nape and lalo pang dinikit ang katawan sa katawan niya which made him ache for her.. Nagsimula ng magwala ang pagkalalaki niya.
"Ha!" napabalikwas siya nga bangon.He realized it was just a dream.. Magandang panaginip para sa kanya.Buhay na buhay ang mga ugat niya kaya kinailangan niyang magshower para at least kumalma ang pakiramdam at maginhawaan siya.
"Its now or never." buo na ang pasya niya.
Mabilis na tumipa ang mga kamay niya sa keypad ng cellphone at sinendan ng mensahe ang nobya.
"I'm sorry Elaine but i need space and time. Sana maunawaan mo." at i sinend na niya ang mesage.
How unconsiderate of him to break up with her like this pero yon lang ang kaya ng konsensiya niya sa ngayon..
Magkasunod na ring ng cp agad ang narining niya at si Elaine ang tumawag. Patawarin nawa siya ng langit dahil ini off na niya ang cellphone para matigil na ito sa kakaring.
"Bahala na bukas.Bahala na si batman".bumalik siya ng higa.