Mabilis lumipas ang buong magdamag, magalas- otso na ng umaga ng ako ay magising, pahikab- hikab pa habang nakahilata pa rin sa aking kama, panibago araw na naman, ano na naman kaya ang magagawa ko sa buong maghapon? lumilipas ang mga araw parang walang nangyayaring bago sa buhay ko, ganito na lang ba ako--"bulong ko.
Subalit ayaw ko naman na tumandang mahirap at mas lalong hindi ko gustong tumandang dalaga, parang ang hirap yata no'n, hindi ko manlang mararanasan ang sarap sa feeling ng isang lalaki," sambit ko sa aking isipan at napabuntong hininga na lang ako.
Bigla naman sumagi sa isipan ko ang babaeng tinulungan ko kagabi. Kaya naman nagmadali na akong bumangon mula sa aking pagkakahiga kahit medyo antok pa.
Sinuot ko ang magkapares kong tsenelas at naglakad palabas ng pinto ng aking kwarto, dumiritso ako sa kusina para uminom ng tubig, pagkatapos ay tinunggo ko ang dating higaan ng aking lola kung saan ko pinagpahinga kagabi ang babaeng tinulungan ko.
Laking gulat ko ng wala ang babae sa higaan niya kaya naman nataranta ako at nagmadaling lumabas ng pinto ng bahay, ngunit nahimasmasin rin ako ng makita ko na naroon lang pala siya sa may ilalim ng malaking puno nakaupo siya sa plastic na upuan na madalas kong ginagamit.
Nalipatan ko siya subalit papalapit pa lang ako sa diriksyon niya ay na pansin ko sa mukha ng babae ang kalungkotan, nakatingin ito sa malayo parang tulala at malalim ang iniisip hindi ko alam kung bakit, kaya nang makalapit ako ng tuluyan sa harapan niya ay tinanong ko siya.
"Okay ka lang ba? Eneng, kamusta ang pakiramdam mo? nakatulog kaba ng maayos?" Tanong ko sa babae.
Subalit tulala pa rin siya at parang 'di niya narinig ang mga sinabi ko, hanggang naisipan kong hawakan ang balikat niya, laking gulat niya ng makita ako sa kanyang harapan.
"Oh! relax ka lang! huwag ka matakot, hindi ako masamang tao. Ako pala si Mae, ikaw ano ang pangalan mo?" tanong ko.
"Ako naman po si Bela, maraming salamat po pala dahil pinatuloy mo ako sa bahay ninyo at inalagaan," sambit niya.
Ngumiti lang ako at nagtanong muli sa babaeng kaharap ko. "Pwede ko bang malaman kung paano ka napunta sa lugar na ito? alam kong hindi ka taga rito! dahil ngayon ko lang nakita ang mukha mo at bakit kagabi ay may bahid ng dugo ang suot mo at ang katawan mo at braso ay mga sugat?" Nagtatakang tanong ko sa babae.
"Napaka-walang puso nila! kitang-kita ko kung pa-ano nila patayin ang magulang ko at bunso kong kapatid, hindi na sila na awa, mabuti na lang at nakatakas ako sa mga masamang tao na iyon kaya dito po ako napunta sa lugar ninyo.
"Hindi ko na po alam ang gagawin ko ng mga oras na iyon dahil sa subrang pagkatakot at truma, nilakasan ko lang ang loob ko para matakasan ko ang mga taong pumatay sa magulang ko at sa bunso kong kapatid," tuloy-tuloy niyang paliwanag sa harapan ko, kasabay ng pagpatak ng kanyang luha.
"Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nila ginawa iyon sa sa amin, hindi ko man lang naipagtanggol ang mga magulang ko! Napaka-walang kwenta kong tao, subalit ang pangyayari iyon ay tumatak na po sa aking isipan at kahit kelan hindi ko yon makakalimutan.
Nagulat ako sa mga nalaman ko sa knya kaya naman niyakap ko siya habang patuloy pa rin sa pagkwento ng buong nangyari.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo wala kang kasalanan sa nangyari may dahilan ang dyos kaya nangyari sa kanila 'yon at kung bakit natira ka rin buhay.
"Iyon pala ang dahilan, kaya ka napad-pad sa lugar na ito! Huwag ka mag-alala ligtas ka na rito, ang bahay kong iyan ay ituring mo na rin na tirahan mo, kasi katulad mo nag-iisa na rin ako sa buhay, at kung gusto mo ay mamalagi ka mo na rito para naman may makausap ako hindi iyon sarili ko na lang ang kinakausap ko para akong baliw," paliwanag ko.
Tumawa si Bela sa aking sinabi. "Oh bakit ka tumatawa?" tanong ko habang nakataas ang kabila kong kilay,
"Wala naman po! sinusubukan ko pa rin po kasi maging masaya sa kabila ng nangyari sa mga magulang ko," palusot niya sabay ngiti.
"Sige ma-iiwan mo na kita pansamantala! magluluto lang ako ng makakain natin, kumakain kaba ng prito na itlog?" Tanong ko.
'Yon lang kasi ang ulam ko na mapapakain sa'yo sa ngayon, saka masarap naman 'yon eh, tapos may kasama pang tuyo," nakangiting sabi ko.
"Hindi naman po ako maarte eh, kung ano po ang nakahain sa mesa kinakain ko po! Katulad mo rin po mahirap lang ang istado ko sa buhay. Hindi ko nga po alam kung bakit sa simple buhay namin ay may tao pa lang may galit sa magulang ko at humantong sa madugong pangyayari.
"Mabuti naman kung gano'n Bela, So, pa-ano pasamantala mo na kita iiwan ha," sambit ko sabay talikod.
Hindi ko na narinig pang magasalita si Bela, matapos kong magpaalam sa kanya, nagpatuloy na ako sa paglalakad papasok sa aking bahay. Muli ay nagtungo ako sa kusina para ihanda ang aking lulutuin.
Napailing-iling ako dahil nakita ko sa mesa na iilan na lang pala ang itlog na lulutuin ko at mukhang kukulangin pa yata ang mga rekado.
Nilamas ko na nga ang kanin lamig dahil gagawin ko itong sinangag fevorate ko kasi ang sinangag kapag breakfast, tamang tamang ipartner sa malasadong itlog at pritong tuyo. Para sa akin ay ito na ang pinakamasarap na pagkain sa buong buhay ko dahil hindi ako nagsasawa rito.
Matapos kong lamasin ang kanin ay naghugas ako ng kamay saka ko ginayat ang bawang at sebuyas, binasag ko na rin at binati ang apat na itlog na natitira sa trey, sakto na siguro para sa amin ito ni Bela mukhang mahina naman yata siya kumain--" bulong ko.
Sinimulan ko nang igisa ang mga panamya ng maluto na ay inilagay ko ang binati kong itlog at binodburan ko ito ng asin at konting magic sarap ng matulo ay inilagay ko na ang nilamas kong kanin. Hinalo-halo ko ito at hinintay na maluto.
Naamoy ko ang mabangong amoy ng niluluto ko na talaga naman nagparamdam sa 'kin ng pagkagutom.
Maya-maya nga ay naluto na ito at inilagay ko sa bandihado. Inilapag ko sa mesa saka ako ng prepare ng Plato at kotsara para makakain na kami ni Bela.
Pansamantala kong iniwan sa hapag kainan ang pagkain na hinain ko at lumabas ako sa pinto ng bahay para tawagin si Bela.
"Bela halika na sa loob nakahanda na ang pagkain tara kumain na tayo para naman manumbalik ang lakas mo."
"Marami pong salamat ate Mae, Sige po susunod na po ako riyan," sambit niya.
Ilang saglit nga ay nasa harapan na ng mesa si Bela, nakatayo lang siya at mukhang nag-aalangan pang umupo.
"Bela naman huwag ka na mahiya ikaw at ako lang ang narito kaya umupo ka na sabayan mo na ako kumain," sambit ko.
Ngumiti siya at naupo na rin sa bakanteng upuan saka, nagsimula ng kumain.