Chapter #2

2200 Words
Carys P.O.V "What can I do for you, Ms. Thatcher?" Rinig kong tanong niya na ikinalingon ko sa kaniya. Humakbang ako palapit sa kaniya. Inilapag ko ang dala kong tray at napatingin sa ginagawa niya. Kasalukuyan niya na palang chine-chekan ang assignment ng student niya. "May I borrow your laptop?" I asked. Tiningnan niya ako. Lihim na bumuntong hininga ako. Hindi ko na hinintay ang permission niya. Kinuha at hinablot ko ang laptop niya at umupo sa upuang nasa front table niya. Itinabi ko muna saglit ang pagkain. Pagkabukas ko ay password ang bumungad sa akin pero hindi ako nahirapang buksan ito. Mabilis na tumipa ang mga daliri ko sa keyboard ng laptop, wala pang limang minuto ay natapos na ako. Tumayo ako at pinirint ang gawa ko saka pinasa sa kaniya. Nilagay ko ito sa mga che-checkan niya. Tinawid ko ang distansiya namin. Lumapit na talaga ako sa kaniya. Inalis ko sa harapan niya ang mga papel saka pinalitan ito ng pagkain. "What are you doing, Ms. Thatcher?" he asked once again. "What do you think I am doing, Professor Collymore?" I calmly responded. "Get out! You don't have the right to do this." malamig niyang sambit. Huminga ako nang malalim at sumandal sa edge ng table niya pero malapit lang sa kaniya. Dumako ang tingin ko sa bintana. === Flashback === Isang malakas na tili ang siyang sumira sa katahimikan na mayr'on ang paligid. Tumitiling lumapit sa akin si Tita Khenna. Mabilis siyang lumuhod sa aking harapan habang kumikislap ang mga matang hinawakan ang mga kamay ko. "Thank you so much Carys for doing this favor." mangiyak-ngiyak niyang wika. Kumunot ang aking noo dahil sa position niya sa harapan ko. "Stand up, Tita." utos ko. Mabilis siyang tumayo at umupo sa tabi ko. Gumawi muli ang tingin ko sa kaniya ng mayr'on siyang inabot sa akin. "I hope you will do it." saad niya, Binasa ko ang mga nakalagay. It's a to do list. "Tita, I am a bodyguard, not a babysitter." mabilis kong bigkas sa kaniya. Nakalagay ba naman dito ay dapat pakainin ko siya, monitor his health, be friends with him, and etc. "Do I need to do this? I am his secret bodyguard. I don't need to be close to him or in touch with him." kunot noo kong sambit. Kaya ko siyang bantayan sa malayo at alam ko iyon ang trabaho ng secret bodyguard Hindi ganito. Hindi kailangan na lapitan ko pa siya at makipag-interact sa kaniya. Nagulat ako nang mabilis na lumuhod muli si Tita. "Please! Do that for me. It's the only way for me to feel at ease and to make sure that he will be okay and stay healthy. My son is a stubborn guy. It's been a year since we've had contact with him." malungkot niyang wika. Yumuko siya at bakas sa mukha niya ang lungkot at pangungulila. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito. Kadalasan kasi ay napaka-cheerful niya. "My husband has cut everything he has. He is my son and my only child. As his mother, I am worried for him, but I can't do anything to help him." she helplessly said. Umangat ang kaniyang mukha at tumingin sa akin. I am starting to be curious about him. "Alright! I'll do it." pagsuko ko. Mabilis na lumawak ang kaniyang ngiti at niyakap ako nang mahigpit. === End of Flashback === "You are my student, not my girlfriend, Ms. Thatcher." Bigla akong natauhan sa pag-iisip ko at napalingon sa kaniya. Nakita kong inalis niya sa harapan niya ang pagkaing nilagay ko. "You don't have to do this, so stop doing it." malamig ngunit may riin niyang utos. Tinaasan ko lang siya ng kilay. His coldness doesn't affect me. "Do I have to be your girlfriend to have that privilege of yours?" mahinahon kong tanong. "If yes, then from now on you are my boyfriend and I am your girlfriend." I said frankly and directly. Mas magiging madali ang trabaho ko sa ganoong paraan. After all, I am single though I don't believe in a word of commitment but I can set aside it for a while. "What? Are you nuts? Are you out of your mind, Ms. Thatcher?" react niya. Ibinalik ko ang pagkain sa harapan niya. Umalis ako sa position ko. "Carys. Call me Carys. Hindi malayo ang agwat ng edad natin. 24 years old ako at 25 years old ka naman. Isang taon lang ang pagitan natin. No need to be formal." mahinahon ko ulit na saad. Umupo ako sa tapat niya. Hinarap ang pagkaing nasa tray. Nagugutom na kasi ako. "Eat your food, Khair! Lalamig ang pagkain." malamig kong wika, kasing lamig ng boses niya. Hindi ko na hinayaan pang magsalita siya. "Whatever you want to say, please! Keep it for a while. We can talk after you eat." I added. Gusto ko na talagang kumain dahil nagugutom na ako. Hindi pa ako nag-aalmusal. Nang hindi ko na narinig ang pagtutol niya, nagsimula na akong kumain. Pagtingin ko sa kaniya, nagsisimula na rin siyang kumain. Tahimik na kumain kami pareho hanggang sa sabay kaming natapos. Agad akong tumayo, niligpit ang pinagkainan naming dalawa. Nilagay sa tray lahat para isahang dala lang. "You can continue your work." saad ko saka tumalikod sa kaniya. Narating ko ang pinto, bubuksan ko na sana pero nagulat ako ng mayr'ong nagsara nito muli. Mabilis na humarap ako sa likuran ko. Nangunot ang aking noo, lihim na sumilip ako sa likuran niya. Ang bilis niyang kumilos? Hindi ko naramdaman ang mga hakbang niya. "What?" mahinahon kong tanong. Nakakulong ako sa braso niya, nakaharang kasi ang kamay niya sa pinto para hindi ko mabuksan ito, habang ako nakasandal sa pinto naghihintay sa sasabihin niya. "Are you looking for death, sweetie?" mahinahon ngunit nakakikilabot niyang banta. Hindi ako naapektuhan sa klase ng boses or maging sa banta niya. Walang buhay na tiningnan ko siya. "Why? Are you going to kill me, love?" balik tanong ko with endearment call. I am waiting for his actions. "I am going to shout if you do something to me." I said. He smirked. Mas lalo siyang lumapit sa akin to the point na wala akong matatakasan. "Go on. No one can hear you. This whole place is soundproof." he whispered. I knew it. Pagpasok ko pa lang kanina ay alam ko ng sounds proof ang buong lugar. "I am not here because I wanted it. I am here because I need it. I'm just following orders." bagot ngunit blangko kong saad. Hinawi at tinulak ko siya. Nangunot ang kaniyang noo. "I'm sorry, love. Whether you like it or not, you'll see me every single day of your life." pagbibigay alam ko sa kaniya na may halong pang-aasar. Mabilis na binuksan ko ang pinto sabay labas agad. Pagkalabas ko ng office room, dumeritso ako ng canteen para ibalik ang tray at plates. Nilapag ko lang ang tray sa may counter. Nakita naman ito ng naroon sa loob kaya iniwan ko ito. Ayon sa schedule ni Khair. Dalawang subject lang mayr'on siya sa isang araw. Isa sa umaga at isa hapon, then the rest time niya ay sa research laboratory or sa greenhouse niya siya namamalagi, but most of the time ay nasa research laboratory siya. Mayr'on kasi siyang ongoing research. Pumasok ako ng hapon pero natulog lang ako. Dalawang subject lang din mayr'on ako dahil subject niya lang ang kinuha ko sa buong semester. Kasalukuyan akong nasa taas ng puno. Nagpapalipas ng oras habang panay ang tingin ko sa binabantayan ko. Nasa research laboratory siya ngayon. Saktong nakakita ako ng puno kung saan makikita ko rin siya. Wala rin naman akong gagawin kun'di ang bantayan lang siya. Paanong nangyaring ang isang katulad niyang mayr'ong mataas na status sa buhay ay napunta sa isang simpleng profession? Mom said it was forbidden to talk about him; even his name was not allowed to be mentioned. Anong ginawa niya sa sarili niyang angkan para siya ay itaboy ng ganito? Wala akong alam tungkol sa pamilya niya. Naka-private ang information nila. Nakilala ko lang ang kaniyang ina which is si Tita Khenna dahil lagi itong nasa bahay. Madalas na nagbo-bonding ang dalawa. Sumandal na lang ako sa inuupuan kong sanga. Pinikit ko ang mga mata ko saka umidlip muna saglit. ********** Naalimpungatan ako ng gising, agad akong tumingin sa research laboratory pero wala ng tao roon. Aish! Nakatulog ako, kainis! Naglinis muna ako ng mukha bago bumaba sa puno. Tumingin-tingin ako sa paligid. Nang wala akong makitang tao ay umalis na ako. Pagkarating ko sa labas, naghintay ako ng bus. Nasa tapat lang din ng university ang waiting shed kung saan dumaraan at tumitigil ang bus. Tumingin ako sa orasan ko. Kung hindi ako nagkakamali ay pauwi na siya ngayon. Dumako ang tingin ko sa parating na bus. Wala naman sigurong mangyayari sa kaniya kung hindi ako nakabantay sa kaniya sa ganitong oras. Tumigil ang bus, sumakay kaagad ako saka umupo na rin. Lumipas ang kalahating oras, narating ko ang destination ko which is my apartment. Isang apartment na hindi kamahalan ngunit mayr'ong magandang ayos. Nasa fifth floor ang lungga ko. Walang elevator dito, hagdan ang gagamitin mo. Nagsimula akong umakyat sa hagdan. Habang paakyat ako naririnig kong mayr'ong paakyat din kaya napalingon ako sa likuran ko. Huminto ako sa pag-akyat at sinundan ng tingin si Professor Khair na walang hintong patuloy na umaakyat. Parang walang nakitang tao, ah. Naiiling na nagpatuloy ako sa pag-akyat. Three step ahead siya sa akin. Ayokong Mauna kaya pinabayaan ko siyang mauna sa amin. Mukhang galing siya sa groceries store dahil sa mga bitbit niyang plastic bags. Tahimik na narating namin ang fifth floor. Nagkaniya-kaniya kaming tapat sa aming mga room. Pagkatapos niyang buksan ang k'warto niya, lumingon ako sa gawi niya. Nakapasok na siya sa loob. Magkatabi lamang ang rent room naming dalawa, in-short magkapitbahay lang kami. Nagbayad ako ng triple para mapalayas ang nakatira rito. Hindi ko inakalang nasa isang simpleng apartment lang siya nakatira. Binuksan ko ang pinto pero bago ako pumasok. Palihim at simpleng tumingin muna ako sa paligid. Tuluyang pumasok ako sa loob. Pagkasara ko ng pinto, kaagad na hinubad ko ang suot kong blouse at skirt, ang natira na lamang sa akin ay ang suot kong undergarments. Tumungo ako sa refrigerator para kumuha nang malamig na tubig na maiinom. Nilabas ko ang tatlong cup noodles. Ito lang mayr'on ako, e. Tinatamad pa kasi akong bumili ng groceries. Binuksan ko ito saka nilagyan ang bawat isa ng mainit na tubig pagkatapos tinakpan at iniwan saglit. Pumasok ako sa banyo saka binuksan ang shower. Mabilis din akong umalis at nagbihis saka binalikan ang noodles na iniwan ko. Chineck ko kung luto na ito. Kumuha ako ng isang bowl saka sinalin ang tatlo sa bowl na kinuha ko. Pinagsama ko na silang lahat sa isang lagayan. Kalalagay ko pa lang ng pagkain sa bibig ko nang marinig kong tumunog ang phone ko. Binitbit ko ang bowl saka tumungo sa sala. Pagkaupo ko sa couch, kinuha ko ang phone at sinagot ang tumatawag. "Hello? Kumusta?" bungad ni mom. "Ako ba talaga ang kinakumusta mo, or ang inaanak mo?" taas kilay tanong. Nilapag ko ang phone sa table. Sinuot ko ang isang ear plug sa kanang tainga ko. Nag-indian sit ako at nagpatuloy sa pagkain. "Of course! Ang anak ko." natatawa niyang sambit. "Tsk!" simpleng react ko. "He is alright." bagot kong sabi. Alam ko kasing katabi niya si Tita Khenna. Simula ng makarating ako rito, every night na silang tumatawag sa akin at talagang sinasakto nilang nasa apartment na ako. "Hindi niya kailangan ng isang bodyguard. He seems to be okay kahit mag-isa lang siya sa buhay. Bakit hindi ni'yo naman sa akin sinabi na maypagka pala ang professor na 'yon. Ang sungit at suplado, e." mahabang aniya ko. Narinig ko ang lihim nilang pagtili at tila kinikilig ang dalawa. "Is he? I'm sorry about that." hinging paumanhin ni Tita Khenna. "I am happy to know that he is fine and healthy. I hope one day he comes back. I badly want to see him again." malungkot na wika ni Tita Khenna. "Hush now, Khenna. Maybe Evanser needs more time to heal his wound. He will come back—not now, but soon." pag-aalo ni mom kay Tita. Wala sa sariling napalingon ako sa terrace. "Be careful there, Carys." Rinig kong wika ni mom. "I will," sagot ng hindi inaalis ang tingin ko sa terrace. "Huwag magtinamad diyan, ha. Wala ako sa tabi mo. Kumain ng mga healthy foods, hindi puro noodles ang pinagkakain mo." mom added. Mabilis na gumawi ang tingin ko sa hawak kong bowl. Nilunok ko nang marahan ang nasa bibig ko. "Yes, mom." I lied. Noodles kasi ang kinakain ko ngayon. Kapag nalaman niyang noodles ang nilalantakan ko, tiyak akong aabot hanggang bukas ang sermon niya. "We gotta go." paalam ni mom. "Carys, I know you are my son's secret bodyguard. You still need to be careful." saad ni Tita Khenna. Napansin kong mayr'on pa siyang gustong sabihin sa akin pero mukhang nagdadalawang isip siya. "Noted, Tita." tanging tugon ko. Pinutol na nila ang linya. Nagsimula muli akong kumain ng kinakain pero kalaunan bigla akong napangisi. TheKnightQueen ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD