PROLOGUE
Malalim na ang gabi nang sila ay dumating.
Hindi sa pamamagitan ng mga mamamatay-tao o ang kalupitan ng mga taong sakim, kundi sa liwanag ng mga bituin at ang malamig na katiyakan ng paghuhukom.
From the heavens above, the gods descended upon the village of Eiranflei, a forgotten place on earth resting between a mountain and river. A place untouched by magic, ruled only by soil, song, silence and joy.
Wala silang kapangyarihan. Walang sagradong dugo. Walang engkantasyon. Pananampalataya at paniniwala lamang ang meron sila.
Pero walang pinakikinggan na mortal ang mga Diyos at Diyosa.
Ang pagbagsak ng tore na nagsisilbing ilaw sa komunidad ang naging hudyat ng kaguluhan, nahati ito sa dalawa ng isang espada ng liwanag.
Pagkatapos, ang mga bukirin, nilamon ng apoy na hindi sumusunod sa hangin.
At ang mga tao— tumatakbo, sumisigaw, nagmamakaawa, humihingi ng tulong sa mga nilalang na ngayon ay pinapanood silang magdusa.
Isang babae, tila hindi alam ang gagawin, nagtago sa ilalim ng mesa ng kanilang bahay na halos matupok ng apoy.
Ang boses ng kanyang ina ang huling himig na maririnig niya kailanman.
Ang kamay ng kanyang kapatid na mainit, ngunit sa isang iglap, ay naging malamig sa usok.
Namatay na dapat siya roon.
Ngunit hindi hinayaan ng tadhana na mangyari yon.
Habang nilalamon ng mga naglalagablab na apoy ang kabahayan sa Eiranflae, isang dagundung ang narinig mula sa kung saan.
Nakatago sa ilalim ng mga guho, nakalubog sa lupa tulad ng isang lihim na naghihintay na sumibol, isang hiyas ang kumikilos.
Hindi ito apoy.
Hindi ito hangin.
Hindi ito liwanag o alon o paghihiganti
Kakaiba ito.
A gem without an identiy.
Without origin.
Without a god.
Ito ay kumalabog nang isang beses, at muli, hindi sa mga langit sa itaas, kundi sa batang nanginginig sa ilalim ng mga abo.
Far above the mortal realm, in the Mount Olympus, the divine gods settled.
Oracle’s had begun to stir scrolls blanking themselves, statues weeping shadow, the constellation of Fate losing a star.
Then came the voice.
A whisper.
A prophecy.
“From ash she rises, born of none.
An unseen spark where ruin spun.
The gods shall fall, not by blade nor breath,
But by the hand that defies death.
The echo trembled the home of the gods.
Even the stars dimmed.
Silence.
Then laughter.
“Huwag mo nga akong patawanin, Pythia.” Saad ni Helios “No mortal can end a god.”
“The vaults are sealed. The paths closed. The gems are chosen,” Hestia spoke, Goddess of Hearth. “Nothing escapes our order.”
Only one, the Goddess Nemeses turned away in silence—her eyes narrowed, her heart stirred.
Isiwanalang bahala ng mga Diyos ang propesiya.
Kinalimutan nila ito na parang isang katatawanan lamang.
Ibinaon sa limot.
Kagaya ng Eiranflae.
Kagaya ng mga taong naiwan sa komunidad.
Pero hindi nakalilimot ang bituwin.
At hindi nagpapatawad ang tadhana.
She will rise.
And when she does…
They will remember the name they chose to ignore.
“Velithea”