CHAPTER 10 RARA POV Matapos ang masinsinang usapan namin ni Bakikong, inaya niya akong pumasok ulit sa area ng pagmamasa. Nakausap ko na siya kanina tungkol sa trabaho, pero ngayon tila excited siyang ipakita ang lahat ng pasilidad ng bakery niya. Habang papalapit kami sa isang malaking lamesa na puno ng harina, tumigil siya at ngumiti. “Rara,” sabi niya, tumuturo sa malaking espasyo, “dito ginagawa ang lahat ng magic. Ang tawag namin dito ay SALSAL.” Napakurap ako sa sinabi niya. Tumitig ako sa kanya, sinusubukan intindihin kung seryoso ba siya o nagpapatawa lang. Nang mapagtanto kong seryoso nga siya, hindi ko napigilan ang paghalakhak. Tumawa ako nang malakas habang napapahawak sa tiyan ko. “Ano ka ba, Bakikong?” sabay turo sa kanya, “SALSAL? Ang pangit ng tawag! Parang... magjajak

