"Sorry ulit, Sinubukan ko lang naman na--" Hindi nya pinatapos ang sasabihin ko at nagsalita na sya.
"Sinubukan mo?. Lumayas ka na nga sa harapan ko!" Mahahalatang galit na talaga sya. Pinunasan ang luha nya gamit ang kanyang braso.
Tsk. Bakulaw.
Humakbang ako papalayo sa kanya at nung makalayo na ako ay tinuon ko na lang ang tingin ko papunta sa hagdan.
"Ang arte mo bakulaw." Umiling-iling pa ako.
Para ganon lang masyadong O.A, Super O.A, Sa lahat nang O.A na nakilala ko sya na ang champion.
Pumasok ako sa room at nakita ko naman na lahat nang atensyon nang mga kaklase ko ay sa akin na katuon
"Miss Romero pinapatawag kayo sa Principal Room" Saad ni Ma'am na hindi man lang lumilingon saakin. Busy sa pagsusulat sa BlackBoard.
"Bakit daw po Ma'am?"
"Just Go." Maawtoridad na utos nito kaya naman hindi na ako nag patumpik tumpik pa.
Hindi ko na lang sya pinansin at dumeretso na ako sa Principal room
"Late ka na Miss. Romero" Nakataas kilay na pagsalubong sa akin ng principal.
Hilain ko kilay mo diyang gago ka e. Chos.
"Alam ko..." Pabulong na pagkasabi ko, Nakita kong mas tumaas pa ang isa nyang kilay kaya naman umayos na ako. "Sorry po." Niyuko ko nang kaunti ang ulo ko tanda nang paggalang.
"Umupo ka na." Umupo naman ako at nadako ang tingin sa anim na lalaking prenteng nakaupo sa gilid.
Sarap nang buhay. Daig pa nila Principal, Kung umasta akala mo sa kanila naman ito.
Pati ba naman dito.,Di naman ilalaban yang iba dyan ah bat nandito sila lahat, Magpapapansin nanaman siguro mga yan sa babae.
Mga lalaki nga naman. De porque gwapo e.
"Iaannounce ko lang kung sino ang magiging Councilor." Tinignan nya kaming lahat bago nya kami bigyan nang pagkatamis-tamis na ngiti.
"Ang Muse ay si Yanzee Sammie, Sa Escort ay si Xyron Sanchez" Nang masabi iyon ng Principal ay isa-isa nyang tinignan ang dalawang nabanggit nya.
Binanggit nya na kung sino ang sa P.i.o Business manager at Sgt&arms.
"For Vice President, Kayong dalawa Xavia Moreno at Yuna Romero ang magtutulungan." Tumingin naman ako sa sinabi nyang Xavia, Infairness maganda sya. "And for President, Ang anim na lalaking ito ang magtutulungan." Inayos nya na ang gamit nya.
Hindi ako makapaniwala. Anim na President? Pwede ba yon? Sa dami kong nabasang story wala namang ganon ah. Pati dun sa mga gangster gangster na president.
"Congratulations" Umalis na si Principal.
Nung pag kaalis nya ay napatitig ako kay Khane na ngayon ay balisa at hindi maayos ang buhok.
Laking gulat ko na lang nung napatingin sya sa akin kaya umiwas ako kaagad ng tingin at tumayo na lang kaagad.
"Congrats... Sa ating lahat." Nagmadali na akong umalis kahit wala pa silang reply ay umalis na ako kaagad.
Nang makalabas na ako ay tsaka ako napahawak sa dibdib ko. Grabe yung itsura ni Khane parang nirape nang sampong kabayo. At dahil ako ang huli nyang nakasama don sa Rooftop baka ako sisihin nila.
Pakshet.
Naglalakad ako dito upang hanapin ang kaibigan ko ngunit wala akong mahanap ni isa sa kanila kahit anino.
Napatili naman ako ng kaunti ng may isang batang babae ang lumapit sa akin at parang hirap na hirap sya."Ate, Tulungan mo po ako." Nanlaki naman ang mata ko ng mapansin kong may kinukuha sya sa bulsa nya,Kutsilyo.
Nataranta naman ako ng dahil dito. "Ibaba mo yang hawak mo!" Ngunit kahit anong sabihin ko ay hawak nya parin ito,Nanginginig sya na parang nilalabanan ang sarili nya.
Umiiyak na sya na tila bay di nya gusto ang nangyayari sa kanya."Ate, Tulungan mo po ako..." Ngayon pinipigilan nya na ang sarili nya na wag saksakin ang kanyang bibig. Pilit nyang hindi idinidikit sa bibig nya ang kutsilyo ngunit hindi nya kaya.
Ano ang gagawin ko? Hindi pwedeng wala lang akong gawin.
Nanginginig ako sa kinatatayuan ko hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "Please Ate maawa ka po" Isang pagsaksak nang kutsilyo ang nagawa nya sa sarili nya.
Napako ako sa aking kinatatayuan at nanginginig na tinignan ang dugong umaagos sa bibig nya papunta leeg nya. "A-ate tulungan mo po ako." Nanghihina na sya at nahihirapan dahil sa nayamo nyang saksak sa kanyang bibig.
Lumapit ako sa kanya ngunit paglapit ko ay sunod sunod na pagsaksak ang ginawa nya sa kanyang sarili hanggang sa pinaubaya nya na ang sarili nya a nawalan na sya nang buhay.
Para akong tanga na na ka istatwa dito...Sa pangyayaring yan para ko lang pinapanood ang nangyari sa kapatid ko.
Hindi ko alam pero kusa na lang na natumba ang katawan ko sa sahig nito
Hinayaan kong may taong mamatay mismo sa harapan ko?Yuna Isa kang duwag!!Tanga.Hindi ko man lang sya natulungan hinayaan ko lang na mangyari sa kanya ang ganito. "Bakit kailangang ako ang makakita nang mga gantong pangyayari?" Nabwibiwsit na tanong ko habang nakatingila sa langit parang nawawala na ako sa sarili ko.
Masyado akong tanga para hindi sya mapigilan. Kung tinulungan ko sana sya hindi sya mamamatay.
Unti unti nang nagsipuntahan ang mga nanonood dito kanina sa batang magtatangkang saksakin ang sarili nya at pinagkumpulan na sya.
"Grabe Sissy, Naulit nanaman."
"Sis baka self depression lang"
"Nakakatakot naman."
"Naniniwala ka ba sa sinasabi nilang hiwaga-hiwaga raw dito?"
"Oo naman."
Pinakinggan ko ang kanilang mga Opinyon, Pero ni isa sa tanong ko sa aking sarili ay walang nakasagot sa kanila.
"Parang hindi naman totoo ang mga ganyan ganyan e, Tao lang din naman ang gumagawa nang kababalaghan."
Napatingin ako sa lalaking nagsabi non. Masasabi kong may punto sya, Tao lang ang gumagawa nang kababalaghan.
"Pero bakit sa tingin nyo parehas na pagpapakamatay ang ginagawa nang mga studyante bawat section?"
"Oo nga, Yung babaeng ganto din yung kinamatay diba sa Section High din yon?, Paanong itong babaeng ito na naka section din sa Section High ay magpapakamatay gaya nang sa kaklase nya."
"Nakita mo yung babae kanina di'ba na nahihirapan? Feel ko kasi kanina parang hindi nya gusto yong ginagawa nya sa sarili nya. Parang may pumipilit sa kanyang gawin iyon."
Unti-unting dumadami ngayon ang nabubuo sa isipan ko, Nandahil sa mga narinig ko ay may kung ano akong napag-tanto.
Tama... Ang pagkamatay nang kapatid ko ay hindi Suicide. May pumipilit sa kanila.
Pero paano nangyari yon?
Tatayo na sana ako mula sa pagkaluhod dito nang mapatigil sa isang tanong nung lalaki.
"Oh ano matatawag dito pre? Suicide oh Murder?"
"I think Suicide yan." Singit nung masungit na babae, Sya ata yung nakita ko non na katalik ni Sir Arhon.
"Hindi ata." Lumingon sila sa pinanggalingan nung boses na iyon.
Pati ako ay lumingon na rin.
Isang babaeng nakasalamin at naka uniporme rin tulad nang sa amin. Hindi sya pangit. Hindi rin sya maganda.
"Paano mo naman nasabi Nerdy Girl?" Mataray na tanong nung isang babae at tsaka pa sya pinasadahan nang tingin mula ulo hanggang paa.
"Wala." Tipid na pagsagot nung nerd at nabaling ang tingin nya sakin, Lumapit sya at inalalayan nya akong tumayo.
Nang makatayo na ako ay tsaka ko sya pinasadahan ng tingin."Salamat" Nginitian ko pa ito at tsaka ko pinagpag ang palda ko.
"Walang anuman" Pagkasabi nya ay pinagpagan nya din ang kanyang palda dahil nadumihan rin ata dahil lumuhod pa sya kanina nung tinulungan nya ako.
Tinanggal nya ang salamin para punasan pero nung makita ko ang mukha nya ay isang pamilyar na babae ang nasa harapan ko.
Kilala ko ba ito?
Nagkita na ba kami?
"Nagkita na ba tayo?" Tanong ko rito.
"Oo... Ngayon." pilosopong sagot neto binalewala ko na lang iyon at tinignan ko ang babaeng sinaksaksaksak ang sarili nya binubuhat na sya nang mga lalaki.
Patawad Kawawang bata,Wala man akong nagawa para tulungan ka,Ngunit tinitiyak kong hahanapan kita ng Hustisya,Lahat kayo!Lalong Lalo na ang kapatid ko.
Patawarin mo rin ako kung wala akong nagawa kanina para tulungan ka.
Rest in peace.
Naglalakad ako kasama ko si Nerdy Girl. "By the way bat mo tinatanong kung nagkita na ba tayo?" Pagbasag nya sa katahimika.
"Ako?" Sabay turo sa sarili.
"Oo naman, Ikaw."
Napakamot ako ng ulo, "K-kasi..."
"May naaalala ka na ba?"Tanong nito na sya namang ipinagtaka ko.
"Naaalala?" Wala naman kasi akong amnesia halos lahat nang pangyayari sa buhay ko alam ko pero bat sinabi nya na may na aalala na ba ako.
"Kalimutan mo na lang yang sinabi ko," Tumingin sya sa daan at tsaka nagsalita muli. "Ako nha pala si Aisha Suerez, Pwede ba tayong maging magkaibigan?" Nakangiti nyang nilahad ang kanyang kamay, Magalak ko naman itong tinanggap.
"Oo naman..." Nginitian ko rin ito
"Uhm, Balita ko ikaw na lang ang maiiwan sa inyong magkakaibigan dito?" Binaling nya muli ang tingin nya sa dinadaanan namin..
"What?" Halos manlaki pa ang mata ko.
"Sinabi kasi sa akin ni Keysi kanina na ako muna ang magsisilbing kaibigan mo dito habang wala sila, Gusto pa sana nilang magpaalam sayo pero pinagmamadali na sila nung Manager nila. Ilalaban kasi sila sa Dance Competition" Mahabang linyahan nito at deretso parin ang tingin sa dinadaanan.
"Bakit di ako kasali?"
"Kasi Vice President ka, May kailangan kang gampanan na tuntunin dito." Napahinga naman ako nang maluwag dahil don.
"Salamat sa impormasyon." Tanging yun na lang ang nasabi ko sa sinagot nya.
"Wag ka mag-alala andito naman ako at ako naman ang makakasama mo" Masayang pagkasabi nya.
"Talaga?" Ngingiti-ngiting pagkatanong ko.
Syempre magiging masaya parin ako kasi kahit papa ano may makakasama rin ako dito
"Oo" Tumango sya. "Alam mo kung saan yung Section 2 dito?"
"Sa Section 2 karin?" Halos lumundag pa ako sa tuwa.
"Ah, Sabi ko nga, Section 2 karin... Pero di ko parin makalimutan yung tinawag mokong nerd kanina ah, Akala mo di ko naririnig yang naiisip mo." Nanlaki ang kanyang mata at napatakip ng bibig.
Wuw pano?pano sya nakakarinig nang iniissip?
"Wag mo na akong tanungin diyan" Nagulat naman ako sa sinabi nya so?nababasa nya nga talaga astig
"At yung kaninang batang babaeng nagpakamatay, Naka section sya sa High, Karamihan sa nag-aaral diyan sa section na yan ay namamatay gamit ang pagsaksak nang kutsilyo sa kanilang bibig... Nakakapagtaka nga lang kasi bawat section isa lang ang pamamaraan na nangyayari sa kanila." Bakit ang dami nyang alam bakit? At bakit ba narito sya? "Narito ako para tulungan ang isang Espesyal sa buhay ko..." Dugtong nya narinig nya siguro ang sinabi ko,Sino kaya yun. "Wag ka nang magtanong kung sino yon, Malalaman mo din naman."
Nakakatakot naman pa la ito eh hindi ko alam kong pagtitiwalaan oh hindi?, Syempre alam mo na.
Hindi na muna ako nag-isip ng nag isip baka marinig nya pa,Ang ipinagtataka ko lamang ay kung paano nya nagagawang makarinig ng iniisip?
Pangalawa,Bat napaka weird nya.
Pangatlo,Bakit ganyan sya kumilos at bat parang pamilyar talaga sya?
"Masasagot din yang mga tanong mo!" Tumingin sya ng diretso sa mga mata ko, Kinilabutan tuloy ako.
"Kailan?"
"Kapag tapos na ang lahat" Seryoso sya sa sinabi nya, Ngunit wala pang isang degundo naging parang syang batang masayahing naglalakad.
Isa lang ang masasabi ko,NAPAKA WEIRD!!
"Pasok na tayo."Aya nya sa akin kaya napatango na lang ako.
Pagkapasok namin pinag introduce sya
" Hi, I'm Aisha Suerez but you ca call me Isha" Mahinang saad nito pero sapat na para marinig nang lahat.
"Makakaupo na kayo..." Saad nang guro namin kaya umupo na kami ni Aisha.
"Besh, Narinig mo ba yung balita?" Rinig kong bulungan nang kaklase ko dito sa likod
"Hindi pa Beh"
"Ganto kasi yun, May babae daw na nagtangka na lumapit kay Khane kanina sa Rooftop." Bahagyang nanlaki ang mata ko sa akinh narinig.
Sa panahon talaga ngayon may pakpak na nga ang balita na ka unli pa!!Oh ano?San ka pa?Edi sa Pilinas
"At alam mo ang sabi ni Clark, Paparusahan daw nila yung babaeng yun" Napataas pa ang kilay ko dahil don, Subukan lang nila makakatikim sila nang galit ko.
"Alam na daw ba nila kung sino yon?"
"Ang narinig daw nila kanina, Nasa Class 2 daw. Kaklase pa natin."
Grabe naman,Dapat pala di ko na lang ginagago yung Khane na yun eh.
"Siguro kating kati na yun kay Khane kaya ganun nalang umasta." Bahagya naman akong napalingon sa likuran nila nung sinabi nya ang katagang iyon.
"Kayo." Tinuro ko silang dalawa at tsaka tinaasan nang kilay para dama. "Wag nga kayong magchismisan, Para kayong bubuyog" Inis na sabi ko sa kanilang dalawa at napansin ko namang kumusilap yung isa, hindi ko na lang pinansin baka lumala pa ang sitwasyon.
"May kapatid ka?" Biglaang tanong sa akin ni Aisha.
Buti na lang at nagpapalecture palang si sir.
"Oo, Yana Rose Romero ang pangalan nya" Tinuloy ko ang pagsusulat.
Tumango-tango sya at tsaka nya rin ipinagpatuloy ang kanyang pagsusulat.
"Grabe Aisha andaming pinasaulat sa atin ang sakit na nang kamay ko." Reklamo ko rito hindi man lang nya ako sinagot at binalingan nya lang ako nang tingin.
Haysss nerd na nga feeling maganda pa.
Tskk...
"May sinasabi ka ba?"Tanong nya na sya namang ikinagulat ko.
"Pwede ba tigil-tigilan mo yang pagbabasa oh pagririnig sa mga iniisip ko, Alam mo bang nakakabanas yang ganyan. Privacy ko yun e" Naiinis na ako ah kanina pa sya.
"Gusto mo bang hindi ko marinig ang mga sinasabi mo?" Ngumisi pa ito sa akin kaya naman kumunot ang noo ko, Ano nanaman bang kaggahan ang naiisip nang nerd na toh?
"Tsaka ko lang hindi maririnig ang naiisip mo kapag nasayo na ang black pendant". Sagot nito at kinuha na ang inorder nyang pagkain.
Umupo na kami at sinimulan nya nang kagatin ang hamburger na binili namin
"Matanong ko nga lang, So totoo ba yung matandang nagsabi dito noon about sa Pendant."
"Wala akong alam about don, Pero totoo yung sinabi Pendant."
"So, Kung totoong may Pendant, Totoong may Hiwaga dito sa University na ito?" Tumingin pa sya sa akin nagdadalawang isip pang sumagot. Ilang minuto pa akong naghintay na sumagot sya pero wala man lang kahit isa.
Hindi nalang din ako umimik. Totoo ang misteryosong bumabalot dito sa University na ito. Naniniwala na ako.
Kasi kung hindi totoo ang Hiwaga para saan yung Pendant?, Pero hindi parin sapat na pruweba yung Pendant lalo na't hindi ko pa alam kung para saan talaga yun nagagamit.
"Pendant" Napatigil sya sa pagkain at nakipagtitigan muli sakin. "Mahalaga ang Pendant. Hindi ka tatablan nang kung anuman ang mapupunta sayong Hiwaga." Naguguluhan ako. Anong hiwaga? "Hiwaga. Yun yung pumipilit sayong gawin yung mga bagay na ayaw mong gawin dito. Makinig ka Yuna, Marami tayong kailangang tapusin... K-kailangan nating matapos yung Kasalanang ginawa natin."
"Hah?"
"W-wala wag mo nang intindihin yon, Mag miryenda ka nanga diyan." Pero kitang kita ko sa mga mata nya na marami syang gustong sabihin sa akin.
Napabuntong hininga pa sya ag tsaka muling nagsalita. "Ang sabi sa akin nang isang studyante dito na parang nawawalan sa sarili kanina. Mag-iingat daw ako sa bawat landas na tatahakin ko sa loob nang University na ito, Hindi ko sya maintindihan kasi parang may pumipigil sa kanya e. Tapos alam mo kung ano yung mas Weird? Sabi nya bawat room ay may nakaakibat na storya." At yun tuluyan nya na ngang naubos ang hamburger.
"Teka. Paano mo nalaman yung about sa Pendant eh mas nauna pa akong nakapasok dito kaysa sayo."
Taas kilay na pagkatanong ko rito.
"Masasagot din lahat nang tanong mo kapag naalala mo na ang lahat" Napakamot ako sa aking noo dahil nakaka stress sya kasuap. Kinuha ang isang inumin nya at inubos nang madalian.
Nakapagtataka na itong babaeng to
Wala naman akong amnesia
"Tapatin mo nga ako sino ka ba talaga? Bakit mo sinasabi na kapag naalala ko na ang lahat e, Wala naman akong amnesia, Tinatakot mo ba ako?
"Hindi."Binaba nya ang kanyang pinag-inuman.
" walo lang ang Pendant" Ngayon nakatingin na lang kami sa isat isa
Maganda rin palang kasama to ah masyadong madaldal at maraming alam tungkol rito
Pero pano nya nalalamang lahat?
"Ang sabi ko malalaman mo ang lahat pag nakaalala ka na." Naiinis na saad nito.
"Eh wala nga akong Amnesia." Naiinis din na pagkasabi ko dito.
"Bakit walo ang Pendant?"Tanong ko ulit rito.
"Yan ang hindi ko alam. Pero kapag nahanap mo ang isa sa mga Pendant wag na wag mong sasabihin kahit kanino. Handa ka nilang patayin para lang makuha yun." Mahabang linyahan nya na sya naman nagpanganga sa akin.
"Bakit kailangan nilang pumatay?" Tanong ko.
"Kailangan nilang punatay para mailigtas ang kanilang sarili at makuha ang Pabuya na 30 Billion, May mga studyanteng hindi pa alam kung ano ang meron sa pendant at meron ring studyanteng alam kunh ano ang magagawa nang pendant."
Nakakapanganga ang mga salitang naririnig ko mula sa kanya.
"Inshort, Handa silang pumatay para sa Pendant,Pera at sa kanilang sarili.""At yun nag cross arm sya at seryosong tumingin sa akin
"Meron pa akong tanong... Hehe. Feeling ko kase imbis na mabawasan yung mga studyante dito dahil may mga namamatay pero parang mas dumadami pa sila." Curious na pagkatanong ko dito.
"Mahirap nang makalabas dito" Maikling sagot nya.
"Alam ko yan pero ang tinatanong ko kung bakit dumadami ang student, Eh marami na ngang nagpapakamatay dito."
"Kumukuha sila ng mga scholar at dito nila pinapasok, Malinis ang pangalan ng University na ito sa labas..."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sa labas kase, Maraming nag-aakala na ang University na ii ang pinakamaganda, Dahil sa sobrang laki at ukol na rin sa mga sinasabing may sariling kwarto or else, Pero dito sa loob marami nang natatakot at marami na ring gustong umalis." Dagdag nya.
Kung ganon. Paano nakalabas sila Jeanne nang ganon kadali?
"Yun din ang di ko alam."
"Tara na nga at napapahaba na usapan natin" Tumayo sya at hinila ako.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Samahan mo akong maglibot dito." Nakangiting pagkasabi niya at hinawakan ang braso ko.
Ngunit habang naglalakad kami may natapakan ako. "Aray..." Isang napakalaking kamalasan at nakatingin lahat nang tao sakin dito sa canteen.
"HAHAHAHAHAHA."
"HAHAHAHA."
*Click*
Tangina pinicturan payon?.
Pano ba naman kasi natapakan ko ang Lubid dito sa may pintuan nang canteen at isang mantika na may kasamang harina ang napunta sa mukha ko.
"HAHAHAHAHAHHA GRABE LAUGHTRIP PUTA!!!" isa lang naman yan sa mga tawanang naririnig ko
Binaling ko naman ang tingin ko kay Aisha na halatang pinipigilan ang galit sa mga tumatawa
"Sino ang may gaea nito!" pasigaw na tanong ko sa mga ito at tinuro turo sila.
"MALANDI KA KASI!" sabay sabay na sigaw nila dito sa canteen
Konti na lang ay makakasuntok na ako pero pinipigilan ko lang dahil ayokong mangyari ang nangyari dati muntik na akong makapatay dahil sa sobrang galit ko.
"Umalis nalang tayo dito Yuna." Mahinahong saad ni Aisha
Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko para di ako makagawa nang kasalanan
Niyukom ko ang kamay ko dahil sa inis.
Isa lang naman ang may kagagawan nito.
Sino pa ba?edi si Khane.
Pakyu kang Vergaz ka.
Malalagutan ka sakin hayup ka
Inis akong umalis dun at nagpaalam kay Aisha saglit
Sinabi kong hinatayin nya nalang ako sa canteen may aayusin lang ako
Pumunta ako kaagad sa Special Room na tinatawag nang malalanding babae.
Ano pa ba edi room nang DarkH kailan pa ba naging special mga toh?
Inis akong kumatok dito at sinipa sipa ang pinto
Napahiya ako dahil lang dyan sa Khane na yan.
Tignan lang natin