"Rio lumaban ka huwag kang magpapatalo sa kalaban mo! sigaw ng mga nanonood habang nakahiga ako sa loob ng ring at dahil na rin sa bilis at galing ng katunggali ko sa loob ng ring na ito ay napatumba niya ako at hindi umobra ang galing at husay ko sa pakikipaglaban kaya medyo kinabahan ako sa posibleng mangyari sa akin.
Tumingin ako sa mga tao na nananood sa laban namin ng kalaban ko, lahat sila ay sinigaw ang pangalan ko na labis ko naman kinatuwa, kaya naman ginawa ko silang lakas at inspiration para magpatuloy ako sa pakikipaglaban sa aking katungali alam kong kaya ko siyang talunin basta't magtiwala lang ako sa aking sarili. Umaasa sa akin ang lahat ng tao na naririto at lalong lalo na ang mga kaibigan ko na patuloy na sumusuporta sa akin sa mga oras na ito, dapat hindi ko sila biguin, kailangan ipanalo ko ang laban na ito para mas lalo akong hangaan ng lahat ng taong sumusuporta sa akin, hanggang marinig ko ang isang boses na binabanggit ang pangalan ko.
"Rio bumabangon ka! hindi pa tapos ang laban alam namin ikaw ang mananalo sa labanan ninyong dalawa, ipakita mo kung sino ka at kong ano ang kayang mong gawin para matalo ang kalaban mo, huwag kang susuko Rio," malakas na sigaw ng lalaking kaibigan ko na si Rysen.
Kaya naman kahit masakit ang katawan ko sa pagkakabogbog sa akin ng katungali ko ay pinilit kong tumayo mula sa aking pagkakahiga, alam kong umaasa sa akin ang lahat kaya dapat gawin ko ang makakaya ko sa laban na ito. At ipakita sa lahat na ako pa rin ang pinakamagaling na fighter dito sa lugar na ito..." bulong ko sa aking sarili.
Tinukod ko ang isa kong braso para tuluyan na akong makatayo at maging handa muli sa muling pag-ataki ng kalaban ko, gamit ang isang kamay ay pinunasan ko ang ilong ko dahil dumugo ito sa lakas na pagkakasipa sa akin ng kalaban ko dahilan din para mapadapa niya ako sa loob ng ring na ito.
"Talagang matigas ka Rio! ang bobo mo at bumangon kapa ang akala mo ba ay hahayaan pa kitang mabuhay, malas mo lang dahil nakahanap ka ng katapat mo at ako na ang papalit sa 'yo bilang pinakamahusay na fighter sa bansang ito," sambit ng lalaking katungali ko.
Napailing-iling na lang ako sa kayabangan pinapakita niya sa akin, hindi pa tapos ang laban kaya sa isip-isip ko ay huwag mo na siyang magsaya, dahil ngayon pa lang magsisimula ang totoong laban sa pagitan namin dalawa.
Nakaporma lang ako sa king kinatatayuan hinihintay ko ang pagsugod sa akin ng kalaban ko, mas maganda rin kong pag-aralan ko ng husto ang galaw niya bago ako makipagsabayan para mabilis ko siyang matalo.
"Ano Rio naduduwag kana ba! bakit hindi ka makagalaw sa kinatatayuan mo? halika sumogod ka," utos ng lalaki sa akin na pansin kong malakas ang tiwala niya sa kanyang sarili.
Ngunit sa pagkakataon na ito ay kailangan ko na talagang mag-ingat, dahil maling galaw ko lang ay matatapos agad ang laban na ito na posible pa akong matalo..." bulong ko.
Sa gigil at galit ng lalaki dahil hindi ko sinusunod ang gusto niya ay walang paligoy-ligoy itong lumapit sa akin, pinagsisipa niya ako sa aking tagiliran, lahat ng iyon ay sinasalo ng katawan ko, ngunit nilalabanan ko ito para hindi ako matumba, pinagsusuntok rin ako ng lalaking katunggali ko na lahat naman ng iyon ay naiwasan ko.
Medyo naiinis na ang kalaban ko dahil kahit anong gawin niya sa akin ay hindi na niya ako mapatumba, nagsigawan naman ang mga taong nanonood sa aking pinapakita, kaya naman hindi ko na hinayaan pang bogbogin ang katawan ko ng lalaking kalaban ko, pumatong ako sa dalawang tuhod nito sabay ikot ko sa iri kasunod noon ay ang pagsipa ko ng malakas sa mukha ng lalaki sa lakas ay napaatras ito at sumandal sa gilid ng ring, hindi ko na sinayang pa ang pagkakataon agad akong lumapit at ubod lakas kong pinagsisiko sa likod ng lalaki, hindi ko ito tinigilan hanggang hindi ito bumagsak sa lupa, pagbagsak sa lupa ay sinakal ko ito, narinig ko sa mga tao na nanonood na natuluyan ko na ang lalaking hawak ko, ngunit nagdadalawang isip ako na patayin ito lalo't wala itong kalaban- laban sa kalagayan niya ngayon.
Hanggang napagdisisyonan ko na lang na hayaan siyang mabuhay tutal wala din naman mangyayari kapag pinatay ko siya, alam ko naman sa laban na ito ako ang panalo at wala akong pagsisisihan matapos ang nangyari ito, iniwan ko na lang ang lalaking katunggali ko habang nakadapa ito sa loob ng ring na alam kong hindi na ito makakabangon pa dahil sa tindi ng natamo niyang pinsala mula sa sa akin.
Pagkatapos ng laban ay tinanghal akong panalo at binigay sa akin ang premyo, lahat ng sumusuporta sa akin ay lumapit masaya silang lahat habang binabanggit ang aking pangalan.
Labis ang aking tuwa na nararamdaman dahil nakikita ko na subra mahal ako ng aking mga tagahanga, ilang sandali pa nga ay napagdisisyonan ko nang umalis sa lugar at bumalik sa aking tirahan, habang naglalakad naman ako ay bigla lumapit sa akin ang kababata kong si Yuri na sa palagay ko ay may lihim itong pagtingin sa akin, pansin ko sa mukha nito ang pagkagalak ng makita niya ako.
"Rio binabati kita sa pagkapanalo mo kanina ang akala ko matatalo ka roon pero dahil alam mong maraming umaasa sa 'yo sa laban na iyon ginawa mo ang best mo, ngunit nag-alala ako sa sinapit mo kanina, nakaramdam ako ng awa lalo't nasaktan ka," sambit ni Yuri kasabay ng paglumanay ng kanyang mukha, siguro nga ay nag-alala ito ng husto sa sinapit ko kanina sa loob ng ring.
"Maraming salamat Yuri, naroon ka pala para panoorin ako, pasensya kana kung kanina bumagsak ako pero sa totoo naman eh, basic lang sa akin kalabanin ang lalaki na iyon, sinadya ko talagang magpatalo noong una pa lang para maging makampante ang kalaban ko at masira ang diskarte niya habang pinagaaralan ko ang galaw niya sa loob ng ring," sambit ko sabay hawak ko sa balikat ng dalaga at bigla naman itong bumalik sa katinuan.
"Ganoon ba Rio, kahit ano pa man ang nangyari ang mahalaga natapos na ang laban mo at ikaw ang nanalo, kaya binabati kita," sambit ni Yuri sabay ngiti sa akin ng napakatamis na akin naman kinatuwa.
Ngunit habang nag-uusap kami ni Yuri sa aming kinatatayuan ay bigla naman lumapit sa akin ang trainor ko na si Mr, Lao kaya naman naputol ang pag-uusap namin dalawa ni Yuri.
"Rio binabati kita sa husay at galing mong pinakita kanina sa katungali mo talagang hindi ako nagkamali na turuan ka ng kaalam-alam ko, hindi lang iyon ang pinakita mo at dahil sa patas kang lumaban ay mas lalo akong humangga ng husto sa 'yo kanina hindi mo tinuluyan ang kalaban mo, saka nga pala Rio gusto kang makilala ng kaibigan ko, sambit nito.
"Huh! Sino po nagtatakang tanong ko sa aking master na si Mr Lao.