Inalalayan ako ni Draven pababa sa kotse at ng mauna ako ay binuhat nya si Pietho bago kami lumakad papalapit sa rest house. Ang laki ng ngiti ko ng madinig ko ang alon, nauna akong lumakad papunta sa likod ng rest house at hinubad ang sandals na suot ko, nanakbo sa pinong buhangin. "Mama!" sigaw ni Pietho at nanakbo papalapit sa akin, ang laki ng ngiti sa labi ng anak ko at masaya syang nag lalaro ng buhangin. May mga pang gawa rin ng sand castle ngayon na naka ready na roon. Nasa likod lang namin si Draven at masaya kaming pinanonood ng anak ko. Ngumiti ako at kumaway kay Draven mga isang buong pamilya ang lumapit sa amin at nagmano si Draven, ang alam ko ay Tita nya ito, malapit sa rest house namin ang bahay ng Tita nya, kasi noong nakaraang linggo, kila Mama kami. Kaya ngayon ay dito

