Nakatanaw ako sa bintana ng bahay ni Navi, labis ang kaba ko ng makita ang sasakyan na papasok sa mansion, hindi lang isang sasakyan, kung hindi apat ito. Ang isa roon ay ang kotse ni Nila, and I have a bad feelings about this. Mabilis akong lumakad papunta sa kwarto ko, nagbabalak na umalis ngayon, para maiwasan si Nila. Dahil alam ko naman na kapag andito s'ya, walang maganda na mangyayare sa akin, wala rin si Navi ngayon, maagang umalis kanina dahil sa tambak na trabaho sa company. Hinalughog ko ang kwarto ko para makuha ang wallet at phone ko, hindi ako safe ngayon. Kilala ko si Nila at hindi nya ako titigilan. Ayoko masira ang araw ko sa walang kabuluhan na ugali nya, nag titiwala ako kay Navi, at alam ko na kumilos na sya, he already said na aayusin nya ang gulo na pinasok nya, hin

