KAPIRASONG PAG-IBIG 3

1173 Words
Nilock ko ang pinto ng aking bahay at sinarado ang mga bintana nito, para masigurado ko na hindi makakapasok ang sino mang masamang tao na magtatangka sa 'kin, mahirap na baka pasukin ako ng hindi ko nalalaman habang masarap ang aking pagkakatulog--" bulong ko. Nagtungo na ako sa kwarto para mahiga, at bago iyon ay sinindihan ko ang lampara na nakapatong sa maliit na mesa, malapit sa hinihigaan ko, ito lang ang tangi kong tanglaw sa buong magdag, dahil sa hirap ng buhay kailangan magtipid at 'di ko kailangan magpakabet pa ng kuryente, lalo't ako lang naman mag-isa rito sa bahay at kahit isa wala naman akong mga appliances rito--" bulong ko sa aking isipan. Ilang saglit nga ay nakaramdam na ako ng antok, kaya naman inilatag ko ang manipis na banig na tanging sapin ko sa aking likoran at nagdisisyon na akong mahiga, nakatingin ako sa itaas habang malalim ang aking iniisip, kasabay noon ay ang unti-unting pagdilim na aking mata at mamaya rin ay kinain na ako ng karimlan. Subalit naalinpungatan ako at naudlot ang aking pagkakatulog ng may marinig akong mahinang kalos-kos sa labas ng aking bahay. Naririnig ko rin ang mahina nitong mga yapak dahil sa katahimikan ng paligid, nakaramdam na ako ng takot, lalo't nag-iisa lang ako rito. para bang nilibot nito ang bawat sulok ng aking bahay at hindi ito mapakali na para bang gusto niyang pumasok rito sa loob. Kaya naman marahan akong tumayo sa pagkakahiga ko, pinatay ko nga ang sindi ng lampara na nasa tabi ko lang, kinuha ko ang mahabang gulok na nakasabit sa may dingding ng aking bahay. Tang*na kung sino ka man! huwag ka talagang mangahas na pumasok sa loob ng bahay na ito, dahil hindi ka patatawarin ng hawak kong mahabang itak--" bulong ko. Nilakasan ko ang aking loob at lumapit ako malapit sa may bintana, sumilip ako sa liit na siwang nito, hindi ko masyadong maaninag ang labas dahil na rin sa madalim ang paligid, kinalat ko ang aking piningin subalit wala pa rin akong makitang tao sa labas, nakahinga ako ng maluwag ng wala na rin akong kalos-kos na narinig. Huyst! ano kaya ang bagay nai'yon hindi kaya mabangis lang iyon na hayop na naligaw rito at naghahanap ng makakain dito sa may bakuran ko--" bulong ko. Babalik na sana ako sa aking higaan ng bigla na lang bumilis ang t***k ng aking dibdib ng makarinig ko muli ang mga yapak, na nanggagaling sa labas at ramdam kong papalapit ito sa pinto, nangyari na nga ang aking iniisip at kinakatakotan. Dahil kumatok na ito sa pinto ng aking bahay, parang gusto niyang gibain ang pinto sa marahas nitong pagkatok na pilit niyang gustong pumasok. Kaya naman hinigpitan ko ang paghawak ng dala kong itak. "Sino ka? Ano ang kailangan mo sa akin?!" Pasigaw kong sabi habang kinakabahan. Subalit hindi agad ito sumagot, kaya naman naghintay lang ako, ilang minuto rin ang nakalipas ng bigla kong marinig ang boses mula sa labas ng pinto. Boses ito ng isang babae na para bang takot na takot ito dahil nakikiusap ito na buksan ko ang pinto. Subalit nag-aalinlangan ako na gawin iyon, lalo't hindi ko naman kilala kung sino ang babaeng sa labas ng pinto ng aking bahay, baka kapag nakapasok ito ay kung ano ang gawin niya sa akin at ikapahamak ko pa. Kaya naman para makasigurado ko kung totoong tao nga ito ay lumapit akong muli sa may bintana at binuksan ko na ito, mahirap na kasi baka nagpapangap lang ito, nakakatakot pa naman dito sa lugar marami rin ritong kwentong kababalaghan. Nagulat ako ng makita ko ang babae na nasa labas na ng aking pinto nakaupo na ito dahil siguro sa katawan niyang nanghihina. Nakasuot ito ng puting damit at marami rin mantsa ng dugo, kahit hindi ko kilala ang babae ay nagmadali na ako para buksan ang pinto at ka-agad ko siyang pinapasok. "Halika pumasok ka! sambiit ko, habang inaalalayan siya papasok sa loob ng aking bahay, nagpalinga-linga mo na ako sa paligid bago ko isinara ang pinto baka kasi may taong nakasunod sa babaeng tinulungan ko. "Ano ang nangyari sa'yo Miss?" Nagtatakang tanong ko rito, na agad din naman siyang sumagot subalit taliwas sa tanong ko. "Tulungan mo po ako! at ilayo mo ako sa kanila," nagmamakaawang sabi niya sa harapan ko. Binitawan ko na nga ang hawak kong itak, at pinahiga ko ang babae sa may bakanteng katre na dating higaan ng aking lola. Nanginginig ang babae at parang takot na takot ito, napaisip tuloy ako, dahil mukhang kailangan niya ng tulong ko, sa tingin ko ay may tao siyang kinataakutan at iyon din ang dahilan kung bakit marami mantsa ng dugo ang suot niyang damit. Pinagpahinga ko mo na siya at sinabihan na maging kalmado huwag na siyang matakot dahil ligtas na siya. "Sandali lang ha, kukuha lang ako ng mainit na tubig at ibang halamang gamot sa labas para malinis at magamot ko ang mga gasgas at sugat mo sa katawan," aniya ko. Tumango lang ng ito at pansamantala ko na sayang iniwan. Lumabas ako sa bahay at naghanap ng mga dahon-dahon sa aking bakuran, sakto naman at may mga talabos pa yong puno ng bayabas, kaya naman pinitas ko na lahat ito. Pwede na siguro itong talbos ng bayabas, maganda rin itong paraan para mabilis gumaling ang mga sugat ng babae, dahil ito ang kadalasan ginagamit ng Lola ko sa akin pang langas kapag may sugat ko. Nagmadali na nga akong bumalik sa loob at nagtungo sa kusina, naglagay ako ng kakaonti lang na tubig sa takuri para madali itong uminit. Inilagay ko na ang nakuha kong talbos ng bayabas at ilan minuto ay kumulo na rin ito, bumalik ako, sa pwesto ng babaeng tinulungan ko, nataranta ako dahil nasaksihan ko ang pangiginig ng kanyang katawan, kaya naman kinuha ko ang nag-iisa kong gamit na kumot at ibinalot ko sa katawan ng babae. "Okay kalang ba? Heto nagpakulo ako ng dahon ng bayabas para naman malinisan ko ang sugat mo maganda ito at mabisa rin na gamot," sambit ko. Binasa ko ang hawak kong puting bimpo ng pinakulo kong tubig na may kasamang dahon ng bayabas at marahan kong dinampi sa kanyang balat. "Aray! mahinang sambit ng babae para yatang nasasaktan sa ginagawa ko. "Huwag ,kang magalaw tiisin mo lang ang hapdi medyo mainit kasi kaya napapa-aray ka. Pero huwag ka matakot malayo naman sa bituka ang mga sugat mo eh. Tamihik lang ang babae habang nakatingin sa aking mukha at naramdaman ko rin na nawala na ang panginginig ng kanyang katawan siguro alam niya na ligtas na siya kaya naging kalmado ito at naging mahinahon. Kawawa naman ang babaeng ito, ano kaya nag nangyari sa kanya? At sino ang may kagagawan nito, mabuti naman at ito lang natamo niya at ligtas pa rin siyang nakarating rito sa bahay--" bulong ko. Nakaramdam na ako ng antok, nakita ko rin sa harapan ko na mahimbing na ang pagkakatulog ng babae, kaya naman kampante na ako at makakatulog na rin ako ng maayos nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD