Chapter #3

2395 Words
Khair's P.O.V Pagkapasok ko, kaagad na nilapag ko ang mga dala kong plastic bags. Iniligay ko muna sila sa loob ng fridge at isinalansan sa loob. Pagkatapos, tumungo ako sa kuwarto ko. Pumasok sa banyo at nag-shower. Hinayaan kong dumaloy sa katawan ko ang tubig. Habang nasa gitna ako ng malamig na tubig, biglang sumagi sa isip ko ang mukha ni Carys, the new girl at my class. Kasisimula pa lang ng klase last week, at medyo late na siya sa lesson, but I was amazed when she passed her assignments. She did well. Siya lang ang nag-iisang studyanteng mayr'ong lakas ng loob na tumulog sa loob ng klase ko. She even approached me like she is close to me. Pinatay ko ang shower saka lumabas. Kinuha ko ang nakasabit na tuwalya saka binalot ito sa baywang ko. Pagkalabas ko sa banyo, lumapit ako sa closet ko at kumuha ng damit saka isinuot ito. Lumapit ako sa table ko, kumuha ng wine at isinalin sa baso. Kinuha ko ang baso, tumungo ako ng terrace. Ipinatong ko ang siko ko sa railings saka uminom sa basong hawak ko. I snap my finger. Wala pang isang minuto ay lumabas si Vlaze, my shadow man. "Master," saad niya habang nakayuko. Muli akong pumasok sa loob. "Who is she?" I asked coldly. "She is a new hired secret bodyguard of yours, master." magalang niyang sagot. Bodyguard? Again? Pang-isang daang bodyguard ko na siya. Mom does not know her lesson. She kept hiring a secret bodyguard for me. Kahit na pinapatay at binabalik ko ito ng wala ng buhay. "Kill her," malamig kong utos. "Yes, master." magalang niyang tugon bago mabilis nawala sa aking paningin. Isa sa ayoko ay ang binabantayan ako. Alam 'yon ni mom. Limang taon na rin ang lumipas simula ng umalis ako sa amin. Tinungga ko ang wine na nasa baso saka nagsalin muli. It's been five years since I lived alone here. And it's been five years since I gave up everything I had. Carys P.O.V Hindi ko alam kung nakailang buntong hininga na ako rito sa taas ng puno. Wala ako sa mood na mag-attend ng klase pero pumunta pa rin ako ng school. Sabay pa rin kaming kumain ni Prof ng lunch kahit ayaw niya pero nagawan ko pa rin ng paraan. Bumaba ako sa puno. Then, I decided na umuwi ng maaga ngayon. Lumakad ako hanggang sa marating ko ang gate. Suwerte namang mayr'ong bus na huminto kaya nakasakay kaagad ako. Pagkahinto ng bus, bumaba kaagad ako. Pinili kong maglakad na lang. Kinuha ko mula sa bag ang ear phones ko. Kinonek sa phone ko saka inilagay ko sa tainga ko. Lihim na tumingin ako sa aking likuran maging sa aking paligid. Mula kanina, ramdam kong mayr'ong sumusunod sa akin at nagmamat'yag. Kumaliwa ako ng daan. Tumungo ako sa lugar kung saang walang taong dumadaan. "Come out," saad ko, saka tinanggal ang suot kong earphones. "Stop hiding. Show yourself." I added. I know he or she is here to kill me. Tumingin ako sa aking likuran pero mabilis na tumagilid ako para maiwasan ang biglaan niyang pag-atake. Nang humarap ako ay bigla na naman siyang nawala. Kumunot ang aking noo. Ang bilis ng kilos niya. Muli siyang umatake. Tanging pag-iwas ang ginagawa ko, but this time, nagpakita na siya. A man? My killer is a man. Muli siyang sumugod. Tinapatan ko ang mga atake niya. Nilabas ko ang dagger ko upang pangsalag sa sickle niya. Habang umaatake siya nagawa ko pang tumingin sa orasan ko. Pauwi na si Khair. Mabilis akong tumagilid sabay hawak sa kamay niya. Mahigpit na hinawakan ko ito dahilan para mabalian siya ng buto. Tinuhod ko siya upang mapaluhod siya. "Don't. I don't have an intention to kill you." sambit ko saka malakas na hinampas siya sa batok. Sinalo ko kaagad siya. He's good, but still not enough to kill me. He's fast, I won't deny it, but I am faster than him. Muli akong tumingin sa kaniya. Collymore is not just an ordinary person. How can he have this kind of person if he is just a professor? Walang hirap na binuhat ko siya hanggang sa marating ko ang room niya. Tumingin ako sa paligid bago nag-type ng password. Napangisi ako dahil nagawa kong buksan ang pinto. Pumasok ako sa loob at muling sinara ang pinto. Agad akong kumuha ng upuan saka itinali ang tauhan niya. Ibabalik ko ang tauhan niya. Nakakahiya naman kasi, e. ************ Lumipas ang tatlong oras, narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Nakasandal ako sa couch habang naka-crossed arms. Binuksan niya ang pinto. Marahan akong tumingin sa kaniya. Napangisi ako dahil nakatutok sa akin ang baril niya. "Seriously, Are you going to kill your girlfriend?" I said. Hindi ako nagbibiro sa sinabi ko kahapon. Dumako ang tingin niya sa isang tao. "Huwag kang mag-alala. Hindi ko siya pinatay." saad ko, Nanatili pa ring nakatutok ang baril niya sa akin. "Iyon nga lang, he failed to kill me." Tumingin ako sa kaniya. "Anong gagawin mo sa kaniya? Are you going to kill him because he failed in his task?" Nilapitan niya ang kaniyang tauhan. "Can you please put your gun down?" inis kong wika. "How can you get in here?" malamig niyang tanong habang binaba ang hawak niya. "Your password is your ex-fiancee. It is not hard to guess." simpleng saad ko. Mabilis na tinutok niya muli sa akin ang baril niya but I don't bother on it. "It's been five years since both of you separated. Haven't you moved on her? Ganoon mo ba siya kamahal dahil hindi mo siya makalimutan hanggang ngayon?" blangko at walang buhay kong sambit. Sa maikling panahon marami akong nalaman tungkol sa kaniya. Natigilan ako ng namayani ang tatlong putok ng baril. "Balak mo ba talaga akong patayin?" taas kilay kong tanong. "If you don't leave right now. I will kill you without thinking twice, young lady." malamig na banta niya. Alam kong pang-one hundred niya akong bodyguard. Ninety-nine doon ay patay na. "You are indeed not an ordinary man. Mabilis mong nalaman ang tungkol sa akin." Binalewala ko ang banta niya. Umupo ako sa couch na parang feel at home lang. "Can you relax? I am not here to kill you, or anything. Wala din akong pakialam sa past mo. I am your bodyguard." pag-amin ko. And a babysitter. Hindi ko na sinabi ang word na 'yan. "And I guess, your current girlfriend." I continued. Pagtingin ko sa upuan. Wala na roon ang tauhan niya. Lihim na kumunot ang aking noo. Ang bilis niya talaga. "Girlfriend?" Rinig kong wika niya kaya lumingon ako sa kaniya. Tinanggal ko ang suot kong heels at sumampa sa couch. Ipinatong ko ang siko ko sa couch. Napansin kong kalmado na siya. Hindi niya na hawak ang baril niya. "Uh huh!" Tumango ako. "Why? Ayaw mo? Don't tell me may balak ka pa ring patayin ako? Come on! Hindi ka ba napapagod patayin mga secret bodyguard mo?" saad ko, Sinundan ko siya nang tingin. "Aren't you afraid of me?" he asked. Mabilis akong umiling. "Why would I?" "What is your intentions?" mapanghinala niyang tanong. "What? I won't deny that I am your bodyguard. Aren't knowing all about you is normal?" I innocently defending myself. Tumayo ako, kinuha at binitbit ko ang heels ko. "I won't disturb you. I'm going home. Pumunta lang ako rito para ibalik ang tauhan mo. Next time, kung magha-hire ka ng papatay sa akin. Make sure na kaya niya akong patayin, or mas better na ikaw na lang mismo ang gumawa." I suggested. Umalis na ako at lumabas ng pinto. Pagkalabas ko, napabuntong hininga ako. Bakit ba ako nag-offer na maging girlfriend niya? Hindi naman 'yon kasama sa trabaho ko. I don't even believe in commitment. Naiiling na pumasok na lang ako sa room ko. Carys P.O.V Mag-iisang buwan na simula ng dumating ako rito sa pilipinas at maging bodyguard ni Professor Khair. Hindi na siya secret kasi alam niya na rin naman, at saka ayoko ring itago pagbabantay ko kung kailan kong i-monitor din ang health niya. Mabuti kung pagbabantay lang talaga ang gagawin ko pero hindi, e. Dinagdagan pa ni Tita Khenna. Kaya ito ako, nakabuntot sa kaniya palagi. Saan man siya pumunta. Alam kong naiinis siya pero hindi pa naman siya sumasabog. Bukod pa roon, dakilang snobbero at kung minsan mapagpanggap. Minsan malamig, minsan parang ang bait-bait at kung minsan akala mo hindi tupakin. Pagkasama naman niya ako parang hangin lang ako sa kaniya. Hindi niya ako kinakausap or dapuan nang tingin. "Good morning, Professor." bati sa kaniya ng mga studyanteng nakasasalubong namin. Isang linggo na ring masama ang tingin sa akin ng lahat ng mga babaeng narito. Maging ang bulungan nila at pangba-backstab. Sa tuwing papasok at lalabas ako ng cubicle, nahuhuli ko sila pero nagpapanggap akong tila wala akong narinig at naririnig. Ang patulan sila ay pagsasayang lang ng oras. Pagkapasok ni Professor Khair sa kaniyang office. Pumasok din ako saka mabilis na dumapa sa sofa. Binigyan ako kagabi ng outside job ni mom kaya halos isang oras lang ang naging tulog ko. "Don't you have other class, Ms. Thatcher?" Rinig kong tanong ni Prof. "Carys, Professor." pagtatama ko. "Nothing. Parang hindi mo naman alam schedule ko." tugon ko naman sa tanong niya. "At bukod sa pagiging bodyguard at babysitter mo ay wala na akong ibang pinagkakaabalahan." dagdag ko. Ipinikit ko ang aking mga mata. Isang malaking himala nga at hanggang ngayon buhay pa ako. Hindi pa niya ako pinapatay. Hindi ko na rin na-encounter 'yong tauhan niya. Minsan ko na ring natanong kay Tita Khenna na kung bakit kailangan ng bodyguard ni Professor Khair kung wala namang banta sa buhay niya. Wala naman akong panganib na nakikita at sino ba ang magtatangka sa buhay niya kung isa lang siyang professor. Naninirahan pa sa simpleng apartment. Walang ibang lugar naman siyang pinupuntahan, campus, groceries store, at apartment lang. Ang tahimik niya ring tao. Kunti lang ang kinakausap at limit lang ang social life niya. Ngunit alam kong may tinatago siya, at curious ako sa bagay na tinatago at tinatakasan niya. Malakas ang kutob kong involved dito ang ex-fiancee niya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang kaniyang paglabas. Humugot ako nang malalim na hininga, tamad na bumangon ako saka sumunod sa kaniya. Nang maabotan ko siya, hihikab-hikab akong nakasunod sa kaniya. Hindi na ako nagulat na dito sa research laboratory siya pumunta. Pagkapasok namin, agad akong pumunta sa table niya at inunahan siyang maupo sa chair niya. Umob-ob ako sa table at nagpatuloy ako sa pagtulog. "Why is she always with you?" Rinig kong tanong ng co-researcher niya. "Is she your girlfriend, Prof?" tanong naman ng isa. "But she is your student." dagdag nito. "Well, she's beautiful. Hindi na nakapagtataka kong girlfriend mo nga siya." segunda naman ng isa pa. Wala akong narinig na sagot or response mula kay Prof. "Tigil-tigilan ni'yo nga itong si Professor Collymore. Bumalik na kayo sa mga kaniya-kaniya ni'yong ginagawa. Mga chismoso!" saad ng bagong dating na si Head Professor at head researcher na si Professor Lame. "Hindi sa nangingi-alam ako sa buhay pag-ibig mo Prof. Collymore. Marami kasing nakapapansin sa madalas ni'yong pagsasama. Hindi maganda at bawal sa atin ang makipag-relasyon sa studyante natin." pangaral naman nito kay Prof. Khair. Hindi ko mapigilang hindi tumaas ang dulo ng aking kilay. Nakapikit lang ako at hindi talaga tulog, at hello, narito kaya ako. "Thank you for your concern, Head Professor." magalang na response ni Professor Khair. I am not hundred percent sure kung couple nga talaga kami ni Professor Khair. Wala ako paki kung in-relationship kami or what. Hindi niya rin naman ako maitataboy unless kung patayin niya ako dahil didikit nang didikit ako sa kaniya. I don't need his confirmation about our relationship kung mayr'on man. Tiyak akong hindi siya papatol at hindi niya ako papatulan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka-move on sa ex niya. Lahat ng password niya ay birthday at connected pa rin dito. Mayr'on pa rin siyang mga larawan ng ex niya kung saan malayang nakabalandra kung saan-saan sa apartment niya. And as for me, parte lang ng trabaho ko ang maging girlfriend niya or anumang relasyon mayr'on kami. Sumandal ako sa upuan at humarap sa kanila. "Thank you for your concern, head professor. But you don't have to worry about us." sabat ko sa kanila. Tumayo ay lumapit kay Professor Khair saka walang paalam na hinalikan ko siya labi. Ramdam ko ang pagkagulat niya pero hindi naman niya ako tinulak palayo sa kaniya. Nakangiting inalis ko ang pagkalapat ng aming labi. "Is that enough for all of you to clear what relationship we have?" nakangisi kong sambit. Sumandal ako malapit sa puwesto ni Professor Khair. I crossed my arms and looked at Head Professor. Nakita ko ang lihim na pagkuyom ng kaniyang palad. Maging ang pagdilim ng kaniyang tingin sa akin. Batid kong mayr'on siyang gusto kay Professor Khair. Yes, babae ang kaniyang head, isang taon lang din ang pagitan nilang dalawa. Mas matanda siya kay Prof. Khair. Halos magkasabay din silang dumating dito at limang taon na silang magkasama. Sa lahat ng research na ginawa nila, palagi silang magkasama. "Love, can you help me to prove that you are my boyfriend." wika ko, "Ms. Thatcher." mahinahon na tawag sa akin ni Khair pero alam kong pagbabanta iyon. Nakita ko ang pagngisi ng babaeng nasa harapan ko. Tumingin ako kay professor Khair. Tinaasan ko siya ng kilay. Nakipag-eye-to-eye ako sa kaniya pero sa huli ako ang unang sumuko. Napabuga na lamang ako nang malalim n hininga. As expected, Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Umalis ako sa sinasandalan ko at walang paalam na umalis at lumabas ng research laboratory. "What is it?" blangkong bungad ko. "Go home for a bit." seryosong bungad sa akin ni mom pagkasagot ko ng tawag. Nahinto ako sa paglalakad at naging seryoso rin ang aking mukha. "Now?" tanong ko. Tumingin ako muli sa loob ng research laboratory room. Kasalukuyan pa ring kausap ni professor Khair ang kanilang head. "I will, but let me finish something first." I said. "Okay, clear his safety first before you came here." sang-ayon niya. Pinutol ko ang tawag niya ng walang paalam. Wala na akong balak bumalik sa loob. Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa marating ko ang gate. I guess, mauuna na akong umuwi. TheKnightQueen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD