Chapter 3

4165 Words
Clark Genisis POV Nag-uusap kaming anim dito sa Loob nang may marinig kaming napakalakas nakalabog mula sa labas. Sa sobrang lakas nang pagkatok, Iisipin kong may galit ito. "Hutek, Sino ba yan? Bat kailangang ganyan kumatok" Inis na saad ni Jakem "TANGINA BUKSAN NYO TOH!! MAY MGA TENGA KAYO DI'BA? MGA GAGO!" Boses nang isang babae. Gulat akong napatingin kila Icel na ngayon ay Curious din kung sino ang babaeng sumisigaw sa labas, Kaya naman pumapit si Dwife at pinagbuksan ito ng pinto. Nang mabuksan na ay lumantad sa harapan namin ang babaeng naligo sa mantika at hari-harina ang mukha pati na rin ang damit. Narinig ko pa ang impit na tawa ni Icel ngunit natigil din yun dahil. Hindi pa namin sinasabing pumasok sya ay bigla na lang syang pumasok na tila ba'y nagmamadali at lumapit kay Khane. Shit, Takot yan sa babae. Isang tunog mula sa pagitan ni Khane at nung babaeng nagtangka sa kanyang lumapit. Akmang susuntukin sya ulit nang biglang pinigilan ito ni Khane nahawakan nya ang kamao nito at galit na tinignan ang babae. Gulat kaming napatingin nila Jairro at sa isa't isa. "f**k you..." Galit na saad ni Khane. Samantalang napako naman kaming lima sa kinatatayuan namin. "f**k your face, Tanginaka. Pinahiya mo ako sa harapan nang maraming tao." Tumigil sya sa pagsasalita at ngumiti pa nang peke. "You know what..." Ngumisi sya kay Khane sabay taas nang middle finger nya. "This is you..." Akmang aalis na sana sya nang biglang hawakan ni Khane ang kanyang braso. Dahilan para mas lalong mapanganga sila Jake at Icel, Sya palang ang unang babaeng nahawakan ni Khane, Paano nangyari yun? "Ano bang ginawa ko sayo at manununtok ka na lang nang bigla-bigla diyan hah?" Nanlilisik ang mata nya dahil sa galit. Hindi namin alam ang susunod naming gagawin, Kung pipigilan ba namin sila oh hahayaang mag-away na lamang diyan. Mas gugustuhin pa ata naming panoorin syang nakikipag-away sa babaeng yan dahil ito ang unang nangyari na sya mismo ang humawak sa isang babae. Sigurado na ba akong hindi ako nananaginip?. Sinubukan kong sampalin ang mukha ko. "Aray..." Napahawak pa ako sa pisngi ko. My Precious. Totoo nga... Hindi ako nananaginip. Ang Untouchable na si Khane Vergaz ay nakahawak na nang babae? "Sa susunod na ipahiya mo pa ako sa harapan nang maraming tao hindi lang suntok sa mukha mo ang matatamo mo sa aking tanginaka!"Galit na ani nito at tuluyan nangang umalis. Wala paring kung sino ang gumagalaw sa aming lima nila Icel, Liban lang kay Khane na ngayon ay nakayukom na ang kamao. "Dapat pala matagal na nating ginawa yung ganon." Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses ni Jairro. "Oo nga" Halos tumulo na ang laway ni Icel sa pagnganga. Kasi kami ang dahilan kung bat sya napahiya dun ,Walang alam tungkol dun si Khane tinignan ko sila Dwife ngumisi sila may naiisip na kaming paraan. Gagamitin namin yang babaeng yan para matanggal ang takot ni Khane sa babae. Hmmm, Kung noon pa sana namin naisip ang gantong paraan edi sana hindi na kami nahihirapan. Yuna Romero's POV Nakakaubos nang pasensya mga yan ah nakakainis,Pinuntahan ko si Aisha at papunta na kami ngayon sa library para kuhanin ang librong gagamitin namin mamaya sa science. "Yuna, Iihi muna ako ah"Naiihing pagkasabi nito at inipit ipit pa ang legs nya para di makaihi dito. "Malayo pa C.r dito..." Tugon ko naman rito. "Bahala na" Sagot nya naman at nagmadaling umalis. Hays iwanan lang ba ako dito mag isa. Inaabot ko ang libro dito sa taas pero di ko maabot ,Kukuhanin ko palang sana ang upuan nang may naramdaman akong hangin na malakas na syang dahilan para magsitayuan ang balahibo ki. Pero binalewala ko lang yun dahil alam ko namang mahangin sa labas HAHAHAHA guni-guni ko lang yun "Iniisip ko kung bakit~" hawak hawak ko ang upuan nang may narinig akong kumakanta na dalaga sa boses nya tila bay hinhele ako sa ganda,Sinundan ko ito. "Ganito ang langit~" ang sarap sa tenga hanngang sa dinala ako nang paa ko sa isang pini. Secret room ba ito?. Pero bat sa library tinago? Pagkabukas ko tumambad sa akin ang mararaming instrumento na nakapalibot dito. Nasa gitna ang piano na mag-isang gumagalaw kahit walang nagpapagalaw nangingilabot ako sa bawat hangin na napapadpad sa akin. "Nilayo ako sayo~" Tinig nang isang babae na napakaganda,Pinikit ko ang mata ko dala na rin nang takot at paghanga sa boses nang babaeng kumakanta. "Hindi ko matanggap pagkamulat ko nang aking mata isang babaeng maganda ang nakita ko sa piano at kumakanta. Mahaba ang buhok nya at mapula ang kanyang labi, Para syang diyosa. Pati ang pananamit ay wala kang malalait. "Mahirap mag-panggap~" ngayon nabaling ang tingin nya sa akin, May kung anong ibig sabihin ang tingin nya sa akin. Parang andaming sikretong nakatago sa mga mata nya. Pinikit ko ulit ang mata ko, Huminga nang malalim at tsaka muling hinarap nang tinginan ang babae ngunit nabigo ako dahil wala na sya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba, Andito lang sya kanina paano nangyari yun? Hinawakan ko na ang doorknob upang umalis pero narinig ko nanaman ang tinig nung babaeng kumakanta kanina sa aking likuran. "Konektado ang lahat sayo..." Mahangin ang kanyang boses, At pakiramdam ko ay nasa likuran ko sya kaya naman napako ako sa aking kinatatayuan. "Takbo..." Nag-iba ang boses nya kaya mas lalo akong natakot, Maiihi na rin ata ako sa sobrang takot na nararamdaman ko ngayon. Ang boses nya, Naging panglalaki, At parang demonyo. Kahit paika-ika akong tumakbo ay pinilit ko parin, Para lang makalayo sa demonyong lugar na ito. Parang gusto nalang tumumba nang katawan ko at mahiga pero hindi pwede andito parin ako sa Library kung saan nakita ko ang isang napakagandang babae na bigla bigla nalang maglalaho at tsaka nag-iba ang tono nang pananalita. Narito na ako sa labas ng Library, Napahawak pa ako sa may bandang puso ko dahil ambilis nanng pagkatibok nito, Nagkakakarera ata. Eksaktong andyan naman na si Aisha. "Umalis na tayo dito..."Nagmamadaling pagkasabi ko rito habang hila-hila ko ang kanyang braso. "Anong nangyari sayo?" Inosenteng tanong nito ngunit di ko na ito pinansin at mabilisang hinila papa alis sa lugar na iyon . "Huy--" Napatigil sya sa pagsasalita dahil may nakita kaming mga nagkukumpulan malapit sa Guidance. Hila-hila ko parin sya at pinuntahan namin yun upang makahagip ng balita Halos masuka pa kami ni Aisha sa aming nakikita, Bali-baling katawan, napuno rin nang dugo ang lupang kinatatapakan namin dahil sa lalaking tumalon mula sa Rooftop. Nagkahiwalay-hiwalay ang mga katawan nya. Napa atras pa sa akin si Aisha dahil malapit sa kanya yung paa nung lalaki. Ngunit imbes na titigan pa ang kaawa-awang sinapit ng lalaking ito ay hinila kong muli si Aisha at ipinunta sa Dorm namin. "Uy, Yuna. Ayos ka lang ba? Parang kanina ka pa ganyan ah. Para kang nakakita na multo." Batid ko ang pag-aalala sa boses nya kaya naman huminga ako nang malalim at tsaka ikinwento sa kanya ang nangyari. "May nakita akong babae kanina kumakanta sya. Pamilyar yung kantang kinanta nya at parang pinaapalabas nya na iniwan sya mang lalaking mahal nya.""K-kanina i-isang babae kumakanta na parang pinapalabas nya na iniwan sya nang lalaking mahal nya." Saad ko rito at nahahalata kong wala lang syang ka emosyon-emosyon sa mga sinasabi ko "Tara na." "Pwede bang samahan mo ako matulog mamaya?." Tanong ko rito tumango na lang sya tanda nang pagpayag Natapos na rin ang araw at nandito ngayon si Aisha sa aking kwarto para samahan akong matulog "Goodnight Yuna." Masayang sambit nito "Goodnight den." Nakangiting saad ko rin rito Minulat ko ang mata ko at ginalaw ang aking kamay. Nagising ako dito sa lumang room?na luma luma na rin ang mga upuan na halatang noon pa ito nagawa. Dalawang babae ang nasa harapan ko "Ikaw babae.!" Pagkasabi nito ay tinuro nya ang direksyon ko "P-po?." Nauutal na pagtanong ko rito "Wag na wag kang magtitiwala sa babaeng yan." Saad nya at sabay pinaharap ang babaeng hawak hawak nya,Tumambad sa akin ang mukha ni--- Aisha kamukha nya "B-bakit po?." Tanong ko ulit rito "Yan si Claire plastik yan." Saad nya at tsaka nya tinulak sa upuan ang babaeng hawak nya "Kelisha wag kang maniwala gusto nya lang tayong sirain."naluluha nyang pagkasabi "WAHAHAHAHA di ba ginamit mo lang sya?." Ngayon ang boses nya ay tila iniinsulto nya ang kamukha ni Aisha. "Uy Yuna gising" isang boses nanaman ang narinig ko Unti unti Kong minulat ang mata ko at nasa harapan ko ng ang kamukha nang babaeng nasa panaginip ko. "Sino ang kamukha ko?" Seryosong tanong nito "Si Claire kamukhang kamukha mo sya pero si Claire hindi nerd." Nagtatakang paliwanag ko rito. "Wag mo nang intindihin yon panaginip lang yun" saad nito kaya tumango na lang ako. "Ahmm Aisha ihi lang ako ah." Saad ko ulit rito "Sige" tugon nito kaya dumeretso na ako sa labas yung malayo kay Aisha para hindi nya marinig ang iniisip ko May hinala na ako sa kanya Di ko lang pinapahalata Umpisa palang ang weird nya na 'Konektado Ang Lahat Sayo' Bumalik nanaman ang linya nung babaeng nakita ko kanina sa secret room Tangina!!pagod na ako sa kakaisip dumagdag ka pa Aisha "Anong ginagawa mo dito?" Isang napaka lamig na boses ang narinig ko "Ah wala." Pagkasabi ko nun ay tinignan ko sya Isa sya sa member nang Darkh "Tsk.." Saad nito at kinusilapan ako Attitude ka boy? Asan na ba kayo Jane? natatakot na ako sa kasama ko ngayon Miss na Miss ko na kayo. Ngayon para akong tanga na naglalakad dito at sinisipa sipa yung bato "Aray!." Hinawakan ko ang batok ko dahil sa sakit At sinong gago ang nagbato sa batok ko? Napalingon ako at nakita ko si Khane sa malayo na may hawak na kutsarang kulay puti at mga bato "Hinahamon mo talaga ako ah." Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya Pero ang loko tumakbo rin Hinabol habol ko pa rin sya kahit pagod na ako Ngunit di ko namamalayan na nawala na sya di ko na nakita kong saang lupalop ng direksyon sya nagpunta "Khane!!LUMABAS KA DYAN DUWAGGGG!!!!" Sigaw ko rito "Ako duwag?." Nakita ko naman na lumabas sya sa pinagtataguan nya "HAHAHAHA ni hindi ka nga makalapit sa babae eh kasi nga DUWAG KA uulitin ko ah DUWAG KA hahahaha" pang iinsulto ko rito binalingan ko naman sya nang tingin at halatang inis na inis na sya "Wag mong sagadin pasensya ko." Galit at nanlilisik na pagkasabi nito "HAHAHAHAHA inuutusan ako ng DUWAG WAHAHAHAHA." pero bahagyang nanlaki ang mata ko nang lumapit sya sa akin na nakayukom ang kamao. "Ang sabi ko wag mong sagadin pasensya ko."ngayon sa awra nya akala mo papatay na nang tqo "Kasi duwag ka?." Pangiinsulto ko ulit rito "Isa." Nauubos na nga pasensya nya HAHAHAHAHAHA "HAHAHAHA COWARD!!!!" "Talagang inuubos mo pasensya ko." Ngayon hinahawakan nya na nang mahigpit ang kamay ko,May kunting kuryente ang dumaloy mula sa akin at sa kamay nya. "Akala ko ba may phobia ka sa babae bat mo hinahawakan kamay ko?" Mapang asar na tono ko rito,Ngunit naiilang na ako lalo na't hawak nya pa ang kamay ko. Binaling nya ang tingin nya sa kamay ko na hawak hawak nya ngayon,Bahagyang nanlaki ang mata nya nang titigan nya ito at madaliang binitawan ang aking kamay. "Bwisit ka talaga!!,Alam mo ikaw palang ang unang babae na nagtangkang lumapit sa akin at ikaw pa lang ang unang babaeng nakahawak sa akin liban sa Magulang ko paano mo nagagawa yun?." Galit na tanong nito "HAHAHAHAHA" isang tawa lang ang tinugon ko sa kanyang katanungan. Tinaas nya ang kanyang kanang kilay at naghihintay pa rin nang sagot "Apaka tanga mo naman,Hindi mo ba nahahalata?Nakapag galit ka nakakalimutan mo na natatakot ka sa mga babae." Natatawang pagkasabi ko rito,Ngunit nakita kong nanginginig pa rin ang mga kamay nya. Ayon kasi sa napag-aralan namin non Kapag may phobia ang isang tao sa anumang bagay o hayop lugar ibig sabihin meron silang hindi magandang karanasan sa mga ito. "Tsk..." Saad nito at nag cross arm Umalis na sya na hindi man lang ako binabalingan ng tingin,Woahh pa famous ang putcha Wahahahaha. "Yuna Romero" Isang boses nang lalaki ang aking narinig mula sa aking likuran,Inis kong hinarap ito at tinaasan ng kilay.Nag cross arm na rin ako "Maaari ba tayong mag-usap?." Saad nung lalaking kinatatakutan dito sa campus. "Nag-uusap na tayo." Pairap na sabi ko rito "Pwede ba kaming humingi nang favor sayo?." Woahhh is this true? Ang isa sa kinaiinisan naming Magkakaibigan na DarkH ay humihingi ng favor? Am I Dreaming? "Natulala ka dyan?." Tanong nito sa akin na sya namang nagpagising sa aking ulirat. "Ano bang favor yun?." Nakangisi kong tanong rito. "Tulungan mo si Khane sa phobia nya." Nagmamakaawang pagsabi nito "Papayag ako pero." Nilagay ko ang daliri ko malapit sa aking mata at nagsalitang muli. "Ano namang kapalit?."Mapang-asar na tono ko sa rito. "Ibibigay namin sayo ang isa na pendant!." Pagkasabi nya ay bahagya naman akong natawa "Nasa amin ang syam na Pendant" Pendant?,WAHAHAHA Walo nga lang ang pendant dito eh hahaha "Sa pagkakaalam ko Walo lang ang pendant dito." Nginisian ko sya at kita ko naman ang paglunok nya ng sarili nyang laway. "Hindi lang Black Pendant ang meron sa university na ito Merong Red Blue Yellow Pink White Gold Silver Violet basta lahat nang kulay meron." Di ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi nito oh hindi,Kasi mukha syang tanga. "Wag mokong pinagloloko." Seryosong pagkasabi ko rito. "Hayysss oo na walo lang ang pendant na iba-ibang kulay." Sabi nito at napabuntong hininga Ngayon nakumbinsi nya na ako dahil alam kung hindi na sya nagsisinungaling "Sige." Saad ko rito in boring tone "Sige saan?." Tanong nito. "Pumapayag na ako sa favor mo pero yung kapalit ibigay mo rin sa akin Deal?." Nilayad ko ang kamay ko "Deal!!." Masayang sambit nito at nilayag rin ang kanyang kamay "Gusto ko yung Black Pendant"Pahabol ko HAHAHAHA. "Ahm ako nga pala si Icel." Wuwsss mabait ka rin naman pala,Kapag may kailangan nga lang. "So anong balak mong gawin ko?kailan mag-uumpisa?." Tanong ko rito at binaling ang tingin sa iba. "Kung okay lang naman sayo na ngayon na"Sagot nito at tinaas ang balikat nya nang konti. "Pano?." Tugon ko rito at nakatingin lamang sya sa akin ng mata sa mata, Nakakailang. "Don ka muna tutuloy sa room namin ng DarkH." Ngayon seryoso na ang mukha nya. Nanlaki naman ang mata ko at parang tangang tumitig sa kanya. "Wait wait whatt??!Are you out of your mind? Me?Tutuloy sa room nyo?!." Gulat at hindi makapaniwalang Pagkasabi ko. "Oo mukha ba akong nagbibiro?." Tanong nito at nahalata ko nga sa mukha nya na hindi sya nagbibiro. Pisting yawa kung hindi lang dahil sa Pendant Hasyttt "Papayag ako kung-." Hindi ko pa pinapatapos ang sasabihin ko nang sumabat na sya kaagad "Kung?" Taas kilay nitong tanong "Kung may kasama rin ako." Saad ko rito at tinanggal na ang pag cross arm ko "Sige isama mo na yung nerd na kasama mo kanina,lumipat na kayo ngayon,Hinihintay ka na ni Dwife,Clark,Jake,Jairo dun sa room bilisan mo na rin ah." Pagkasabi nya ay humakbang na sya papalayo na hindi man lang ako nilingon Naiwan akong nakanganga dito Really?ako?tutuloy sa ano? Sa room nang darkH Tapos makukuha ko yung pendant pagkatapos? Oh My Gosh Mabilis akong tumakbo papunta sa dorm namin ni Aisha Binuksan ko ang pinto at nagmadaling pumunta sa mga gamitan ko. Alam kong nakatingin sa akin si Aisha pero binalewala ko lang yun. Inayos ko na rin ang mga gamit nya Nilagay ko lahat ang damit nya sa isang maleta at ganun rin ang akin. 'Pupunta tayo sa DarkH dun tayo tutuloy' Sabi ko sa isip ko habang nagmamadaling mag ayos nang gamit "Anong gagawin natin dun?." Curious na tanong nito sa akin 'May kailangan akong gawin para makuha ang isang pendant' Sabi ko sa isip ko alam ko namang narinig nya na iyon Halata ko sa mukha nya na marami syang gustong itanong kaya sinabi ko na lang na sasagutin ko ang lahat ng tanong nya pag nandun na kami,Hindi naman ako bigo dahil naintindihan nya naman ang aking sinabi. "Tara na." Pangyaya ko rito at binigay sa kanya ang isang maleta Andito na kami sa dorm nang DarkH ngayon,May halong kaba at takot ang nararamdaman ko.Ngunit may halong kasiyahan din,Dahil pagkatapos nang gagawin ko ay makukuha ko na ang pendant *Tok*Tok* Biglang may nagbukas at tumambad sa amin ni Aisha ang mukha ni Clark,Pagkabukas nya nang pinto ay nabaling ang tingin ni Clark kay Aisha Sa titigan nila parang nagkakilala na sila noon pa. "Magkakilala kayo?" Tanong ko sa dalawang nagtititigan ngayon ngunit binalewala nila ang sinabi ko at nakatitig parin sila sa isat isa. "Ang sabi k-" hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na si Clark "Anong ginagawa mo rito?." Curious na Curious na tanong nito "S-sinamahan k-ko lang n-naman s-si Yuna." Utal utal na pagkasabi nito 'Pero teka bat ka ba nauutal Aisha?' Tanong ko sa kanya gamit ang isip ko "Sige pasok na kayo"ngayon naging cold na ang ekspresyon ni Clark na kanina masayang sumalubong sa amin. "Ano ba kasing nangyari?."tanong ko rito at binuhat ang hawak kong maleta Binuhat nya na rin ang maleta at humakbang papasok sa loob "Wala" tipid na pagkasabi nito Magiisip sana ako kaso lang hindi na baka marinig nya nanaman. Pumasok na kami sa loob at nadatnan namin ang Apat na lalaki na naka upo sa sofa Nakita naman namin na napatayo silang apat at parang nagulat sila dahil may kasama ako "At sino naman yang kasama mo?" Nagtatakang tanong nung lalaking katabi ni Dwife "Ahm siya si Aisha Kun pero pwede nyo syang tawaging Isha"mahinahong sabi ko sa apat na ito "Nagdala ka pa talaga nang nerd" sagot naman nung lalaking cold ang aura at boses,Binalingan ko naman ng tingin si Aisha at halatang nagtitimpi nang galit . "Wag mo na lang silang pansinin mga kulang lang yan sa pansin." Sabi ko sa kanya at hinawakan ang braso nya para pakalmahin sya. "Pigilan moko masasapak ko nang wala sa oras yang mga yan" pagpipigil galit ni Aisha "Hayaan mo na" pagkasabi ko sa kanya nito ay binaling ko ulit ang tingin ko sa apat na lalaki,Wala dito si Khane. "San pala kami matutulog dito?"pang-iibako nang usapan "Don sa guess room" Tipid na pagkasabi ni Dwife pero nakangiti,At tinuro nya kung saang direksyon yun. "Ah salamat" pagkasabi ko nun ay yumuko ako nang kaunti "Tara na" hinwakan ko ulit ang braso ni Aisha ngunit nakatingin lang ito na galit dun sa lalaking cold ,Hinila ko sya Pero nakatingin parin sya don. "Huy" sabi ko rito at kinalma nya ang sarili nya,Napabuntong hininga nalang sya sa galit nya. Dinala nanamin ang maleta namin ni Aisha dito sa guess room,Malawak sya at halatang hindi pa nagagamit nang kahit na sino. "Siguro tayo palang nakakagamit nang room na to" Sabi ni Aisha at umupo sa malambot na kama. "Oo nga eh" pagkumbinsi ko naman sa sinabi nya *Tok*Tok* Pinagbuksan naman sya ni Aisha Dahil alam ni Aisha na may ginagawa pa ako,Inaayos ko kasi tong cabinet na lalagyanan nang mga damit namin. "Ay Multo!!" gulat na pagkasabi ni Icel at napalingon naman ako sa kanila "Nanggugulat ka ba?" Inis na tanong ni Icel kay Aisha "Bat naman kita gugulatin?" Pagkasabi ni Aisha ay nagcross arm sya "Jusko ilayo nyo ko sa kamatayan" pagkasabi nito ay parang bata si Icel na inaasar si Aisha at kunya kunyaring natatakot kay Aisha Yie napaka sweet "Are you insulting me?" Pagtataray ni Aisha ngayon sa boses nya parang nabwibwisit na sya. "Ahm Yuna" Tumingkad naman sya para masilip ako at nakita nya naman ako, napatitig nanaman sya kay Aisha. "Ay!" Gulat na pagkasabi nya at napatalon. "May multo pala sa harapan ko." Pagkasabi nito ay tumingin sya sa ibang direksyon "Yuna!!Tas pati ikaw nerd kain na" saad nya na nagpipigil nang tawa dahil ata sa mukha ni Aisha. Nung makaalis na si Icel ay inis na tumingin sa akin si Aisha "Kung libre lang pumatay papatayin ko na yang lalaking yan pati si jairo" galit na pagkasabi nito "Sino si jairo?" "Yung lalaking cold kanina" galit na sabi nito at kinuha nya ang maleta nya para sya naman ang mag-aayos Laking gulat ko na lang nang ibinalibag nya ito sa kama "Nakakainis!" Malutong na salita ang narinig ko sa kanya ngayon. "Pabayaan mo na lang kasi"saad ko naman rito "Tara na kain na tayo dun." Sabi ko naman sa kanya "Sunod na lang ako baka makita ko nanaman mukha ng dalwang bakulaw na yun" Pigil inis na sabi nito. "Sige hintayin na lang kita don ah"pagkasabi ko nun ay umalis na ako at dumiretso na sa lamesa. Wow ang daming pagkain Laking gulat ko na lang nang may narinig akong ingay sa likod ko Ngunit kukuha palang sana ako ng plato ng may naramdaman akong parang nakatayo sa likuran ko,Unti-unting nagsitaasan ang balahibo ko. Kahit takot na ako ay nais ko pa ring makita kung ano ang nasa likuran ko,Ngunit isang napakalaking katatawanan lamang ang nakita ko,Napatakip pa ako ng bibig para hindi nila marinig ang impit na tawa ko. "Mahal na panginoon kamatayan ay lisanin" saad ni Icel na akala mo'y eksperto sa pag aalbularyo. Natawa nalang ako dahil hindi nila ako mabigyan nang tingin dahil naka pikit silang apat ,At nakapang albularyong ayos "Jake nasaan ang pangbasbas" nakapikit na tanong ni Icel dun daw kay jake Nakapikit na inabot ni jake ang dahon na pang albularyo nga,At kinuha ito ni Icel na nakapikit parin Tinignan ko naman ang mukha nang iba grabe laugh trip puta WAHAHAHA pati yung cold na lalaki nakisali narin Leader nila si Icel? Sa pang aalbularyo? "Mahal naming panginoon" ngayon tinaas ni Icel ang dalawa nyang kamay "AMA." seryosong saad ni Icel "Namin" nakapikit na saad naman nang tatlo at mahina namn akong napatawa "Pinag gagawa nyo?" Pagkatanong ko sa kanila non ay gulat nilang minulat ang mata nila "Ay palaka/Carag" sabay sabay na saad nilang apat "Paktay." Pagkasabi nun ni Dwife ay napatapik sya nang noo nya "Akala namin ikaw si Nerd" Ngayon binaba na ni Icel ang dalawa nyang kamay "Buti na lang at wala tayong multong makakasamang kumain ngayon." Sabi naman ni jake "Grabe kayo sa kanya ah." Natatawang saad ko rito,Pero dahil hindi ko maiwasang matawa sa mga mukha nila ay isang napakalakas na halakhak ang ibinigay ko. "WAHAHAHAHAHAHAHA" Nakita kong napataas ng kilay silang apat. "WAHAHAHAHA tignan nyo nga yang mga ayos nyo HAHAHAHA ginaya nyo talaga outfit ni Mang Kepweng WAHAHAHAHA" Nakita ko naman na nagsititigan sila nang sarisarili nilang sarili,Pagkatapos nilang magtitigan ay bigla silang sumigaw "WAHHHHH MANG KEPWENG!" sigaw ni Icel at ni jake at nagsitakbuhan para magpalit nang damit Grabe Isip bata "Anong nangyayari dito bat ang daming dahon?" Napalingon naman ako sa nagsalita Guess Who? Si Khane ang lalaking may phobia Buti na lang at di sya kasali sa katangahan nang apat na yan Kundi baka mamatay na ako sa kakatawa sa mga itsura nila HAHAHAHAHA. "Ikaw?" Galit at Nagtatakang tanong nito sa akin. "Oo ako may problema?" Pang-iinis ko rito "Anong ginagawa mo rito?." Galit na pagkasabi nito Nabaling ang tingin nya kay Jairo at Dwife "At kayo anong pinaggagawa nyo sa sarili nyo?" Sabay turo nya kay Jairo at Dwife "Kasalanan ni Icel" cold na pagkasabi nito at umalis "Sabi kasi ni Icel Mukhang sinasaniban daw si Aisha ng masasamang espirito kaya binabasbasan namin pero si Yuna pala hehehe sige bihis na muna ako ah." Saad nito at nagpeace sign Ngayon may pagkamalayo pa naman ang layo namin ni Khane kaya unti unti akong lumapit dito. "Wala ka na ba talagang ibang ginawa kundi manira nang araw?"inis na sabi nito "Bakulaw ka talaga ikaw na nga tinutulungan ikaw pa galit sana sayo sumanib mga multo dito eh." Sumpa ko sa kanya na sya namang ikina laki nang kanyang mata "Bawiin mo nga yung sinabi mo." Ngayon para syang bata na inagawan ng Candy. "Ayoko nga" pang iinis ko rito "Isa" "Dalawa" Dagdag ko sa sinabi nya "Tat-" di ko na sya pinatapos at nagsalita ako "Lo" hahahaha Madali lang kasi maasar eh fahahaha Napansin kong niyukom nya na ang kamao nya kaya tumakbo na ako pabalik sa kwarto namin ni Aisha,Pagkapasok ko ay mabilisan ko itong nilock,Napasandal na lang din ako dito sa pintuang ito at hingal na hingal. "Tapos na kayo mag bangayan dyan?" Napatingin naman ako kay Aisha. "Shet!!Mamaya na tayo kumain kapag nakatulog na yun!!" Pagkasabi ko nun ay pinampaypay kona rin ang kamay ko dahil sa init. "Talaga,Dapat lang dahil nanggigigil ako sa pagmumukha ni Icel at ni Jairo" Pagkasabi nya non ay napatitig sya sa akin mula ulo hanggang paa "Ano?Kamusta yung plano nila kanina?" Tanong nito na sya namang ipinagtaka ko. "Anong kamustang plano?" "Pshh Kaya hindi ako sumama sayong kumain dahil alam ko na,na may gagawing kagaguhan mga yan,Di mo ba naaalala na I can hear mind?"Taas kilay na pagkasabi nito Napatango na lang ako at parang lantang gulay na nahiga sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD