Nagdesisyon na nga akong pumasok sa loob ng bahay, ngunit ilang hakbang ko pa lang ng may marining akong boses mula sa likoran ko, Mae sandali lang," sambit nito kaya naman napatigil ako at nilingon kung sino ito.
kayo lang po pala Aleng Belen, bakit ngayon lang po kita nakita, diba kanina umaga ay nagpunta po kayo sa barangay para ipagbigay alam ang aking nasaksihan," nagtatakang tanong ko.
"IPinagbigay alam ko nga kanina kay kapitan ang ating nakita Mae, pagkatapos noon ay ka-agad rin akung umuwi sa bahay, hindi rin kita namataan kanina kaya naisip ko na huwag ka na lang muna abalahin baka nasa loob ka lang ng bahay mo at natutulog," tuloy-tuloy nitong paliwanag sa harapan ko.
"Hoy! Mae, sa nakita kong pulis ngayon at reporter, sigurado big-time ang lalaking tinulungan mo kaya ganoon na lang sila kabilis mag ibistiga ng pangyayari dahil kung ordinaryong tao lang ang lalaki na iyon makikita mo lang siya sa balita tapos ilan oras din balewala na sa media," sambit ni Aleng Belen.
Tama po kayo ng iniisip Aleng Belen, big-time nga po ang lalaking natagpuan ko kanina sa labas ang aking bakuran, nalaman ko ang lahat ng inporamasyon mula sa pagkatao niya sa nakausap kong pulis kanina na kaalis lang, pero hindi ko alam kung ano ang matibo ng taong gumawa sa kaniya nito at gusto siyang patayin," paliwanag ko.
"Ganoon ba Mae, e--h, kamusta naman ang kalagayan niya ngayon? Ligtas na ba siya," nagtatakang tanong ni Aleng Belen sa a'kin.
"Ang sabi po ng pulis na nakausap ko ay ligtas na naman itong nagpapahinga sa hospital na pagmamayari ng pamilya niya," sagot ko kay Aleng Belen.
"Mabuti naman pala ijah! kung ganoon, S-sege at maiiwan na mo na kita, saka, pala Mae, kumakain ka ba ng karekareng puso na may halong laman loob ng baboy?" tanong nito bago pa niya ako tuluyan iwan.
"Hindi ko pa po nasubukan na kumain ni'yan pero kung nagmamagandang loob po kayo na bigyan ako ng ulam, sige po tatangapin ko, hindi naman po ako maarte, sakto po at nagugutom na na rin ako," sagot ko.
"Sige ijah ipapahatid ko na lang kay Mabel ang inaalok ko Sayo na ulam.
"Huh! Si Mabel po, nakabalik na po pala siya, matagal-tagal na rin po kasi kaminh 'di nagkikita ni Mabel mula noong iwan niya itong bayan natin at mag punta sa syodad.
"Ay oo nga pala nakalimutan ko sa'yo sabihin na nakabalik na ang anak ko kanina lang umaga, hindi ko nga alam sa batang i'yon, dahil parang nagbago siya.
"Sinabi rin niya sa a'kin mas gugustohin na lang niyang mamalagi rito hindi ko alam ang dahilan, at kung may kinakatakotan ba siya sa lugar kung saan siya nanggaling dahil ayaw na niya bumalik roon.
"Ganoon po ba! S-sige po siya na lang po ang utusan mo Aleng Belan para naman magkausap kami at kamustahin na rin," sambit ko.
Tuluyan na nga akong tunalikoran ni Aleng Belen at naglakad papalayo patungo sa kanilang munting tirahan.
Nagdisisyon na rin akong pumasok sa loob ng aking bahay. Subrang tahimik, at nakakatakot tumira mag isa rito---" bulong.
Subalit wala naman akong magagawa dahil saan naman ako pupunta at titira kung aalis ako rito, okay na siguro kahit ganito ang sitwasyon ko sa bahay na ito, atlest may nasisilungan ako, kahit ganito malungkot dahil magisa lang ako, ayaw ko rin naman na iwan ang bahay na ito dahil ipinagkatiwala sa akin ito ng yumao kong Lola,
Bakas pa rin sa isip ko ang masalimuot kong nakaraan kahit pinaglipasan na iyon ng panahon ay aking pa rin naaala, unti-unting pumatak ang luha ko, dahil sa matinding kalungkotan kong diramdam ngayon, pero kahit anong gawin kong kadramahan rito ay wala naman makikinig sa'kin, napakatahimik pa ng lugar.
Na tanging alolong ng mga aso at huni ng mga kulisap lang ang aking narinig, sawa na rin ako sa ganitong buhay, sana naman ay mabago ang sitwasyon ko at makawalasa ganitong buhay," bulong ko.
Peru sino ang taong tutulong sa a'kin noon, na tanging sarili ko lang nga ang aking inaasahan, mabuti na lang at may mga kapitbahay pa akong handang damayan ako at tulungan sa problema ko sa araw-araw.
Ilang saglit nga ay narinig ko ang boses nang Isang babae na nagmumula sa labas ng aking bahay, kaya naman sumilip ako sa siwang na butas ng pinto,
"Mae lumabas ka ri yan si Mabel ito, pagpapalatak nito sa labas ng gate ng bakuran ko.
Nag-madali na nga akong lumabas sa pinto at naglakad papalapit ng gate ng aking bakuran at nagulat ako sa kakaibang itsura ni Mabel na malayo sa itsura niya dati.
"Hoy! Bruha! Ikaw na ba yan?" Nagtatakang tanong ko kay Mabel, nagpunta ka lang ng syodad naging artistahin na ang kulay ng balat mo! Samantalang ako kulay putik pa rin. Natawa naman ito sa aking sinabi.
"Anong pinagsasabi mo na kulay putik eh, ang ganda mo nga Mae natural lang ang iyong kulay mo Pinay na Pinay.
"Saka, Mae ako ito sino pa ba? Syempre galing sa syodad kaya medyo pumuti na rin bakit nagulat kaba?" tanong nito. by the way patuloyin mo mo na ako sa bahay mo. At doon na tayo mag-usap, heto nga pala dala ko ang ulam na pinabibigay sa"yo ng Ina ko.
Inabot sa akin ni Mabel ang hawak niyang tasa agad ko naman itong kinuha at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay ko.
Pagkapasoksay umupo ito sa bakante na upuan saka ito ng tanong sa a'kin,
"Teka lang Mae, mag-isa kana lang bang nakatira rito? Nasaan ang Lola mo?" Nagtatakang tanong ni Mabel.
"Wala na yumao na ang mahal kong Lola kaya mag-isa na lang ako rito ang boring nga eh, ang hirap pala mabuhay ng mag-isa at tangging sarili mo na lang ang inaasahan mo," sambit ko.
"Kung Ganon pala ay bakit hindi ka humanap ng makakasama mo rito, humanap ka ng lalaking magmamahal at pagpapasayo sa'yo.
Maganda nga ito may bahay ka na kahit magdala kapa ng lalaki rito, walang storbo sa pwede ninyong gawin," sambit ni Mabel sabay tawa.
"Huh! ano bayan pinagsasabi mo, saka wala pa sa isip ko yang mga bagay nayan, mas pipiliin ko pa mag-isa rito kesa naman magdala ako ng lalaki rito ano na lang iisipin ng mga kapitbahay natin na malandi ako.
Binibiro lang kita Mae, masyado mo naman seneseryoso eh, hindi kana nasanay sa ugali kong mapang-asar," bawi agad nito sa a' akin.
"Ganoon ba! Okay sabi mo eh, Kamusta pala ang buhay mo sa syodad, bakit naispan mong bumalik rito diba dati ay atat na ata ka pumunta roon at iniwan mo ng matagal itong lugar natin, sabi nang Inay mo ayaw mo na raw bumalik pa roon ano ang dahilan?" Nagtatakang tanong ko.
"Basta Mae mahabang kwento huwag mo na alamin ang mahalaga ay nakaalis ako sa epiernong lugar na pinanggalingan ko, ilan taon rin ako nagtiis at naghirap roon kaya ngayon nakalaya na ako ayaw ko na bumalik pa roon.
"Ang akala ko pa naman ay maganda ang buhay sa syodad, gusto ko pa naman magpunta room bukas dahil may lalaki akong bibisitahin sa hospital.
"Huh sino naman ang lalaki na iyon Mae, bakit bibisitahin mo siya at ano ang nangyari bakit siya nasa hospital?" Nagtatakang tanong ni Mabel sa akin.
"Basta Mabel sa'kin na lang iyon," nakangisi kong sabi sa babae.
"Ikaw hah! Pinagtataguan mo na ako ng secreto mo Mae," sambit nito, siguro boyfriend mo iyon pupuntahan mo, impossible naman na dadalawin mo ang lalaking i'yon ng 'di mo kilala, sino ba kasi 'yon sabihin mo na Mea para naman hindi tayo magkaibigan eh," nagtatampo nitong sabi.
"Wala bang na ikwento sa' yo ang iyong Ina kanina ng dumating ka, sa bahay ninyo alam ni Aleng Belen ang dahilan kung bakit ako pupunta sa syodad, pero magdadalwa-isip ako lalo't wala naman akong pera pamasahe pa punta roon.
"Maghapon akong natulog lang kanina Mae pagkarating ko sa bahay, kakagising ko nga lang eh ng utasan ako ni Ina na magdala ng ulam rito.
"Bakit ano ba yong dapat kong malaman sa akin Ina Mae?" Tanong nito.
"Sige na nga makulit ka eh, kanina kasi umaga habang nakaupo ako sa harapan ng bakuran ng aking bahay, ay may nakita akong kakaiba at Ang aking lapitan ito ay labis ko itong kinagulat bumilis rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa aking nakita.
"Ano ba yang nakita mo Mae at kailangan kang kabahan?" tanong ni Mabel,
"Nakasaksi kasi ako ng lalaking dugaan dahil may tama ito ng bala sa kanyang balikat pero sa ngayon ay nabalitan kong okay na siya nagpapagaling sa hospital na pagmamayari niya, nalaman ko rin na mayaman itong tao, gusto ko sana siya puntahan sa syodad para kamustahin ang kalagayan niya.
"Totoo ba yang sinasabi mo Mae, mukhang nakajackpot ka baka ang lalaki na iyon ang maging susi para mabago ang buhay mo at makawala ka sa matinding kalungkotan na dinaranas mo rito, ang mabuti pa nga ay puntahan mo na siya, papahiramin na lang kita ng pera para mabisita mo siya sa hospital kung saan siya nagpapahinga, pero mag-iingat ka sa lugar na iyon dahil ibang iba ang syodad kesa sa lugar na kinalakihan mo.
"Nakakahiya naman sa'yo mabel baka kailangan mo iyan pera mo, hahanap na lang ako ng paraan para magkapera ako," Anas ko.
"Huwag mo na tanggihan ang alok ko Mae, saka magkaibigan naman tayo, ang magkaibigan nagtutulungan iyan sa Oras ng kagipitan, kaya huwag ka na mahiya pa okay," sambit nito na may kasama ngiti.
"Sige sabi mo eh, maraming salamat balang araw makakabawi rin ako sa'yo.
"Ano kaba huwag mo masyado isipan yon.basta Bilin ko lang sa'yo kapag naroon kana ay mag doble ingat ka maraming loko-loko roon, iba sa mga ugali ng tao rito.
"So paano iiwan na kita lumalamim na ang Gabi eh, baka hinahanap na ako ni Inay masyado na rin napahaba ang pag-uusap natin eh, tomorrow na lang ulit.
"Sige Mabel mag-iingat ka sa pag-uwi mo baka madapa ka sa daraanan mo," pabirong kong sabi, salamat nga sa ulam ha, makakakain na ako.
Natapos magpaalam ni Mabel ay lumabas na ito ng pinto ng aking bahay at nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang unti-unti siyang naglalaho sa aking paningin.