May ngiti sa labi akong bumangon sa kama ko, nag-unat at ginala ang paningin ko sa buong kwarto, malinis na malinis. Madilim pa sa labas, at kagaya ng nakasanayan ko, gigising ako ng maaga, para pagsilbihan si Navi na papasok sa trabaho. Lumakad ako papunta sa bintana, binuksan ko ito bago ko kinuha ang towel, para maligo at makapag ayos para sa sarili ko. Saglit na naligo, ginawa ang routine at maayos na ang damit na suot ko, saka ko na gagamitin ang uniform na iyon, kapag may aasarin ako, lalo na kung andyan si Nila. Lumabas ako sa kwarto, dala ang phone at sigarilyo ko, binuksan ang ilaw sa baba at dumiretsyo sa kusina. Mas lalong lumaki ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang isang bouquet ng bulaklak sa counter, lumapit ako at binasa ang letter doon. "Good morning beautiful, have a

