Imbes na matutulog na lang ako ay talaga naman sinundan pa ako ng bruhang Agatha na 'to dito sa bahay kubo. Yamot akong bumangon at hinarap si Agatha. "Ano bang ginagawa-" hindi pa ako tapos sa sasabihin ko ng mabilis na dumapo sa aking mukha ang kamay nito. "Malandi kang babae ka!Balak mo pang agawin sa akin si Daniel!" ano nito na nanlilisik ang mata at dinuro duro ako. Nahimas ko ang aking mukha na sinampal nito. Masakit iyon. At kahit hindi ko man nakikita ay alam ko na namumula na ang aking mukha dala ng pag sampal nito. galit akong bumaling kay Agatha. "Ano bang pinag sasabi mo?" "Wag ka ng mag maang-maangan pa!Sabihin mo sa akin,bakit mag kasama kayo ni Daniel?" pagak akong natawa. Sa hitsura kasi nito ay para itong batang inagawan ng candy. "Bakit, kailangan ba dapat s

