C-16: TAKING THE CHANCES Maagang gumising si Angela para ihanda ang sarili sa pagpasok. Kailangan kasing makarating siya sa Hotel bago mag-alas sais ng umaga. Ngayon kasi ang unang araw ng kompitisyon. Halos tatlong araw din nila itong pinaghandaan. Nakakaramdam siya ng konting kaba, pero handa na siya sa mga mangyayari. Manalo man o matalo okay lang naman sa kanya, basta ibibigay niya ang best niya sa laban o kompitisyong ito. Gagawin niya lahat ng makakaya niya bahala na at least lumaban siya kahit hindi siya ang manalo. Kung papalarin naman siya, malaking bagay talaga ito sa kanya. Ito pa lang kasi ang p'wede niyang ipagmalaki na nagawa niyang mag-isa. At hindi lang ito para sa sarili niya, para rin ito sa lahat para sa kanyang pamilya. ________ Pagbaba niya ng taxi derets

