"Kumain ka ng marami anak, kanina ka pa nag lalaro!" sigaw ko at ngumiti lang ang anak ko sa akin at yumakap sa hita ni Draven. Binuhat ni Draven ang anak namin at nilagay nya sa balikat nya su Pietho. Bumili kami ng aso at ngayon ay kasama namin itong nagpicnik sa park, nakauwi na kami sa Manila ngayon at linggo na rin, nang galing na kami sa mall at napag desisyonan namin na kumain sa park at doon kami hanggang sa magkapag palipas kami ng tanghali. Nilabas ko ang camera ko at kinuhaan sila ng litrato habang nag lalaro. Wala gaanong tao sa park at ang hagikgikan ng mag ama ang nadidinig ko. Inisa isa ko ang mga pictures at naalala na ngayon ang delivery ng family picture namin sa bahay, noong nakaraan pa yon kuha at ngayon ang dating sa bahay, kaya excited ako na makita ito. "Mama, lo

