bc

The Doctor's Maid. (MATURE CONTENT)SPG!

book_age18+
448
FOLLOW
5.9K
READ
HE
heir/heiress
drama
love at the first sight
assistant
like
intro-logo
Blurb

Nangarap na mahalin din siya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Nangarap na mapabilang sa pangalawang pamilya ng kanyang ama. Lumaki si Yvonne na ang tanging kasa-kasama ay ang kanyang Lola Loling.Ngunit ng mamatay ang Lola niya ay napilitan siyang tumira sa amang malayo ang loob sa kanya.Lumaki siya na nagungulila sa pagmamahal ng isang Ina.Kaya naman ng muling mag asawa ang kanyang ama ay sobrang naging masaya siya sa pag aakala na sa katauhan ng kanyang madrasta ay mapupunan ang kanyang pangungulila sa inang umiwan sa kanya. Ngunit nagkamali siya. Dahil inalila at ginawang katulong lang siya ng kaniyang madrasta.Higit sa lahat ay naging bugbog sarado sya sa amang ang tingin sa kanya ay isang malas at salot sa buhay nito.Halos mamalimos sya ng pagmamahal sa pangalawang pamilya ng kanyang ama. Kaya naman ng makilala niya si Daniel ay labis-labis niyang ipinagpasalamat dahil sa katauhan nito ay nakahanap siya ng kakampi at masasandalan. Magkaiba man ang istado nila sa buhay ay hindi yun naging hadlang sa mabuting samahan at pagkakaibigan nila ni Daniel. Hanggang sa kapwa nahulog ang loob nila sa isa't isa. Dala ng labis na pagmamahal ng dalaga sa binata,lahat ay binigay niya dito. Maging ang iniingatan niyang p********e ay binigay din niya. Kaya naman ang minsan nilang pagniniig ay nag bunga. Ngunit parang naglahong bola ang binata ng mabuntis siya nito.Bigla na lang itong nawala.At nang malaman ng kanyang pamilya ang pagdadalang-tao niya ay pinalayas siya ng kanyang madrasta. Halos gumuho ang mundo niya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta,kung sino ang malalapitan niya. Durog na durog siya ng iwanan siya ng lalaking sa pag aakala niya ay bubuo ng mga pangarap niya.Ang ku-kumpleto sa mga kakulangan sa puso niya pero hindi pala.Pinilit niyang maging matapang at matatag alang-alang sa anak na dinadala.One year later, muling magtatagpo ang kanilang landas ng lalaking umiwan sa kanya. Ang lalaking dumurog sa puso niya. Pero paano kung sa pagbabalik nito kasabay naman noon ay ang pagkuha nito sa kanyang anak. Kaya ba niyang ipaglaban ang pagiging ina niya or tamang magpapaubaya na lang ba siya alang-alang sa buhay ng kanyang minamahal na anak.

chap-preview
Free preview
PANIMULA
Yvonne ) "Kahit kailan talaga!Wala kang kwenta!Pag aalaga na nga lang ng bata ang gagawin mo ay di mo pa magawa ng maayos!" "S-sorry po tita." Halos manginig ang aking mga kamay sa takot. Habang pinagmamasdan ko ang nakababata kong kapatid na si Junior na nahulog sa aming hagdanang yari sa kawayan.Putok at puno ng dugo ang noo nito dala ng pagkahulog . Naka lingatan ko ang pag babantay dito dala ng subrang antok ay naka idlip ako ng di ko na mamalayan. Kung nanginginig ako sa takot kay Tita Marisol,alam kung hindi pa natatapos sa nakakarinding bunganga nito ang aabutin ko. Alam kung may ma's malala pang kapalit iyon kapag dumating na si Itay . "Walang magagawa yang sorry mo,gaga!Tingnan mo ang ginawa mo sa anak ko!" "T-tita hindi ko po sinasadya.Aksidente po ang nangyari kay Junior." Pagpupumilit na katwiran ko. Hindi ko gusto na mahulog si junior. Kapatid ko siya. At mahal ko.Kahit na puro pang -aapi at pananakit ang inaabot ko kay Tita Marisol ni minsan ay di ko na isip na si Junior ang gantihan ko sa mga kalupitang ginagawa sa akin ng kanyang ina at ng sarili naming ama. "Kahit ano pang sabihin mong istupida ka,malilintikan ka pag dating ng yung ama!" Ani Tita Marisol at galit na galit ang matang nakatingin sa akin.Saka malakas na ibinato sa akin ang hawak-hawak nitong bote ng betadine. Sapol na tumama iyon sa mukha ko. Wala akong nagawa kundi ang tahimik na umiyak. "Anung nangyayari dito?!" Sunod- sunod na paglunok ang ginawa ko ng marinig ko ang boses ng bagong dating. Halos pag pawisan ako ng malapot dala ng sobra takot. "Buti at dumating kana. Yang magaling mong anak, Delfin. Tingnan mo ang ginawa kay Junior!." Pagsusumbong ni tita Marisol kay Tatay. Na lasing na naman. At saka itinuro ako at matalim akong tiningnan. Nanlalaki ang matang napatingin sa akin si Tatay matapos nitong makita ang kapatid kong si Junior.Puno pa rin ng dugo ang ulo ng aking nakababatang kapatid . Inilang hakbang lang nito ang pagitan naming dalawa at marahas akong hinawakan sa aking braso. "Anung ginawa mo sa anak ko ah?!" Tanong nito sa akin na umaapoy ang mata sa galit.Dala ng aking sobrang takot ay di ko na makuhang sumagot dito. "Sumagot kang punyeta ka!Anung ginawa mo sa anak ko ah!"Galit nitong tanong sa akin na para bang si Junior lang ang anak niya. Ni hindi man lang nito inaalala kung nasasaktan man lang ba ako sa higpit ng ginagawa niya sa paghawak sa mga braso ko. "T-tay,aksidente po ang nangyari-" Di ko pa man natatapos ang aking sasabihin ay dalawang malalakas na mag-asawang sampal ang inabot ko kay Tatay.Kasunod noon ay ang pag tadyak niya sa aking tagiliran. Sa lakas nang pagkaka tadyak sa akin ay napalugmok pa ako sa sahig na kawayan ng aming bahay. Halos mamilipit ako sa sakit. Ngunit mas wala ng sasakit pa kung sarili mong ama ang gumagawa ng pambubog na nararanasan mo sa araw-araw.Impit na napaluha na lang ako. Bakit ganito na lang kung tratuhin ako ng sarili kong ama. Bakit galit na galit siya sa akin. Anu bang nagawa ko?Bakit ang lupit- lupit sa akin ni tatay.Kasalanan ko ba na ipinanganak ako sa mundong ito?Di ko hiniling na isilang ako sa mundong ito kung puro kalupitan lang ang mararanasan ko. At ang masakit ay sa sariling ama ko pa. "T-tay,t-tama na po.D-di ko sinasadya ang....ang nangyari. "Wala ka ng ginawang maganda sa buhay ko, kundi puro kamalasan na lang,punyeta ka! Manang mana ka talaga sa walang kwenta mong ina!" ani tatay at muli ay malakas akong itinulak sa mahabang upuang gawa sa kawayan. Tumama ang aking kanang braso sa pinakang kantuhan nito. Impit akong napaiyak na lang dala ng sakit na nararamdaman. "Bwiset ka!Kapag naulit pa itong kapabayaan mo.Hindi lang yan ang aabutin mo sa aking babae ka!" Muli ay si Tatay na nanlilisik ang matang nakatingin sa akin. Ni wala akong maaninag sa mukha ni Tatay na pagkahabag at pag kaawa man lang sa akin.Kundi nag aapoy na galit iyon ang nakikita ko sa mata niya. Habang si Tita Marisol naman ay nakataas ang kilay at nakangising pinag mamasdan ang pag- iyak ko. Tila ba sinasabi ng pag ngisi nito na wala akong puwang at lugar sa pamilyang ito. Na minsan ay di ko naman talaga naramdaman sa mga ito. Parang katulong,iyon ang turing ng mga ito sa akin. Maging ang sarili kong ama ay ganoon din. Pang-aapi at pananakit iyon ang madalas maranasan ko dito sa loob ng aming pamamahay. Luhaan akong naka tungo sa upuang kawayan at tahimik na ini inda ang sakit ng aking katawan dahil sa pananakit na iyon ni Tatay. Maraming katanungan sa aking isipan.Na walang makuhang kasagutan Mula pag ka bata ay di ko naramdaman ay pag mamahal sa akin ni Tatay.Kundi galit at tila pag kamuhi ang nararamdaman nito sa akin sa di ko malamang dahilan.Napa hagulhol ako ng maalala ko ang aking ina. Bakit kailangan niya akong iwan sa malupit kong ama?Bakit di niya ako binalikan. Sa murang edad ko ay until unti akong nag tanim ng sama ng loob at ng galit sa aking ina. Hindi ko mararanasan ang ganitong pag mamalupit ng sarili kong ama. Kung hindi niya ako iniwan. At kung pinili lang niya sana kaming pamilya niya baka sakaling hindi ganito ang pag trato sa akin ni Tatay. Pinalis ko ang luhang nasa mata ko. At saka tumayo mula sa pag kakalugmok. Isa lang ang sinisigurado ko. Hinding hindi ko ipaparanas sa mga magiging anak ko ang nararanasan ko ngayon sa sariling pamilya ko. At mas lalong hindi ko gagayahin ang ginawa ng aking Ina. Ang iwanan ang sariling anak para lang sa sarili nitong kapakanan at kaligayahan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook