Mag-isa akong nakaupo sa harapan ng aming bakuran habang binabalik tanaw ang mga nangyari sa aking buhay na lumipas na ng mahabang panahon, hanggang sa may naaninag ako. Dahil isang bagay ang nahagip ng aking mga mata sa may 'di kalayuan. Hindi ko alam kung ano ang bagay na 'iyon, upang masigurado ko kung ano ba talaga ang bagay na iyon. Nagdesisyon na akong tumayo sa bangkong plastic na aking kinau-upuan saka, unti-unti kong pinagtuonan ito ng pansin.
Ngunit bago pa ako makalapit ay nakaramdam na ka-agad ako ng takot sa aking dibdib at nanlaki ang aking mata sa aking nasaksihan. dahil tumambad sa aking harapan ang isang lalaking duguan at may tama ng bala ang kaliwa nitong balikat. Nakadapa ang lalaki kaya naman 'di ko masyadong makita ang mukha niya. Lalo't natatakpan ito ng mahaba niyang buhok. Owh My God! ano kaya ang nangyari sa taong ito? tanong sa aking isipan.
S-sa isip-isip ko ay kawawa naman ang taong ito ngunit bago ko pa alamin ang buong nangyari sa taong nasa aking harapan ay hindi na ako nag-atubiling simigaw at humingi ng tulong sa aking mga karapit bahay. Tulong! tulungan ninyo ako," malakas na sigaw ko.
Dahil nga sa aking ginawa ay ka-agad naman lumapit sa a'kin si Aleng Belen dahil narinig pala niya ang malakas ko na boses.
"Mae, bakit ka nagsisigaw?" tanong ni Aleng Belen habang hawak pa nito ang kanyang walis. Hanggang napansin niya ang lalaking nakahandusay sa lupa kaya naman nashock ito.
"Mae, sino ang lalaki na iyon? may tama siya ng bala. Ang mabuti pa ay puntahan ko mo na si kapitan para ipagbigay alam ito at tumawag natin ng ambulance para madala sa hospital ang taong iyan," natatarantang sambit ni Aleng Belen.
"Mabuti pa nga po Aleng Belen," Anas ko. Nagmadali na ngang umalis si Aleng Belen hanggang napansin ko sa paligid na dumarami na ang tao. At nagbubulungan sila.
"Sino ang lalaking iyon mukhang hindi siya taga rito, kawawa naman kailangan siyang madala agad sa hospital baka buhay pa--" bulong-bulongan ng mga taong nakapaligid sa a'kin
Hanggang dumating na nga ang isang Ambulance at mabilis na isinakay ng mga rescuer's ang taong walang malay na aking nakita.
"Miss magkakilala ba kayo ng lalaking ito?" tanong sa a'kin ng isang babae na kasama ng mga rescuer's na agad naman lumapit sa akin. para humingi ng report dahil ako ang unang nakakita sa lalaking walang malay.
"Hindi po! ngayon ko lang rin nakita ang lalaking 'yan?" Sagot ko. Aksedente po kasing nahagip ng aking mata ang isang bagay kanina habang naka upo ako sa harap ng aming bahay. Pero hindi ko masigurado kong ano ba ito. Kaya naman naisipan kong lapitan ito, pero nagulat po ako ng makita ko ang lalaki na iyan na duguan. Kaya naman humingi po kaagad ako ng tulong," tuloy-tuloy na paliwanag ko sa babaeng kaharap ko.
"Ganon po ba Miss, S-sige kami na po ang bahala sa kanya" Sambit ng babae sabay Ali's nito sa aking harapan.
Ka-agad naman akong bumalik sa aming bahay pumasok ako sa loob at isinara ang pinto dumeritso ako sa aking kwarto at nahiga habang nakatingin sa taas ng kesame. Naalala ko muli ang aking nakita. Kawawa naman ang taong iyo! sino kaya gumawa sa kanya noon? siguro may atraso siya or kaaway kaya nangyari sa kanya iyon---" bulong ko. Hanggang unti-unti na akong nakatulog.
Mag-alas kwatro na ng hapon ng ako ay magising nakarinig ako ng ingay mula sa labas ng aming bahay. Kaya naman ka-agad na akong bumangon sa aking kinahihigaan at marahan kong binuksan ang bintana at sumilip sa labas. Nanlaki ang mata ko at nakaramdam ako ng kaba.
Dahil nakita ko sa harap ng aming bakuran ang Ilang reporters at mga pulis, mukhang kailangan nila akong makausap kaya sila na rito. Siguro dahil sa aking nasaksihan kanina at ako ang tinuro ng mga kapitbahay ko para magbigay pa ng inporamsyon. Ano ang gagawin ko? hindi ako sanay humarap sa mga taga medya at isa pa natatakot ko sa pulis, pero alam kong hindi sila aalis kapag 'di ko sila hinarap--" bulong ko.
Nakapagdesisyon na nga ako at baka kung ano pa ang isipin nila at umabot pa ito sa mahabang iimbistagation.
Huminga mo na ako ng malalim at napailing na lang huyst! Lalakasan ko na lang loob ko tutal wala naman akong kasalanan at nakita ko lang ang lalaking iyon--" bulong ko.
Binuksan ko nga ang kabenet na na sa aking kwarto at kumuha ako ng masusuot bago ako lumabas ng bahay. Nakakahiya naman kung lalabas ako ng bahay na nakasando lang at naka maikling short. Inayos ko nga ang buhok ko at humarap saglit sa salamin.
Hanggang hinawakan ko ang doorknob at pinihit ito. Paglabas ko ng pinto ng bahay ay lumapit ka agad sa akin ang isang lalaking matangkad at matipuno ang katawan medyo moreno ang itsura. Nakaramdam ako ng konting kaba at natulala ako sa pagkagulat. Dahil 'di ko inaasahan na may gwapong lalaki na pala ang nakabang na sa a'kin sa paglabas ko ng pinto ng aming bahay.
"Miss okay ka lang? tanong ng lalaking pulis na nasa aking harapan, dahil para akong napako sa aking kinatatayuan at walang kibo habang nakatitig sa mukha nito.
"Aaaah, e---h, okay lang po ako medyo na uutal ko pang sagot sa lalaking nasa aking harapan. Dahil sa pagkabigla.
Para sa kaalaman ninyo hindi ako kinakabahan, talagang nabigla lang ako. Bumunggad ba naman sa harapan ko ang lalaking ito na sa panaginip ko lang nakikita gwapo at matikas ang kanyang katawan. Simple lang naman siyang tingnan dahil sa kulay niyang mereno. Pero napakatangos naman ng ilong niya at mukha pang bata iyan pa naman tipo ko yong lalaking-lalaki tingnan.
Hanggang magtanong na ito sa akin at magpakilala na rin "Miss ako pala si Sarget Dela Cruz. Ako ang inatasan dito para ibistigahan ang buong pangyayari sa lalaking nakita Mismo dito sa lugar na ito. Kaya gusto kita makausap para makahingi ng konting inpomasyon. Nakita mo ba kung sino ang ang taong gumawa sa kanya noon at may iba kabang napansin na kahinahinala bago mo siya natagpuan sa inyong bakuran?" Nagtatakang tanong ng lalaking pulis na kaharap ko.
"Ganoon po ba Sir, tulad ng sinabi ko kanina sa mga rescuers ng ambulance aksedente ko lang siyang nakita. Hanggang doon na lang iyon," sagot ko.
"Marami pong salamat Maam," sambit nito.
Nako wag mo akong tawagan na Maam. Mae, pala ang pangalan ko. sabay ngiti ko rito.
Ganoon po ba Miss Mae. So, paano po mag papaalam na po ako. Sambit na lalaking pulis. Ngunit bago pa ito tumalikod sa akin ay pinigilan ko ito.
Teka lang Sir, tanong ko lang po kung ligtas na po ang lalaking nakita ko kanina? Nasaan po sya hospital dinala?" Tanong ko.
Oo Miss Mae, ligtas na si Sir Zander De Vera. Sa ngayon ay nasa, Vera hospital na pagmamayari ng kaniyang familya siya nagpapagaling. Kung gusto mo siya makita pumunta ka na lang roon, nasa room 306 siya," payag sa akin ng lalaking pulis.
Sge, po Sir, maraming salamat sa inporamsyon, mag-iingat po kayo," paalala ko rito.
Tuluyan nangang umalis sa harapan ko ang gwapong pulis na nakausap ko at bumalik sa kanyang nga kasama. Nakatayo parin ako sa labas ng pinto ng aming bahay habang ang tingin ko ay nakatoon parin sa pulis na lumapit sa akin.
Mabuti naman at ligtas na Ang taong tinulungan ko kanina. Isa pala itong mayaman na tao kaya gonoon nalang ka agad karami ang nagpunta rito na pulis at reporter.
Bukas rin ay dadalawin ko siya para naman makilala ko ang buong pagkatao niya.