"Bela! Saka, nga pala pagtapos mo kumain ay may pupuntahan tayo! ubusin mo 'yan pagkain mo ha! baka kasi mamiss mo yang luto ko," nakangiting sambit ko kay Bela.
Bigla siyang napatigil sa lang subo at nagtanong ito.
Huh! "Saan po tayo ate pupunta?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Doon kay na Aleng Belen, pansamantala mo na kita ihahabilin roon, dahil may importante lang akong pupuntahan," sambit ko.
"Hoo, iiwanan nyopo ako sa kanila! pero ate natatakot ako baka balikan ako ng mga taong humahabol sa akin at madamay pa sila," sambit ni Bela, halata sa mukha niya ang takot.
"Huwag ka mag-alala Bela hindi naman nila alam kung saan ka naroon di ba? at alam ko safe ka roon saka, saglit lang akong aalis babalik rin agad," paliwanag ko. So, pa-ano, diyan ka lang mo na ha, at may kukunin lang ako bag sa kwarto ko, saka, tayo pupunta sa bahay ni Aleng Belen," Anas ko.
Tumango-tango na lang si Bela ng tumalikod ako sa harapan niya, hindi na rin niya nagawa pang ubusin ang kinakain niya, siguro nawalan na siya ng gana---" bulong ko.
Pumasok na ako sa kwarto ko at kinuha ko ang bag ko, agad din akong lumabas ng silid at bumalik sa kinau-upuan ni Bela.
"Bakit parang tinitigan mo na lang ang pagkain mo? ayaw mo na ba? Kung ganon ay ililigpit ko na ang lahat ng iyan," Anas ko.
Niligpit ko ang natirang pagkain saka ko niyaya na si Bela na umalis.
"Halika na Bela, magtungo na tayo sa bahay ni Aleng Belen, wika ko, tumayo na mula sa pagkakaupo si Bela at sabay kaming lumabas ng bahay, paglabas ko ay nilock ko ang pinto. Sinugurado kong walang makakapasok rito sa bahay.
Magkakasama kaming naglalakad ni Bela patungo nga sa bahay ni Aleng Belen at ilang saglit ay nakarating na kami.
Papalapit pa lang kami ay nakita na ako ni Mabel kaya naman sumalubong niya ako, subalit nagtaka siya at nagtanong kung sino ang kasama kong babae dahil hindi niya ito kilala.
"Magandang umaga Mabel," malugod kong pagbati.
"Magandang umaga rin sa'yo Mae, Teka, "Sino "yang kasama mo, kagabi lang ay mag-isa ka naman na iniwan ko sa bahay mo diba, tapos ngayon may alalay ka na?.
"Baliw ka talaga Mabel, hindi ko alalay ito, kinopkop ko lang siya alam mo naman di ba? mabait akong tao," sambit ko sabay tawa.
"Saka ko na sa'yo ekwento ang lahat, pagbalik ko! Saka, nga pala nasaan ang inay mo? may importante kasi akong ipapakiusap sa kanya," Turan ko.
"Nasaloob ng bahay, sandali lang ha! abala rin kasi siya roon, pero para sa'yo tatawagin ko," sambit ni Mabel.
"Inay, Inay, lumabas po mo na kayo riyan narito po si Mae, hinahanap kayo, paulit- ulit na sambit ni Mabel, habang tinatawag ang kanyang Ina.
"Ano bayan Mabel! ang aga- aga! Kung makasigaw ka naman para kang nasa bundok!" Bulyaw ni aleng Belen sa kanyang anak, habang naka pameyawang sa b****a ng pinto.
Napakamot lang sa ulo si Mabel at muling ng salita sa Ina niya. "Narito po kasi si Mae hinahanap po kayo! Hindi ko po alam kung ano po at sadya niya Inay," paliwanag ni Mabel.
"Ikaw pala Mae, pumasok ka mo na rito sa loob, pero matanong ko lang ha! sino yang babaeng kasama mo at bakit ka naparito?.
"Si Bela po Aleng Belen, pasensya po sa abala ha! Naparito po kasi ako dahil may ipapakiusap ako sa'yo," sambit ko.
"Ano iyon Mae, sabihin mo baka makatulong ako, isa pa tuloy ka mo na sa loob dito na tayo mag-usap," sambit ni Aleng Belen.
"Ay hindi na po Aleng Belen. Hindi rin po kasi ako magtatagal, ihahabilin ko lang po mo na sana sa inyo si Bela, kung pwede lang ho. Dahil ngayon pong araw ay magtutungo ako sa address ng hospital na binigay sa 'kin ng pulis na nakausap ko," paliwanag ko.
"Okay Mae, ako na bahala sa kasama mo! mag-iingat ka rin sa pupuntahan mo ha, iba ang ugali ng tao roon," sambit ni Aleng Belen.
"Sige po maraming salamat po," nakangiting sambit ko.
"Ay oo nga pala Mae, muntik ko na makalimutan at tulad ng ipinangako ko sa'yo kagabi, heto ang pera pamsahe mo! dinagdagan ko na rin 'yan para sa pangastos mo," sangit na sambit ni Mabel.
"Maraming salamat Mabel, hayaan mo babayaran ko rin ito sa"yo," sambit ko matapos kong kunin ang perang inabot sa akin ni Mabel.
"Huwag mo mo na isipin yon friend, sige umalis ka na para maka abot ka sa unang byahe ng bus patungo sa syodad at kami na bahala ni Inay kay Bela. Mag-iingat ka ha, at huwag ka papaloko roon. "Good luck friend," nakangiting sambit ni Mabel.
"Sige Mabel tatandaan ko lahat ng sinabi mo!
"So pa-ano Bela, iiwan na mo na kita sa kanila ha, don't worry dahil babalikan naman kita ka-agad rito," Anas ko.
"Sige po ate, hihintayin ko po ang pagbabalik mo. Mag-iingat po kayo sa inyong patutunguhan, nakangiting sambit niya.
"Okay," maikling kong sambit, sabay nag-iwan ako ng matamis na ngiti, hanggang magdidisyon na akong magpaalam sa knilang lahat at mabilis rin tumalikod.
Binilisan ko ang paghakbang papalapit sa terminal ng bus at hindi naglaon ay nakarating rin ako, sakto naman at paalis na ang unang byahe kaya sumakay na agad ako.
Umupo ako sa bakanteng upuan, subalit di mawala sa sarili ko ang hindi kabahan hindi ko alam kung ano ang magiging kapalaran ko pagdating ko ng lungsod lalo't first time ko makapunta roon.
Siguro kung hindi dahil sa aksendenteng natagpuan ko ang lalaking iyon, hindi ako maglalakas ng loob na pumunta sa lungsod para dalawin sya, pero sa totoo nga lang eh first time ko rin nakasakay ng bus. Sumandal ako sa kinau-upuan ko, huminga ng malalim, bahala na si batman---" bulong ko.
Hanggang umandar na ang bus na sinasakyan ko. Mabilis rin itong nakalabas ng terminal at sa ngayon ay nilalakbay ang kahabaan ng kalye, abala ang mata ko sa aking tinatanaw sa paligid, nakapwesto kasi ako malapit sa bintana kaya nakikita ko ang bawat dinaraanan namin, hanggang bigla na lang huminto ang bus, at may tatlong lalaking sumakay.
Normal lang naman sila kung tingnan walang ka hinahinala, subalit, bigla akong nakaramdam ng kaba, dahil nasa may left side ko lang sila kabilang aside ng upuan ng bus, napapansin ko kasi sa tatlong lalaki nagsesenyasan sila. Hindi ko naman masyado gets kung ano ba pinag-uusapan nila.
Umiwas na lang ako tingin at muli ay pinagmasdan ko ang paligid sa labas ng bintana, habang dumaraan kami sa mahabang kakahoyan.
Ngunit nagulat na lang ako sa malakas na boses na aking narinig dahilan para magpapanik ang mga kasama kong pasahero sa loob ng bus na sinasakyan ko.
"Holdop ito! tarantang wika ng isang lalaki malapit sa pwesto ko! walang kikilos ng masama kung ayaw ninyong masaktan lahat," sambit niya.
Hindi ako makagalaw sa kinau-upuan ko, pinagpapawisan rin ako ng malapot, hindi ako alam ang gagawin ko, tiyak na kukunin nila ang lahat ng dala ko, pagnagkataon ay mamumulubi ako nito---" bulong ko.
Marahan akong yumuko, at sinuksuk ko ang bag kong dala sa ilalim ng upuan, subalit napansin pala ako ng isang lalaki, kaya naman marahas niya akong tinitukan ng baril.
Nanginginig ako sa takot, shet! yari ako---" bulong ko.
"Hoy! babae, ano ang kinukuha mo riyan?" Tanong ng lalaki. Tumayo ka kinauupuan mo! lumapit ka rito bilisan mo!" Galit na utos ng lalaki.
"Napakaswerte ko naman, may ,isa pa lang magandang babae ang nagtatago rito, sambit niya habang nanlilisik ang mga mata nakatitig sa a'kin.
"Huwag nyopo ako sasaktan, wala kayong makukuha sa 'kin, lahat ng bagay o pag-aari wala ako," nagmamakaawa kong sambit.
Tumawa ang lalaki at lumapit sa harapan ko. Nagkakamali ka babae! lahat ng kailangan ko ay na sa'yo, kaya sasama ka sa amin, tiyak kong mag-enjoy kami ng husto sa sa'yo," sambit ng lalaki sabay amoy ng buhok ko.
"Ahmmmm! Sheet! ang bango mo miss nakaka sabik ka.
"Mga pare, may magandang babae rito oh tiyak kong mageenjoy tayo mamayang gabi,"Saad ng lalaki sa mga kasama niya at bakas sa mukha nito ang pagkasaya.
Subalit ng muli siyang bumaling sa haparan ko at tatangkain pa niya sana akong halikan, ay may kung ano bagay ang dumapo sa mukha niya dahilan para siya at mapasandal sa upuan ng bus.
"Walang hiya ka! Sino ka?ang lakas naman ng loob mo na iligtas ang babaeng ito. "Naghahanap ka yata ng sakit ng katawan 'di kaba natatakot!" Galit na wika ng laking bumagsak sa sahig ng bus.
Napanganga ako sa aking nakita, dahil isang gwapong lalaki pala ang may kagagawan kung bakit bumagsak ang lalaking kaharap ko lang kanina.
Ka-agad lumapit ang gwapong lalaki sa kaniyang sinapak, sinakal niya ang holdaper at saka inagawan ng baril pag katapos ay Pinalo ng baril sa ulo. Nawalan ng malay ang lalaking holdaper.
Nang dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag, bakas rin sa mukha ng mga kasama nito at takot at taranta, wala silang magawa kung hindi bumaba ng bus, lalo't nakatotok na ang baril sa kanilang dereksyon, sa takot ay nagmadali na silang bumaba ng bus at iniwan ang isa pa nilang kasama.
Sunuksok ng gwapong lalaki ang hawak niyang baril, at nagdesisyon naman siyang lumapit sa akin, nakaramdam ako ng kaba at bigla akong namula, dahil papalapit siya sa kinatatayuan ko. Seryoso siyang naka tingin sa mata ko at saka ng tanong.
"Miss okay kalang ba? Nakangiti sambit niya, pansin sa mukha niya na nag-alala siya sa akin sa naging sitwasyon ko kanina.
"A-a E-e, okay lang naman ako maraming salamat," malumanay kong sambit na maedyo nahihiya pa sa harapan ng gwapong lalaki.
"By the way, I'm Steve, Isa akong alagad ng batas, how about you? what is your name?" tanong niya.
"Just call me Mae madaling tandaan," sambit ko.
"Okay fine, huwag ka na kahabaan ha, ligtas ka na, at ako na bahala sa lalaking ito, paggising niya ay dadalhin ko siya sa prisinto,"Saad niya.
"Mabuti naman kung ganon, ang akala ko nga ay mapapasakamay ako ng mga pangit na lalaki na 'yan, mabuti at naglakas loob kung labanan sila kahit may hawak pang baril ang lalaking iyan," paliwanag ko.
"Kinabahan kaba?" Nakangisi niyang tanong.
"Hindi lang kinabahan, nanginginig rin ang buong katawan ako sa takot, tutukan ba naman ako ng baril. Feeling ko nga ay katapusan ko na kanina at muntik pa makuha ang pinakaingat-ingatan kong hiyas," sambit ko.
"What di you mean? Anong hiyas?" Tatakang niya tanong.
Huyts ang slow naman ng lalaking ito. Ginadahan ko lang ng words eh para 'di halata, pero di niya gets---" bulong ko.
"Ahmmm! Nevermind, huwag mo na isipin 'yon. by the way saan pala ang punta mo?" tanong ko sa lalaki ngayon ko lang nakilala.
"Pupunta ako ng San Luis, sa isang frivate hospital para dalawin ang isang kaibigan. Nalaman ko kasi may masamang nangyari sa kanya.kaya pupuntahan ko siya para kamustahin.
"Huh, paraho pala kami hospital ang pupuntahan ng taong ito, pero Teka, tutal same lang ng address, bakit kaya hindi na lang ako sumabay sa kanya para hindi na ako mahirapan hanapin ang hospital na iyon.
"Pereho pala tayo ng lugar na pupuntahan sa san Luis hospital rin kasi ako pupunta. May dadalawin rin akong isang tao," sambit ko.
"Kung ganoon pala eh, sabay na tayo tutal pareho lang tayo ng distinasyon eh," sambit ng lalaking kausap ko.
"Pwede rin, pero Teka lang mo na, nakakahiya man sa'yo pero last na itong tanong ko," nakangisi kong wika."
Ano pala pangalan ng kaibigan mong tinutukoy.
"Zander de Vera, why?" Maikli niyang tanong.
"Owh, really tama ba ako ng narinig Zander De Vera ba kamo?.
"Yes, what, bakit mukhang gulat n gulat ka? kilala mo ba ang kaibigan ko?"nagtatakang tanong niya.
"No, pero siya rin ang taong pupuntahan ko sa San Luis hospital, nahabang kwento pero nagdisisyon lang ako ng bisitahin siya. Gusto ko rin makilala ang buong pagkatao niya," sambit ko sa lalaking kausap ko ngayon.