Chapter 3

1345 Words
Makakain na nga lang at nagugutom na ako. Bwesit naman kasing mama' ‘yon kanina papakainin ba naman daw ako ng masarap niyang itlog. Naku talaga, panugirado naman na kulubot na ‘yon eh. Infainess, magaling sya mag English, ha, kaya lang kulang pa ng seminar galing kay master Gwen. Che! “Dinuguan po, magkano?" “Traynta ang serve, iha." “Naku, kamahal naman. Saan ba kayo kumukuha ng dugo, eh samantala sa probinsya tinatapon ko lang iyan sa damuhan." Mahal naman talaga paninda nila eh. Tsaka tatlong daan na nga lang ‘tong natirang pera ko. Sandali, parang may nakalimutan yata ako ah. “Huy! Huuuuuuuy! ‘Yong bus pakipara!" Sigaw ko sa sinasakyan kong bus na papalayo na. “Huuuy! Naiwan ‘yong bagahe ko sa loob!” Ayan napala sa kamalditahan mo Gwen. Minus ka talaga kay lolo Ingie mo kapag nalaman niya ang kalamyaan mo. Aba, parang kasalanan ko pa ah. Kung hindi sana ako pinaki-alaman ng Nolan na ‘yon, hindi sana mangyayari ‘to. Lo, bawal kang magalit sa akin ah. Kasalanan ‘yon ng lokong lalaking ‘yon. Kala mo naman may bukol sa hinaharap kung makalapit sa akin parang feeling closing. Pero lo, kung nakikita mo man ako ngayon, ‘wag kanang magalit. Mga panty at bra kong butas-butas lang naman ang laman nun eh. Oo nga pala ,’yong mga brief mo lo iniwan ko sa kubo, pero tinastas ko muna ang mga garter sayang baka magagamit ko eh. Che! Habang naglalakad ako at nag-iisip kung ano ang kakainin ko, may bigla ba namang bumangga sa akin. Balak yata akong patayin ng lokong ‘to ah. Bad moody pa naman ako baka masampulan ko ‘tong tarantadong ‘to. “Ano ba!" Syempre masakit balakang ko eh. Sisigaw talaga ako. “May balak ka yatang patayin ako, ‘no! Tarantado kaba, lumabas ka nga d’yan nanggigigil ako sayo. Labas!" Paki-alam nila kong magtatalak ako dito sa gitna ng kalsada, ha. Tsaka no me the blemeng ‘no. Hello, binangga kaya ako. “Lumabas ka d’yan sa sasakyan mo! ‘Tamo babatuhin ko talaga ‘yan!" Sigaw ko pa. Alangan naman mag galaw Maria Clara ako. Huy, For your ano, basta FYI ‘yon. FYI, hindi na uso ang Maria Clara kapag bad moody si Gwen ‘no. Aba infainess, may lumabas na lalaki sa loob ng puting kotse. Nakasuot ito ng sunglasses at naka tuxedo pa. Syempre alam ko tawag ng mga ‘yan. Minsan narin kaya akong inimbitahan sa isang kasalan. Tuwang-tuwa pa nga sila sa akin kasi ako ang nakasalo sa bulaklak na itinapon ng bride. Syempre, pati bulaklak nagagandahan kaya sa ‘kin. Che! “May balak kang sagasaan ako ‘no?!" Sigaw ko sa lalaki. “I’m in hurry, sorry." "Hurrying hurrying! Ano ba ‘yon?” "Nagmamadali kasi ako , miss , kaya hindi kita nakita.” " So, kasalanan ko pa ha? Hindi , tatawag nalang tayo ng pulis. Pulis! Pulis! Pulis!" “Okay , here. I'm sorry , okay. Huwag kanang gumawa ng iskandalo." “Sabi mo kasalanan ko eh." Syempre kunwari magpapa-awa effect tayo ‘no. “Hindi, okay. It's my fault. I'm sorry." Sabi ng lalaki. “Dadalhin nalang kita sa, ospital." “Ayaw ko!" Dabog ko. Syempre susuyuin dapat ang isang Gwen Marinduque. “Okay look, what do you want! I'll give it to you." "A-ano? Anong tuyo? Ako pa ang may tuyo, ha? Sisigaw talaga ako. Pulis! “Mr. Salazar, malalate napo kayo sa appointment ninyo.” Tawag naman nung isang babae sa loob ng sasakyan. “Just give me more minute, Ms. Cassie." Sagot naman niya sa babae. “Okay look, nandito tayo sa gitna ng kalsada at tumawid ka habang naka go signal. Obviously hindi ko kasalanan ‘yon." “Pero binangga mo parin, ako!” " Ano bang gusto mo, pwede? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh.” Lumingon-lingon ako sa paligid at pinagtitinginan na nga kami ng mga tao. Naka busina rin ang ibang mga sasakyan kasi nga nasa gitna kami eh. Teka nga, ano bang pakialam nila ha. Sila nalang kaya ‘yong banggain ko ‘no? Ang kapal ng mga libag. Che! “Hindi ako makatayo eh. Napilay yata ako." Sagot ko. Agad naman niya akong tinulungan makabangon. Infainess ang bango niya rin ‘no. Ganito ba talaga sa Maynila ang babango ng mga tao. Samantalang doon sa amin, paasiman ng kili-kili ang sports doon eh. Isinakay niya ako sa kaniyang puting kotse at deretsang nagmaneho. Dalawa lang sila ng babaeng tinawag niyang Cassie sa loob. Hindi ko rin alam kung saan kami patungo. Basta sabi niya hurrying daw, baka may hiphip hooray silang laro mamaya. Sasama nalang ako at makikilaro. Naku, kung hindi mo natanong champion ako niyan sa baryo namin eh. Sabi pa nga ni lolo pwede na raw ako sa Olympics. Ano ba ‘yon? Ah basta talented din kaya ako ‘no. Teka, bakit papasok kami ngayon sa isang malaking mansyon? Tsaka may gwardiya pa ha. Infainess, baka ganito ang ospital nila rito sa Maynila. Sa probinsya kasi hihilutin kalang ‘pag may sakit ka eh. Minsan pa mga no’ng nilagnat ako, aba hinilot ba naman ako. Tas no’ng hinika, hinilot din, Oo. Hanep talaga ang probinsya namin ‘no. Tsaka si lolo, naku magaling na manghihilot ‘yon. May hinilot nga siya eh, napilay raw kakalaro. Alam mo ano nangyayari nang mahilot ni lolo? Ayon na lumpo. Che! “Good noon, sir Ken!" Bati ng mga gwardiya. Kakaiba rin kasi may isang panot at may isang kalbo. Bakit kaya hindi nalang sila mag uniforming the badlness. Kalbo kaya si lolo na may apat na buhok sa ulo kaya alam ko badlness ang English nun. Nang makapasok na kami ay nakita ko ang lawak ng espasyo sa loob. Sobrang ganda rin ng harden at makikita mo rin na ina-alagaan ito ng maayos. Pumarada kami at unang lumabas si sir Ken. Sumunod naman ‘yong Cassie habang naiwan naman ako sa loob. Syempre magpapa-iwan kasi dapat tretening nila ako ng maayos. FYI again, nabangga nila ako ‘no. Hello! “Ma'am, baba napo kayo." Biglang sabi sa akin ng isang matandang babae. Echochira din ‘tong matandang gurang na ‘to ‘no. Bakit, who you kaba, ha? Tawagin mo nalang kaya ang sir Ken mo, pwede. Che! “Oo na bababa na po." Sabi ko naman habang dahan-dahang bumaba ng kotse. “Nasaan nga po ba ‘yong sir Ken? ‘Yon bang nagmamaneho kanina?" “Pumasok sa loob, iha. May business trip ‘yon at nagmamadali sa kaniyang mga papiles. Pasok na muna tayo." “Teka nga, bakit hindi siya ang umaasekaso sa akin? Diba nga dapat tretening me ng maayos? Nabunggo kaya niya ako at masakit ang balakang ko." Bulyaw ko sa matanda. " Sabi po ni sir ako nalang daw ang umasikaso sa’yo, iha.” Sabi pa niya. Aba, iba din trip nitong matandang ‘to eh ‘no. Tsaka ayaw ko sa kaniya kasi kulubot din ang kaniyang mukha. Siguro kong kasama ko si lolo Ingie ngayon, naku at pwede talaga silang ipares. “Naku paano ba ‘yan e hindi ako makalakad. Masakit balakang ko eh.” Syempre mas masarap padin alalayan nung sir Ken, ‘no. Mabango kaya at matangos pa ang ilong. Maputi rin tsaka tsinito ha. Infainess pasado siya sa standards ko, kaya lang hindi ko pa nakita ang bukol niya sa short. Che! “Pwede ko naman po kayong paalalayan sa mga guard, iha." Ani niya. “Mang Kaloy, pakitulong naman po dito!" Pagtingin ko sa papalapit na gwardiya naku mukhang pinaglumaan ng panahon ang mukha. Sandali, kapampangan yata ina nito at taga Benguet ang ama, kaya ang anak kapampanget ang itsura. “Ah-eh okay naman po ako…” " Aling Lordes." Sabi niya. “O-okay naman po ako aling Lordes. Kung pwede paalisin n’yo na po si mama’ng gurang, esti gwardiya?” Tawang-tawa naman si aling Lordes sa akin. Aba , ginawa pa yata akong katatawanan ah. Minus ka talaga sa akin , ‘tamo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD