THE INCREDIBLE 2

1277 Words
"Basta makikilala mo rin siya, humanga siya sa aking galing at tapang mo sa pakikipaglaban kaya siguro ay nais ka niya makilala ng personal," sagot ni master Lao. "Ganoon po ba, kung ganoon maiiwan muna kita sandali Yuri dahil may gusto pa lang makipagkilala sa akin magkita na lang tayo mamaya sa bahay," nakangiting sambit ko sa dalaga. "Ahmmm---okay Rio mag-ingat ka saka hihintayin na lang kita sa bahay ninyo dahil hindi pa tayo tapos mag-usap," sagot ng dalaga bago pa ito tuluyan tumalikod ay nag iwan pa ito ng matamis na ngiti. Mabilis na ngang naglaho sa paningin ko si Yuri kaya naman niyaya na ako ni master Lao para puntahan ang taong gusto makipagkilala sa akin, sumang-ayon naman ako sa aking master at sumunod na nga ako sa paglalakad habang nasa likoran niya. Hindi naman naglaon ay nakarating na kami kung saan naroon nga naghihintay sa amin ng master ko ang taong gustong kumilala sa akin. "Narito na kami ng studyante ko Mr David Stanley, bungad na sambit ni master sa taong nakatayo lang sa harapan namin habang naka cross arms ito. "Maraming salamat Mr Lao, dahil pinagbigyan mo ang kagustohan ko na makaharap ng personal ang lalaking kasama mo," sambit nito na may ngiti sabay kamay sa aking master. "Wala po iyon Mr, Stanley, tulad ng pinangako ko sa 'yo, heto nasa harapan mo na ang taong gusto mong makilala, ang paborito kong studyante na si Rio shen," sambit ni master. "Pangalan mo pa lang kinatatakutan na, kinagagalak kitang makilala ehoj. Ako pala si Mr Stanley, isa rin akong guro tulad ng iyong master, katulad mo marami rin akong kabataan na tinututuruan na maging magaling at mahusay sa pakikipaglaban laban, nakikita ko sa 'yo na potential ka at alam kong gagaling kapa ng husto kapag nasa pangangalaga kita," seryosong sambit ng lalaki na ngayon ko lang nakita. "Huh, ano po?" nagtatakang tanong ko sabay tingin ko sa mukha ng aking master dahil hindi ko alam ang ibig sabihin ng lalaking kaharap ko. "Nagulat kaba Rio? nag-usap na kami ni Mr Stanley na siya na ang bagong magiging guro mo, alam kong sa kanyang pangangalaga ay matutupad mo ang mga pangarap mo. Huwag kang mag-alala dahil mabait namang tao si Mr, Stanley," sambit ni master Lao. "Ganoon po ba, sambit ko na hindi na ako nakatanggi pa sa gusto nilang dalawa. Tama din naman si master siguro doon ko mahahanap ang kinabukasan ko. Nagsasawa na rin ako sa ganitong buhay na lagi na lang nakikipaglaban para kumita lang ng pera, panahon na siguro para mabago naman ang kalagayan ko, ano man ang mangyayari ay kaya ko naman ipagtanggol ang aking sarili lalo't dalubhasa na ako sa pakikipaglaban pero alam ko rin na kulang pa rin iyon..." bulong ko. Naging malinaw sa akin ang lahat at buo na ang disisyon ko na sumama sa taong ngayon ko lang nakita pero bago pa man ako tuluyan umalis sa lugar na ito ay kailangan kong magpaalam sa mga taong nagmahal sa akin, ang mga kaibigan ko kaya naman pansamantala akong nagpaaalam kay master lao. "Master Lao pumapayag na po ako sa gusto ninyong dalawa para sa pagbabago ng buhay ko, pero payagan ninyo po sana ako para magpaalam sa aking mga kaibigan na tinuring ko na rin na pamilya ko," pakiusap ko sa aking master. Ka agad naman itong sumang-ayon kaya naman mabilis ko na silang iniwan at nagtungo ako sa mga kaibigan ko, malayo pa lang ako sa tinatambayan namin ay ka-agad nila ang akong sinabong at kinongratulate sa aking pagkapanalo kanina. "Rio, mabuti naman at narito kana kanina kapa namin hinihintay dahil ipagdiriwang natin ang tagumpay mo," sambit ni Kang, ang pinaka kalog sa magkakaibigan. Pangisingisi lang ako at nagpasalamat sa supporta nila sa akin, hanggang tumahimik ang lahat ng magsalita ako at nalaman rin nilang ito na ang huling araw na magkakasama kaming lahat dahil pansamantala ko muna silang iiwan, masakit man sa akin na mapalayo sa kanilang lahat pero kailangan kong magsacrifice para sa pagbabago ng aking buhay, malungkot ang mukha nilang lahat maging si Yuri na kababata ko ay hindi din matanggap na lalayo ako at ngayon na lang kami magkakasama. Kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mukha na akala mo ay iniwan siya ng kanyang magulang, kaya naman nilapitan ko ito at nagpaliwanag ako sa babae, mabuti naman at pumayag na rin ito maging ang lahat ng kaibigan ko ay pumayag na rin, kaya naman medyo gumaan ang pakiramdam ko at nakahinga ako ng maluwag. "Mag-iingat ka Rio lagi mong tatandaan narito lang kaming at lahat huwag kang makakalimut na umalala sa amin, isang pamilya na tayo rito kaya tayo rin ang magtutulungan sa oras ng pangangailangan," sambit ni kuya Rysen na siyang nakakatanda sa aming lahat. "Opo kuya Rysen hindi ko makakalimutan ang kabaitang pinadama ninyo lahat sa akin, hanggang sa muli nating pagkikita," sambit ko na may halong lungkot. Nagpaalam na nga ako sa kanila at tuluyan na akong tumalikod na may lungkot na dinadala, hindi pa ako nakakalayo na marinig ko ang pangalan ko ng tawagin ako ni Yuri kaya naman napalingon ako at agad itong tumakbo papalapit sa akin sabay yakap ng maghigpit. "Mag-iingat ka Rio, hihintayin ko ang pagbabalik mo, gusto ko lang malaman mo na matagal na kitang gusto hindi ko lang ito masabi sabi sa 'yo dahil nahihiya ako at natatakot ako na bigla mo na lang ako iwasan," sambit ni Yuri na may kasamang emosyon. "Maraming salamat Yuri sa pagmamahal mo, sa ngayon hindi ko pa alam ang masasagot ko, ang mahalaga ay nailabas mo na ang tunay mong nararamdaman sa akin, makakahinga kana rin ng maluwag, mag-iingat kayo rito at lalong lalo kana Yuri, pa ano kailangan ko na umalis," sambit ko sabay iwan sa dalaga ng matamis na ngiti. Masakit man sa akin na iwan ang lugar na ito dahil dito na ako lumaki at dito ko na rin nakilala ang bagong pamilya ko, pero kailangan ko pa rin magdisisyon para sa aking sarili at talikoran kung ano ako dito sa lugar na ito. Ka agad din akong nakabalik kung saaan naroon sa isang lugar naghihintay ang taong sasamahan ko, kaharap si master Lao, ang taong nagturo ng lahat sa akin, ngunit sa sitwasyon ito kailangan ko rin siyang iwan, dahil ito rin naman ang kagustohan niya ang mabago ang buhay ko. "Handa kana ba?" tanong ng master ko matapos akong makabalik, "Opo master, maraming salamat po sa lahat at pagalaga sa akin at sa tinuro mo hindi po kita makakalimutan master, dahil ikaw ang naging pansamantala kong ama sa loob ng maraming panahon, Pagkatapos niyang marinig lahat ng sinabi ko ay yumakap lang ito sa akin saka tumalikod, kahit wala itong imik sa lahat ng sinabi ko ay ramdam ko naman ang mabigat na kalungkutan sa kanya. Alam kong masakit sa kanya na magkalayo kami lalo't matagal kaming nagkasama ng mahabang panahon at tunuring na niya akong isang anak pero ito ang disisyon niya ang malayo ako sa kanya. Nang mawala sa paningin ko master Lao ay agad naman akong niyaya ni Mr Stanley para sumakay na sa loob ng kanyang sasakyan, wala na akong magawa kundi pumasok na nga sa loob ng sasakyan at tuluyan ng iwan ang lugar na kinalakihan ko. Dala ko ang masasayang alala sa lugar na ito habang nakasakay ako sa loob ng sasakyan, hindi ko maisip na sa isang iglap lang ay tatalikoran ko ito para sa ikakaganda ng buhay ko. Medyo malayo ang byahe at nakaramdam na ako ng antok kaya naman pansamantala ko muna pinikit ang aking mata para naman makalimutan ang lahat, hanggang tuluyan na akong nakatulog sa gitna ng mahabang byahe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD