Pag karating namin sa bahay ay agad ko ng sinimulan ang pag lilinis.Hindi naman ito ang unang pag lilinis na ginawa ko dito sa bahay bakasyunan nina mam Elise. Nalinisan ko na din ito noon. Kinuha ko ang walis tambo. At inihanda ang mop na gagamitin sa aking pag pupunas sa sahig. Inuna ko ang sala. Winalisan ko iyon,kahit na malinis pa naman. At saka pinasadahan ko ng mop. Nakailang pag papadaan din ang ginawa ko sa mop. At sinigurado ko na ang bawat sulok ay aking na lampaso din. Nang matapos ko ang sala ay isinunod ko naman ang dalawang kwarto na ibinilin pa sa akin ni mam Elise kanina na linisan ko din daw. Inuna ko ang medyo may kalakihan na kwarto sa bandang kanan .Kahit na nakapag linis na ako dito noon ay ito ang unang pag kakataon na papasok ako dito sa kwartong ito.Na sa tingin

