C-17: I HATE YOU, BUT I LIE Matapos ang pagtitipon agad na siyang tumayo. Pagkaraang magpaalam ni Miss Francesca, nagsilabasan na rin ang lahat sa loob ng function hall. Kaya nakisabay na rin siya sa mga ito. Pumunta na siya ng locker room upang maghanda na sa pag-uwi. Subalit napahinto siya sa paglalakad ng makarinig ng mga nagsasalita. "Iba talaga kapag malakas ano?" "Magiging masaya ka bang manalo kung alam mong hindi ka naman talaga karapat-dapat?" Kunwaring pag-uusap ng tatlong babaing dumaan sa kanyang harapan. Ito rin ang mga babaing nakita niya sa canteen. Batid naman niyang siya talaga ang pinariringgan ng mga ito. Subalit sinikap pa rin niyang pigilan ang matinding inis. Pero muling nagsalita ang mga ito na tila gusto talaga siyang inisin.. "Pagmakapal ang mukha hind

