Chapter One
Jezer
Narinig kong may tumawag sa pangalan ko, sigurado ako na si Bryan ito, isa s amga kaibigan ko. And no, she's not a guy. Panlalaki lang talaga ng binigay na pangalan sa kaniya ng mga magulang niya. Minsan ay nagtataka ako sa mga magulang na ganun, alam naman nilang babae ang anak nila, pangangalanan nila ng panlalaki. Pero pangalan niya lang naman ang parang lalaki, sa katunayan nga ay babaeng-bae ang galaw niya at pananamit niya.
"Jezer! Jezer!" She keep screaming my name like we haven't seen each for a decade.
Normal naman sa akin ang pagsisigaw nila sa hallways, hindi naman first time na nangyari 'to. Aaminin ko na maingay rin ako, pero hindi kasing ingay ni Bryan, akala ko naman isang dekada kaming hindi nagkita.
Luminga-linga ako para hanapin siya ng mata ko, nakita ko itong tumatakbo papunta sa akin, tinutulak ang mga nakaharang sa daraanan niya at kumakaway na parang baliw.
Her long and wavy brown hair are bouncing as she made her way towards me. Kulay tsokolate ang mga mata niyang singkit, pero mahaba ang pilikmata. Normal lang ang shape ng ilong niya, hindi matangos pero hindi rin naman pango. Just normal. Ang labi niya naman ay manipis, medyo may pagkabilog ang hugis ng ulo na salungat sa katawan niya. She's too skinny, but still looks hot. Oh! And she also loves wearing different kinds of dresses.
Nang makalapit siya sa akin ay mahigpit niya akong niyakap at tumalon-talon pa. Dinadamay pa talaga ako sa kabaliwan niya, nako! Pero masyado na akong sanay sa ganitong scene para mahiya pa ako.
"Guess what happened, Jezer? Oh my goodness, kahit ako nga hindi makapaniwala!" She held my both hands while smiling widely.
"Ahm... you—"
"This Christopher guy asked me out on a date. Of course, who I am to decline? He's like handsome para tanggihan ko, and guess what?"
"Nag—"
"Dinala niya ako sa isang magandang restaurant, at hulaan mo kung anong sinabi niya nang ihatid niya 'ko sa bahay!"
"He—"
"He asked me out on another date—"
Binatukan ko siya dahil sa inis. Lintek naman kasi ay pinapahula sa akin kung anong nangyari sa kanila ng Chris, Christian or whatever the guy name is, eh siya rin naman ang sumasagot sa mga pinapahula niya sa akin.
"Bakit ba nananakit ka?" Inayos niya ang nagulo niyang buhok.
"Baliw ka kasi!" I exclaimed, raising my hands in the air.
"Wow, hiyang-hiya naman ako sayo. Mas malala ka pa nga sa'kin eh." Ginantihan niya ako't binatukan din sa ulo. Napanguso ako sa kaniya at tinalikuran siya upang ipakita na nagtatampo ako.
Wala rin naman akong pakialam sa love life niya, wala akong pakialam sa mga love-love na 'yan. Ang dapat na inaatupag ko ay ang pag-aaral at ang pamilya ko.
Hinabol niya ako at sinabayan sa paglalakad ngunit binaliwala ko lang siya, baka mamaya n'yan ay magulat na lang ako na nasa mukha niya na ng kamao ko. Badgirl ako, gusto ko 'yong paniwalaan kasi gusto ko maging cool, pero nakakapagtaka kung bakit sinasabi nila ay napakabait ko raw. That doesn't make sense to me.
"Jezer!" Another girl yelled my name, she waved her notebook in the air while approaching me. Isa siya sa mga classmate ko, nakalimutan ko ang pangalan niya pero sa tingin ko ay isa siya sa mga mababait kong classmate. Halos lahat naman ng classmates ko ay mabait sa akin.
"Hello!" I greeted happily.
"Can you help me with my assignment? Bukas na isa-submit eh, thank you!" She handed me her notebook then took off. I stared at the notebook in my hand while grimacing in dislike.
Bakit ako pinapagawa niya ng assignment niya? Dahil siguro alam niya na matalino ako. Kahit na ayoko ay gagawin ko na lang para sa kaniya, nas akamay ko na, ano pang magagawa ko?
"Girl, what the heck? They are taking advantage of you! Hindi mo ba napapansin 'yon?" Umiling si Bryan at kinuha mula sa akin ang notebook ng babae. "I'll take this."
"Ikaw na lang gagawa ng assignments niya? Yey! Thank you, Bryan. Ang bait mo!" I cheered, clapping my hands in gratefulness.
She stared at me in disbelief, she shook her head then threw the notebook in a bmnearby trash bin.
"Bryan! Ang sama mo!" Tumakbo ako papunta sa basurahan saka pinulot ang notebook, pinagpagan ko ang alikabok na dumikit dito at tinignan ng masama si Bryan. "You're so bad, no wonder ayaw sayo ng mga classmates natin."
"And you said I'm crazy but look at you." She sighed, shaking her head lightly. "I'll leave you for a bit and go find the others, try not to make a fool of yourself... Again."
Tinago ko ang notebook sa backpack ko, baka may dumating pa sa isa sa mga kaibigan ko at itapon ulit ito sa basurahan. Hindi ko maintindihan kung bakit ang hilig nilang gawin iyon at kung bakit parang naiinis sila kapag tintutulungan ko ang mga classmate namin sa paggawa ng assignments nila.
Nakapag-isip-isip din ako. Baka gusto lang nila akong tulungan na matupad ang pangarap kong maging badgirl. Hindi naman siguro ako ganoon kabait, 'diba? Do I need to get more bad?
Tumakbo ako papunta sa cafeteria para bumili ng saging. Bumalik ako sa main entrance ng building habang binabalatan ang saging. Kinain ko ito at pasimpleng nilagay sa sahig ang balat.
May mga nakakita sa aking estudyante, binaliwala lang ako ng iba ngunit may isang huminto at nagtatakang tumingin sa banana peel.
"Jezer, anong ginagawa mo?" Takang tanong niya.
"I need to be bad, gusto ko kasing maging bad girl eh." Ngiting sabi ko, tumabi ako sa daanan at naghintay na may makatapak dito at madulas.
That student burst into laughter, holding his stomach and his mouth wide open. Umiling-iling ito habang nagpapatuloy na pumasok. Binaliwala ko na lang ang kabaliwan nito at matiyagang naghintay.
Ilang minuto rin akong naghintay pero nakikita rin nila agad ang banana peel at iniiwasan ito. Ang daya!
I lowered my head in failure, I walked away with a sad smile on my face until I heard a loud gasp from behind me and a loud thud. Nagliwanag ang mga mata ko at bumalik kung saan ko iniwan ang balat ng saging. Nakita ko na pinagkakaguluhan ng tao ang lalaking nakaupo sa sahig at naka-hoodie.
Nakaramdam ako ng awa para sa lalaki. Dapat hindi ko nalang ginawa iyon, mukhang masakit pala. Nakakaawa si kuya.
I'm sorry, Lord. Hindi ko na uulitin!
"Kuya!" Nilapitan ko si kuya at lumuhod sa tabi nito.
"f**k!" He grunted, trying his best to stand up only to fail. I tried to give him a hand but he just pushed me away and I fell on my butt. "Get the f**k away from me, b***h!"
I caressed my butt cheek with a frown. "Walang beach dito, kuya. Nasa school tayo, wala sa beach. Bulag ka ba?" Lumapit ulit ako sa kaniya, hinila ko pababa ang hoodie niya. "Patingin nga ng mukha mo, baka may sugat ka. Sorry talaga!"
"I said get the hell away from me!" He hissed, standing up with a grunt. Sinuot niya ulit ang hoodie, hindi ko makita ang mga mata niya pero pakiramdam ko ay masama ang tingin niya sa akin.
Tatayo na rin sana ako, pero may naapakan akong madulas na bagay at bumalik lang ulit sa sahig. Unang bumagsak ang pwet at sumunod ay ang likod at ulo ko sa matigas na sahig. Naiyak nalang ako dahil sa sakit.
"Aray, Mommy, ang sakit!" I cried loudly. "Kasalanan mo 'to, kuya!" Tinuro ko ang lalaking nakasuot ng black na hoodie, dahil nasa baba ako ay naaninag ko ang mukha niya.
My jaw almost dropped because of how handsome he is. Ang gwapo niya hindi tulad ng ine-expect ko, akala ko ay may balbas at bigote ito dahil napansin ko kanina na malaki ang braso niya kahit na naka-jacket pa siya. Hindi malaki sa fats kundi malaki sa muscles. Ganoon naman kadalasan ang may malalaking katawan 'diba? May mustache and beard.
But this guy is an exception. He got this thick eyebrows that's naturally in good shape, some curl from his hair sticked out on his forehead that made him look cute. But his features contradicts the cuteness of his curls. He got this beautiful dark brown eyes that's glistening as he stared down at me, his nose are proud and too pointed for a filipino, his thin lips are pinkish and not pale. He has a pretty pale skin, his cheekbones too visible and his jawline too defined. Matangkad din siya, while I'm a shorty.
"Okay ka lang ba, Jezer?" My tumulong sa aking dalawang lalaki na makatayo.
Umiling ako habang pinupunasan ang luha ko. "Hindi ako okay, sino ba kasing naglagay ng balat ng sahing sa sahig?" Mahina akong humikbi habang nakanguso.
Nagtinginan ang mga tumulong sa akin biglang nagtawanan na ipinagtaka ko.
"Jezer, ano kasi, ikaw 'yong naglagay ng balat ng saging sa daan kasi sabi mo gusto mo maging bad." Sagot ng isa sa kanila.
"Oh, it was me?" I asked, my brows furrowing trying to remember what happened before I slipped.
The hoodie guy walked away so I ran after him without thinking.
Palagi ko siyang nakikita sa school, palagi siyang mag-isa at naka-hoodie pero never kong nakita ang face niya except ngayon. Gwapo naman pala siya at hindi nakakatakot ang itsura. Some students said that he's part of a gang or something, my eyes lit up because of the thought.
"Kuya, anong pangalan mo?" Sumabay ako rito sa paglalakad pero hindi niya ako pinansin. "Sungit naman nito, pa-notice naman, senpai!"
"Senpai—what?" He halted, looking at me in confusion.
"Ano name mo, Kuya?"
Even with the hoodie, I can tell that he was annoyed at me. Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya para mainis siya sa akin.
"Stop calling me kuya because I am not you're fuckin' brother." Naglakad ulit siya palayo.
Nagcross arm ako at ngumuso sa kaniya.
Nang medyo malayo na siya ay saka ko siya nilapitan, tumakbo ako papunta sa kaniya at sinakyan ang likod niya na parang unggoy. Hindi ko inasahan na mawawalan siya ng balanse matumba ulit sa sahig kasama ako.
"What the f**k!?"
He cursed while I laughed of what happened, holding my stomach. He sure loves cursing, doesn't he? A typical badboy.
"What the f**k is your problem, brat?" He aggressively pulled his hoodie off his head and glared at me with the most terrifying eyes I've ever seen.
Lumunok ako, hindi ko alam kung bakit nag-init ang mukha ko habang nakatingin sa gwapo niyang mukha.
"If you have nothing to say, then leave me the f**k alone." He stood up, caressing his arm that hit the floor. I chewed on my lower lip while caressing my warm cheeks. He made a move to leave but I quickly reached for his hand.
He looked down at me, he slightly tugged his hands away but I didn't let go.
"Help me up." I pouted, my cheeks still red.
His jaw moved and his brows furrowed, he pulled me up with force but I didn't even mind his aggressiveness.
"Tell me your name." I sounded like I was begging, but still, I didn't care.
Nagtataka siyang nakatingin sa akin, masyado niya na akong tinititigan na tila ba'y may iniisip siya.
"Ko...Kosovar." His name came out softly from his mouth, gone the rude tone in his voice.
Napangiti ako sa kaniya, umulit-ulit ang pangalan nito sa utak ko para matandaan ko't hindi makalimutan. Hindi ko maiwasang hangaan ang kakaiba niyang pangalan.
"Oo nga pala Kuya Kosovar, sorry sa banana peel. Ako raw ang naglagay duon nun, pero hindi ko maalala." Napanguso, sinusubukang alalahanin ang sinaryong iyon. Makakalimutin na talaga ako.
"I said don't call me kuya." Now he sounded pissed and annoyed again.
I fowned. "Why not?"
"Just don't." he sighed, his gaze lowered down to our holding hands, or maybe I was the only one holding? "Will you let go of my hand now?"
Confirmed then, I'm the only one who's holding him tightly.
I pursed my lips, not wanting to do what he told me so. "Are you, somewhat, part of a gang, kuya? You know, I'm a badgirl, if ever you're part of a cool gang, pwede ba 'kong sumali?"
Mas nalukot ang mukha niya, na para bang may nasabi akong mali at hindi kapani-paniwala. Tinitignan niya ako na para bang isa akong baliw.
"What the hell are you talking about?" He said in a low voice, "if you're f*****g with me, then do me a favor and cut it out, it's not funny."
"H-ha? Hindi kita—"
"Cut it out, will you?" He put his other hand over my mouth to silence me, his hand pressed hard on my mouth.
Binawi niya ang kamay niya sa hawak ko, inalis niya pa ang isa pa niyang kamay sa bibig ko at mabilis na naglakad palayo habang sinusuot muli ang hoodie niya. Para hindi siya mas mainis pa sa akin ay tumahimik na lang ako, pero hindi ko napigilan ang mga paa na sumunod sa kaniya.
Kahit na mabilis ang paglalakad niya ay madali ko siyang naabutan, tumahimik lang ako at hinintay na mapansin niya.
Huminto ako nang huminto siya, narinig ko ang paghinga niya ng malalim. He whipped his head to face me and rewarded me a glare, I pouted and looked down on my feet.
"Ano ba talagang kaylangan mo? Sinisira mo araw ko." Mahinahon niyang pagkakasabi pero halata sa itsura niya na naiinis siya, hindi ko iyon maintindihan kung bakit, wala naman akong ginagawang masama sa kaniya.
'Sinisira mo araw ko.'
Somehow, what he said sounded weird to me. Paano masisira ang araw niya, wala naman akong nakikitang espesyal sa araw niya. Ang ginagawa niya lang naman palagi sa eskwelahan ay magtago at wala ng iba.
Sure, hindi ko siya kilala para i-assume na iyon lang talaga ang ginagawa niya, pero ako iyong tipong tao na mahilig magpupunta kung saan-saan. Hindi palagi pero madalas ko siyang nakikita, nagtataka kung bakit mag-isa siya. He eats alone, he studies alone, he do things alone. Anong sisirain ko sa araw niya kung mukhang malungkot naman ang araw niya?
"Kuya, isali mo 'ko sa gang mo." Tinakpan ko ang kuryosidad ko ng malaking ngiti. "Kuya—"
"Please," he groaned and looked up the ceiling. Nagtaas baba ang adams apple niya, nang magkita muli ang mga mata namin ay mas nilakihan ko pa ang ngiti ko, "don't call me kuya, don't follow me and don't even talk to me."
My smile fell and was replaced by a sad smile. "But, Kuya Kosovar—"
"You're late in class."
Natikom ko ang bibig ko, tumingin ako sa relo ko at nanlaki nang makumpirmang late nga ako tulad ng sabi ni Kuya Kosovar.
"Oh my gosh! Late na nga 'ko! I will see you around, Kuya!" Kinawayan ko siya at mabilis na tumakbo patungo sa klase ko.
Mamaya ko na lang siya kukumbisihin na isali ako sa gang kung saan siya kasama. Mas importante pa rin ang school kaysa sa makasali sa isang gang. Gusto ko lang malaman anong kung anong klaseng gang siya kasali at kapag nagustuhan ko at pipilitin ko talaga siyang isali ako!
...
Late akong nakauwi sa bahay, tambak kami ng assignment na ginawa naming magkakasama ng mga kaibigan ko. Idagdag pa ang apat o limang estudyante na nagpagawa ng assignment sa akin, hindi naman ako makatanggi, ayoko naman kasing maging madamot.
Nang makarating ako sa bahay ay naabutan ko si Mommy at si Tito Seker na naglalambingan sa dining room. Sa sobrang sweet nila ay baka langgamin pa sila. Daig pa nila ng mga teenagers.
"Masarap, 'diba?" Maligayang tanong ni Mommy kay Tito pagkatapos niyang subuan ng cake na bi-nake niya.
My mom's the best baker ever, I super love her cakes!
"What about me, wala po akong cake, Mommy?"
"My princess! Of course, you have one!" Lumapit si Mommy sa akin at hinalikan ako sa noo. "You wanna eat? I have a new cake recipe, your Tito said it was good. I wanna know what's my daughter's opinion." She held my hand and lead me towards the dining table.
"Hi, Tito!" I cheerfully greeted my soon to be dad.
"Hey, Jez, how's school?" He smiled back at me.
"It's fine I guess, nagiging ulyanin na talaga ako, Tito. Naglagay ako ng banana peel sa entrance sa main building tapos nadulas tuloy si kuya. Tinulungan ko siya kaso ang sungit niya at hindi man lang nag-thank you. Nagalit pa ako sa nagtapon ng balat ng saging, tapos ako pala iyon. Buti na lang talaga love ako ng mga schoolmates ko kahit na ganito ako."
Naging close agad kami ni Tito sa maikling panahon na nagkasama kami. Palagi siyang bumibisita sa bahay at nakita ko kung gaano niya kamahal ang Mommy ko and my mom looked so happy. I have no reason to hate their relationship and I do love Tito Seker already. He's just the sweetest.
Having a new dad excites me, and from what I heard, may anak din daw siya na halos kasing edad ko lang din daw. I always wanted to have a sibling, just thinking about having a brother soon excites the heck out of me. Tito already proposed to Mom and she said that we will be moving in to his house. We will finally live together!
"Say 'ah,' princess." Tinapat ni Mommy sa bibig ko ang kutsara na may maliit na piraso ng cake. I opened my mouth wide and accepted it, I moaned as my eyes dropped close.
"Mom, this is heaven!"
"Right? You're mom's amazing, isn't she?" Pagmamalaki ni Tito kay Mommy, tumawa si Mommy at hinalikan si Tito sa pisnge.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan sila. Sobrang sweet at cute nilang dalawa, makikita mo ang pagmamahal sa mga mata nila tuwing nagkikita ang kanilang mga mata.
"Magbibihis lang po ako, then babalik ako para sa cake. Huwag niyo pong ubusin, ah?" Nagpaalam ako sa kanila bago umakyat sa second floor at magtungo sa kwarto namin ni Mommy. We share a room since there's just only one room in the house.
Umupo ako sa kama, kumunot ang noo nang sumagi sa isip ko ang naka-hoodie na lalaki.
Kosovar...
Ang sarap niyang sapakin. Kung nasa tamang pag-iisip siguro ako ay baka nasapak ko na siya.
Saka lang ako nakaramdam ng hiya nang makarating ako sa bahay. Nakakahiya ang pagpasan ko sa kaniya at pagsunod na parang makulit na aso, lalo na 'yong sa banana peel. Pero sabi ng doktor ay kasama sa sintomas ng sakit ko ang pagiging makalimutin, pagpapalit ng personality and mood swings.