Chapter 2

1245 Words
Mabuti nalang at may naipon akong maliit na pera sa ilalim ng aking sapatos. Bilib din ako sa perang ito kasi sobrang lakas ng sikmura. Biruin mo kinakayang tumagal sa sapatos kong amoy patay. Lolo, kung nasaan ka man ngayon, huwag ka sanang pabayaan ng apat mong buhok sa ulo. Hindi ka naman siguro magagalit kong lalayo muna ako sa probinsya eh ‘no? Maninimpalad muna ako sa Maynila, baka doon ako makakahanap ng lalaking makekeringkingan ko. ‘Yon sanang may malaking bukol sa shorts para bibo. Juice ko! Joke lang lo, ito naman baka multohin mo pa ako eh. “Mama’, masarap po ba ang itlog ninyo?" "Masarap ‘to, iha. Gusto mo?” “Gusto sana kaso baka hindi masarap , eh." “Naku, kahit ilang linggo akong walang ligo, well-preserved naman itong itlog ko. Maalat-alat nga lang.” Aba loko ‘tong mama’ng ‘to ah. Kala niya siguro itlog niya sa ibaba ‘yong tinatanong ko. Gagu ba you? Kahit naman masarap ‘yan hindi ko ‘yan titikman. Sa kulubot mo ba namang mukha siguro pati itlog mo gurang na. “‘Yong tinitinda n’yo po ang tinatanong ko , mama’. Masarap po ba iyan?" Napailing-iling nalang sa ulo ang matandang may pa welperserb welperserb pa. Kahit naman anong English mo hindi ka mananalo sa’kin eh. Che! “Masarap ito, iha. Bente-singko dalawa." “Ang mahal naman. ‘Wag na nga lang po." Sabi ko naman sa kaniya. Ang mahal naman kasi ng itlog niya kala mo naman ikakayaman niya ‘yan. Minus ka talaga sa akin , mama’. Habang nakasakay ako sa isang bus papuntang Maynila, hindi ko mapigilang lumuha. Iyak ako ng iyak sa loob ng sasakyan kasi nga aalis na ako sa probinsya. Iiwan ko na si lolo Ingie na may apat na buhok sa ulo. Teka nga, bakit parang kasalanan ko pa? Huy lolo, kung hindi ka sana namatay hindi sana ako maninimpalad sa Maynila. Minus ka talaga sa akin , lo. Kapag Nakita talaga kita nako kakalbubin ko talaga ‘yang apat mong natitirang buhok. Che! “Are you okay?" Biglang sabi isang mabangong lalaki sa akin. "‘Wag mo'kong Englishan, ma-mapapalaban ka talaga sa akin." Sagot ko habang humihingos-hingos pa. "You can use my towel, naliligo kana sa mga luha mo oh.” Ani niya. " Nolan… Nolan Delacruz " Pagpapakilala pa niya habang ibinigay niya ang kaniyang towel sa akin. “Hindi pa naman basa ang bistida ko eh.” Sagot ko habang inaabot ang bistida at pinunas ito sa mukha ko. “Ako na…” At bigla niyang kinuka ang aking mukha. Pinunasan niya ang aking mga luha gamit ang dala niyang towel. Infainess, lo, baka blessings talaga ang pagkamatay mo. Mentbe kumbaga, ‘yon bang itinadhana ng panahon. Biruin mo umiyak lang ako sa loob ng bus tapos biglang may pumunas na sa mga luha ko. Ang bango pa niya. Oh, bless, Gwen. Ang ganda mong babae ka. Awra ka na. Che! “Teka nga…” Hinawi ko siya. "Sino kaba?" Syempre dapat kunwari masungit ang dating ko ‘no. Baka isipin niya easily lang ako. Huy, kahit naman laking probinsya ako, marami din kayang nanliligaw sa akin, ‘no. Minsan pa nga may pumunta sa kubo sabi niya gagawin daw niya lahat ng sasabihin ko. Sabi ko naman gilitan niya leeg niya, ayon nauna pang namatay kay lolo na may apat na buhok sa ulo. Joke lang. Syempre mabait ako, ‘no. Pero sabi nila bobita daw ako. Hindi kaya, ‘no. Baka they not knowing may lahi akong Albert Einstein. ‘Wag ka, kilala ko siya ‘no. Sabi ni lolo pinsan niya daw ‘yan sa tuhod. “Nolan Delacruz." Sabi ng lalaki sa harapan ko. “Kunin mo ‘to." Ani niya habang ibinigay sa akin ang kaniyang panyo. Infainess, magandang lalaki naman pala itong katabi ko sa upuan. Kaya pala kanina habang umiiyak ako, hindi ako maka emot ng maayos. “Narinig ko ‘no!” ‘Wag ako. Masungit talaga ako sa strangers. " Bakit feeling closing ka, ha?" “Naawa kasi ako habang umiiyak ka eh. Tsaka hindi mo ba nakikita? Kanina pa nagrereklamo sayo ang lahat ng mga pasahero kasi ang ingay mo umiiyak.” "Bakit, maganda naman ako ah?" Ani ko sa kaniya. Tatayo sana ako para magdabog sa loob ng bus nang bigla akong nauntog sa bubong ng sasakyan. “Aray… ahhhhhhh…” " Ang clumsy mo naman. Upo kana lang kaya. Saan kaba pupunta? Tsaka bakit ang dami mong bagahe?" Paki-alamero talaga ang mga lalaki ‘no? Daming alam eh. Actuale, sinandya ko talagang magpauntog para magpapansin , ‘no. Tsaka clumsy raw ako, bobo ba siya? Kailan ba ako naging kabibi? Syempre alam ko ’yan ilang taon ba naman kayang mangingisda. Saan paba syempre sa dagat. Bobita ka rin, ‘no. Che! “Sa Maynila ako." Sabi ko. “Pupuntahan ko ang kompanya ng daddy." Aba matapos ba namang marinig ang sinabi ko, tinawanan ako. Anderistimiteng ka masyado kuya , ha. Baka sabihin nila sinungaling ako. “Tawang-tawa ka ah. Happy?" “No, not like that. You're so funny. What's your name, by the way?" Huwow naka English ba naman si kuya na may mabangong pabango. Pero hindi sya papasa sa standards ko ‘no. Wala kayang bukol sa pantalon niya. Siguro wala ring bukol kapag nag shorts siya. Che! “Gwen Marinduque." Akala siguro hindi ako nakakaintindi ng English. ‘Wag ako uy! Lolo ko sa tuhod si Albert Einstein. ‘Yan ang sabi ni lolo Ingie. “Panghe ng pangalan mo, Gwen. Palitan natin ‘yan." Aba, dinogstyle pa ang pangalan ko ah. Sobra na talaga itong lalaking ‘to. Huy, hindi porke’t magandang lalaki ka at mabango, pwede mo nang bastosin pangalan ko ‘no. Tsaka kailan pa naging tao ang PSA , ha? “ Gwen Clumsy Marinduque.” Tawang-tawa niyang sabi. " Sounds nice , isn't it?” Naks naman, ginawan pa ako ng bagong pangalan. Pero hindi nga ako kabibi eh. Che! Naging masarap ang kwentohan namin ni Nolan sa loob ng Bus. Nagkataon kasi na papunta rin siya ng Maynila at may tinatrabaho lang sa probinsya. Infairness, kung hindi lang siya puro English baka na-ikwento ko pa sa kaniya ‘yong napkin kong hindi ko napalitan ng halos isang linggo. Aba, baka sabihin hindi ako marunong sa English. Huy, hindi ba pwedeng tinatago ko lang kasi baka ma feature ako eh. Oh, diba English ‘yon. ‘Wag ako. Che! “Dito na ako, Ms. Clumsy Marinduque." Kunot naman ang noo ko sa kaniyang sinabi. “Hindi nga kasi ako kabibi eh!" Ani ko naman na nagpatawa sa kaniya. “Ang funny mo talaga. Oh s’ya ,kita nalang tayo sa susunod, Gwen.” Paalam niya at sumakay na sa isang itim na kotse. Huwow naman , ito pala ang Maynila ‘no? Ang daming mga sasakyan at masyadong croweled. ‘Yon bang matao. Naku, no judgement talaga sa English ko. May sarili kaming diary sa kubo eh. Tsaka magaling din kayang mag turo si lolo. Sabi pa nga niya huwag ko raw ikakahiya ang apilyedo namin kasi may lahi kaming Albert Einstein. Tapos dinogstyle lang ako ng Nolan na ‘yon. Makita ko lang talaga ‘yon muli sa daan , babalatan ko talaga siya ng buhay. He do not the right to sirain my apilyedo. Sabi na eh. Ayaw ko lang talaga ipalabas ang tinatago kong katalinohan. Baka nakawin eh. Sayang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD