Tila na magneto ako at hindi ko na maalis pa ang tingin sa lalaking nakatayo sa may pinto. Kasabay noon ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan habang nakatingin sa kanya.Tatlong beses akong napalunok. Pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko.
''H-hindi na po.K--kaya ko na po ito."
Utal kong sagot sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kaba sa tuwing nakikita ko sya. Tipid siyang ngumiti sa'kin.Na mas lalo pang ikinabilis nang pagtibok ng puso ko. Mas lalo pa kasi siyang naging gwapo sa ngiting iyon. Lumakad siya palapit sa paminggalan na katabi ko at kumuha ng baso.Tila nahigit palabas ang hininga ko ng dumikit ang mainit niyang balat sa balat ko
''Sigurado ka ba na kaya mo?Ang laki kasi ng mga hinuhugasan mo."
Tanong nito habang kumukuha na ng tubig sa water dispenser.Nahihiya akong ngumiti sa kanya.At ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
''Okay lang po. Sanay na naman po ako."
Ani ko at akmang ilalagay sa lababo ang may kalakihan at kabigatan kawali.Sa laki noon sa tingin ko ay mahihirapan ako na sa lababo linisin iyon.
"I will put it for you. "
Sa matatas na English ay sabi nito sa'kin at mabilis na kinuha sa mga kamay ko ang kawali at walang kahirap-hirap na inilagay iyon sa lababo.Bigla akong nahiya sa ginawa niya.Sa puti at gwapo niya ay hindi bagay sa kanya ang magbuhat ng may kaulingan na kawali.
''Here.Hindi kana mahihirapan."
nakangiting wika niya sa akin ng mailapat sa lababo ang kawali.''S-salamat po."atubili at nahihiya kong sagot sa kanya. Panandalian niya akong tinitigan at muling ngumiti sa'kin. Ewan ko pero sa bawat pag ngiti na ginagawa niya saakin ay sobra-sobrang kaba ang nadarama ko. Parang may nagkakarerang kabayo sa loob ng dibdib ko.
''How old are you?"
tanong niya sa akin. ''Dese--"
''Dok,naririto ka lang pala."
Naputol ang sasabihin ko ng mula sa pintuan ay bigla sumulpot ang anak ni ma'am Elise na si kuya Henry.
''Oh yes. I just got some water. " sagot ng lalaking pogi na tinawag ni kuya Henry na 'Dok.'
Sabay taas sa baso na may laman nang tubig. Doktor siya? Tanong ko sa aking sarili. Marahil ay oo. Dahil isa siya sa mga bisita ni ma'am Elise na sa pagkakaalam ko ay may gagawin medical mission bukas sa school.
''Kanina kapa nila hinahanap. Naririto ka lang pala. Hi Yvonne, kumusta na?"
nakangiting bati naman sa akin ni kuya Henry.Nang gumawi ang tingin nito saakin.Tumingin ako kay kuya Henry at tipid itong nginitian.''Ayus lang po kuya Henry. "
''Pagkatapos mo diyan. Kumain ka a,wag mahihiya."nakangiting wika pa ni kuya Henry sa akin. Tipid na lang akong tumango at ipinagpatuloy ang ginagawa. Samantalang lumabas na ng kusina si kuya Henry at ang gwapong lalaking tumulong sa kin.Ilang sandali pa ay natapos ko ang aking ginagawa at nagpahinga sa isang monoblock . "Nasaan kaya si Junior?" Bigla ay naalala ko ang aking kapatid.Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at lumabas upang hanapin si Junior. Nasa may pintuan pa lamang ako ng marinig ko ang mumunting tinig ng aking kapatid. Tumatawa iyon. Natigil ang paglapit ko kay Junior ng makita ko na kalong iyon nung gwapong lalaki na tumulong sa akin kanina. Ewan ko pero awtomatiko na lang ako napangiti ng makita ko ang ginagawa niyang pakikipaglaro sa aking kapatid. Sa tuwing ngumingiti ito ay mas lalo lang guma-gwapo siya sa aking paningin. Lalo pa nga at sa bawat pagngiti niya ay lumalabas ang maputi at mga pantay nitong ngipin. Napatuwid ako sa pagkakatayo ng mapunta ang kanyang tingin sa akin. Nagtama ang aming tingin sa isat-isa. Na halos magpakabog na naman ng sobra sa dibdib ko. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa aking sarili. Sa tuwing titingnan or ang ngitian niya ako ay nagdadala at binabalot ako ng sobrang kaba. Napalunok ako ng kagatin niya ang sariling pang-ibabang labi.Tila may magneto na nag-uuganay sa'ming dalawa para hindi maputol ang tingin namin sa isat-isa.
''O Yvonne,tapos kana ba?"Muli ay bumalik ako sa h'wisyo nang marinig ko si aling Elise na nasa aking likuran na pala.
"A..O-opo ma'am. Katunayan po ay mag-papaalam na po kami ni Junior."
Ani ko at saka nilapitan si Junior na nanatiling hawak ni Dok. Mula sa pagkakaupo ay tumayo si Dok upang ibigay na sa akin si Junior. ''S-salamat po."nasabi ko rito na hindi tumitingin at inabot sa mga kamay nito si Junior. Nagulat pa ako ng aksidente niyang mahawakan ang mga kamay ko. Tila may bolta-boltaheng kuryente ang gumapang sa buong katawan ko nang maramdaman ang mainit nitong palad. ''Take care."mahina ngunit sapat na upang aking marinig iyon.Ayaw ko na sana pa itong tapunan ng tingin dahil natatakot akong baka marinig nito ang malakas na t***k ng aking puso.Ngunit ayaw naman papigil ng sarili ko.''Salamat po."ani ko at mabilis na iniiwas ang tingin kay Dok.
''Yvonne, bago ka umalis puntahan mo si mama sa kusina."Singit ni kuya Henry na ewan ko kung bakit ba nakangisi.
''Sige po kuya Henry.Mauna na po ako."Paalam ko na. At mabilis na tumalikod sa mga ito. Para akong aatakihin sa sobrang kaba. Lalo pa sa tuwing titigan ako ni Dok.Ngayon lang ako naging ganito. Ewan,parang hinahalukay ang tiyan ko na hindi ko maintindihan sa tuwing titigan niya ako.
''Pinagbalot kita ng makakain mo."
Ani ma'am Elise na iniabot sa akin ang isang supot na naglalaman ng pagkain.
''Salamat po dito ma'am Elise.Pa'no po, uuwi na po kami ni Junior."
''Sya sige. Ay teka..Ito nga pala,salamat sa pagtulong mo ngayon sa'kin.Sa uulitin,Yvonne. "
Ani nito at iniabot sa akin ang limang tig-iisang daan na pisong papel.
''Ang laki naman po nito ma'am."
Nahihiya kong turan.Paghuhugas lang naman ng mga pinaglutuan at pinagkainan ng mga bisita ang ginawa ko. Saka nagligpit lang din ng kaunting kalat sa kusina.
"Naku maliit lang yan.Alam kong napagod ka sa paghuhugas. Nasabi sa akin ni dok Daniel na nahirapan ka doon sa mga malalaki na kawali."
Daniel pala ang pangalan niya. Pagkausap ko sa isip ko.Matapos maibigay ni ma'am Elise ang pera ay nagpaalam na rin ako. Sa likod bahay na ng mga ito ako dumaan.Ilang minuto ang lumipas at pagod na narating ko ang bahay. Habang si Junior naman ay nakatulog na sa balikat ko. Palubog na ang haring araw kaya naman ay may kadiliman na. Ngunit hindi hadlang iyon upang hindi ko makilala ang nagmamadaling si mang Gabo na papalabas ng aming tarangkahan. Kasunod nito si tita Marisol na tila masaya at nakangiti. Kunot noo ako habang pinagmamasdan ang dalawa. May kung ilang beses ko na rin nakikita si mang Gabo rito sa amin kapag wala si Itay. Ayaw ko naman mag-usisa kay tita Marisol. As if naman ay sasabihin noon sa''kin kung bakit nagpunta na naman si mang Gabo sa bahay. Baka pag-initan lang ako ni tita Marisol kapag nagtanong pa ako. Malalim akong napabuntong hininga at lumakad palapit ng bahay. Tila nagulat pa si tita Marisol ng makita ako.
''Saan ka na naman galing na babae ka?At talagang sinama mo pa ang anak ko sa pagbo-bolakbol mo a,"
Tanong nito sa akin at nameywang. Kung kanina ay malaki ang pagkakangiti nito,ngayon naman ay kabaligtaran. Parang sasabog na bulkan ito na anumang uras ay sasabog. Napalunok ako saka dinukot ang perang aking kinita. Mabuti na laang at tig-iisang daanin iyon.Alam ko na tatanungin at paghahanapan niya ako ng aking kinita. Kaya sa daan palang ay aking tinago na ang dalawang daang piso.
''Nag sideline po ako kay ma'am Elise,tita."ani ko habang iniabot ang pera rito. Lihim akong napailing ng pahablot nito na kinuha sa akin ang pera. Binilang pa nito iyon sa aking harapan.
''Bakit ito lang?Hoy,Yvonne!ako ba ay pinagloloko mo?Baka kumupit ka na naman. Naku!sinasabi ko sayo, malilintikan ka sa'kin na babae ka!"
Kinabahan ako sa sinabi ni tita Marisol. Ngunit hindi ako nagpahalata. Kahit kapkapan niya ako,sigurado ko naman na hindi niya makikita ang perang kinuha ko. Buti na lang at malalim ang bulsa ng panty na aking nabili kay Agnes.
''Tita maliit lamang po kasi ang kinita ko ngayon. H-hindi po kasi ako masyadong nakagawa kina ma'am Elise, kanina. Dahil bantay ko po si Junior."
Kinakabahan man ay iyon na lang ang idinahilan ko. At mukha naman naniwala ang madrasta kong mukhang pera.
''Ay ganoon ba. O sya, dalhin mo na yang si Junior sa loob. At maglinis ka sa kusina. Madaming kalat."
Wika nito at tinalikuran na ako. Pagod kong hiniga sa katre si Junior. Tulog na tulog parin ito. Nahaplos ko ang pisngi ng aking kapatid. Kahit na hindi maganda ang trato sakin ni tita Marisol ay mahal na mahal ko si Junior.Siya na lang ang tanging pamilya at lakas ko dito sa pamamahay na ito.
Matapos sa paglilinis ng mga kalat ng bahay ay binalikan ko si Junior mahimbing parin natutulog ito.
Habang nakahiga ay naisip ko ang aking ina. Nasaan na kaya ito?Naalala man lang kaya niya ako?Bakit iniwan niya ako?Bakit hinayaan niya akong magdusa sa poder ni tatay?Maraming katanungan sa isipan ko. Ngunit ni isa ay wala akong mahagilap na sagot.
''Bakit may mga inang kagaya mo, Nay?Nakakayang iwan ang sariling anak!"
Muli ay sumikdo ang poot at galit sa puso ko para sa taong umiwan sa'kin.