Jezer
"Kuya!" Tumayo ako sa sinalubong siya habang kumakaway. "Bakit ngayon ka lang?" Malungkot kong tanong.
Nakahoodie siya at bahagyang nakayuko para itago ang mukha sa mga taong nakamasid sa kaniya, lalo na sa mga kaibigan kong may mapanghusgang tingin.
"Hindi ka pa nagla-lunch?" Instead of answering my question, he asked back.
"A-ah, eh oo, k-kasi-"
"Forget it," he sighed. He took off his backpack, unzipped it and grabbed something inside. Inabot niya sa akin ang isang puting plastik na may mukhang may laman. Tinanggap ko ito at sinilip kung ano ang nasa loob, may ngiting gumuhit sa labi ko nang makitang isa itong hotdog sandwich at bottled orange juice.
"Kumain ka na, sa susunod, huwag mo na 'kong hintayin." Sinukbit niya ang backpack niya sa isang balikat at pinasok ang isang kamay sa bulsa.
"Pero ikaw? Nakakain ka na?" I worriedly asked.
"Yeah." Pagkasagot niya ay tinalikuran niya na ako't handa ng iwan.
Nakagat ko ang ibabang labi, bumagsak ang balikat ko dahil sa aksyong kinilos niya. Umaapekto na sa akin ang mga sinabi niya, unti-unting bumibigat ang puso kung hindi lang siya nagsalita para pigilan ang pagbigat nito.
"Sabay tayong umuwi mamaya."
Just like that, the smile on my lips returned.
"Sige, Kuya."
Nilisan niya na ang cafeteria, saka ko lang napansin ang mga mapanghusgang tingin ng mga tao.
Si Kosovar palagi ang laman ng tsismis dito, kung may kakayahan lang sana akong tanggalin ang mga rumors na 'yon ay matagal ko ng nagawa. Walang mga katotohanan ang mga akusasyon nila sa kuya ko.
Inirapan ko na lamang sila at bumalik sa table namin.
"Ano 'yong binigay niya sa'yo?" Bryan asked in curiosity.
Tinignan ko sila isa-isa bago sumagot.
"Pagkain," nilabas ko ang mga pagkain sa plastik para kainin at para na rin ipakita sa kanila.
"See? Sabi ko sa inyo, mabait sa akin ang kuya ko." I boasted.
"Dapat pinakilala mo sa amin!" Bryan sighed in disappointment, "kahit kaylan talaga ay tanga ka, Jezer!"
Minsan ay gusto kong magalit tuwing sinasabihan nila akong tanga. Sino ba naman kasing hindi ma-o-offend? Pero hindi ko hinahayaang magtanim ng sama ng loob sa kanila dahil may katotohanan din naman ang inaakusa nila sa akin. Magpasalamat na lang ako dahil tanggap nila ako kahit tanga, baliw at bobo ako.
"Oh, Ry, sasabay na lang pala ako kay Kuya mamayang uwian. Sorry." Ngumuso ako.
"You sure?" He seemed hesitant.
"Ako na lang sasabay sa inyo ni Bry." Sumingit si Clarise pero ang atensyon niya sa nasa cellphone. "Look, sikat ka na naman, girl. Kalat sa internet na stepsiblings kayo ni Kosovar. May good news and bad news."
"Good news always comes first, spill it!" Bryan excitedly asked.
"The good news is, the comments about Jezer are positive." She started, "but everything about Jezer's stepbrother are all negative. Unsurprisingly."
I quickly pulled out my phone and checked my f*******:. Pumunta ako sa group page ng school namin na Guirero Monte High's Hidden Files. It's a private group that only students od GMH students are allowed to join. No teachers and school authorities.
There are two pictures of me and Kuya Kosovar talking at the parking lot, it was taken when Kuya approached me the first time.
The one who posted was named Addison Moore and she wasn't familiar to me. Never heard of her before, but whoever she is, I hate her already. Sana madapa siya!
Sunod kong binasa ang mga comments, hindi nga nagbibiro si Clarise nang sabihin niyang maraming negative comments tungkol kay Kuya Kosovar. Nag-init ang ulo, medyo pumintig ito sa sakit
"Hey, are you okay, Jezer?" Nag-aalalang tanong ni Ryan.
I hummed in response, catching my forehead and slightly massaging it with my fingers.
The bell already rang, I quickly ate my lunch ignoring my mild headache.
Nakakadismaya sila. Hindi ko alam kung anong ginawa ko para gustuhin nilang protektahan ang isang taong tulad ko sa isang lalaking wala namang masamang ginagawa sa akin. Of all people, they have to like me. Why? Because of my craziness? My cuteness? My innocence? Inosente pa ako?
Wala silang karapatang manghusga.
"Alam mo namang nag-aalala lang sila sa'yo." Clarise said while walking through the hallways with me as we journey to our next class while Bryan and Ryan went to their own.
"Alam ko naman, Clar. Pero hindi naman tama na nanghuhusga sila ng taong hindi naman nila kilala. Mabuting tao si Kuya Kosovar, he acts like he doesn't care but I know that those rumors and accusations about him are bothering him." I bit into my lower lip, clenching my fists to my sides.
"Sa tingin ko nga, tuwing pinag-uusapan natin ang stepbrother mo ay dinadalaw ka ng katinuan. I guess that's a good thing? I don't know, I still have to meet him for confirmation."
I grimaced, lowering my head, not liking the idea of introducing my friends to my stepbrother. There's a possibility that they might get attracted to him, that's the least thing I want right now.
...
While walking through the parking lot, I happened to ran into Ryan but Bryan was nowhere on sight, probably with her new boyfriend after that Christopher guy or whatever his name is.
"Ry-ry!" I chirped, throwing my arms around his neck and hugging him tightly around his neck.
"Woah, P-bear!" Mahina siyang tumawa, sandali niya akong niyakap pabalik bago lumayo.
"Oh? Nasaan na si Bry-ry at Clar?" Ngumuso ako, hinahanap sa likod niya ang kapatid niya o si Clarise na nagsabing sasabay sa kanila. "Nasa boyfriend niya?"
Mahirap isipin na si Bryan ang klaseng babae na mabilis magpalit ng mga boyfriend, pero it's not like sinasadya niya iyon. Some of her boyfriend played her, may iba rin namang nagseryoso ngunit nakipag-break din siya agad dahil ang sabi niya ay hindi raw iyon ang 'the one' niya. Paano mo ba malalaman kung sino ang 'the one' mo? Mararamdaman mo ba 'yon?
"The reason why I'm still here, I'm waiting for the whore." Napangiwi ako sa pang-iinsulto niya sa kapatid niya, pero hindi rin naman bago. Beside, tinatawag din naman siyang 'manwhore' ni Bryan kahit na hindi ito ganon. Ryan is actually a goodboy, halata naman sa itsura niya.
"Have you seen my stepbrother?" I asked, placing my hands on my hips while looking around the parking lot.
Bago pa siya makasagot ay may babaeng lumapit sa amin. Maganda at mataas, mala-amerikana ang ilong at kulay tsokolate ang mga matang kay dami ng make up tulad ng liquid eyeliner, eyeshadow at maskara. But it doesn't look bad on her, actually, bagay pa nga sa kaniya. She has a naturally shaped thick eyebrows that I'm jealous of, her lips are tin and well-shaped. She will probably pass as a model, a hundred percent. Kaya nagtataka ako kung bakit hindi siya pamilyar sa akin, kasi ang ganiyang beauty ay hindi makakalampas sa akin!
"Hi, guys!" She beamed, waving her hands energetically and then she grimaced. "Sorry, did I ruin your cuddly moments?"
"Erhm, no..." My cheeks reddened for some reason.
"Ang sweet-sweet niyo, I was curious kung kayo ba? You both seem very intimate, nakakainggit kayo." She pulled something from her medium sized chanel purse which turned out to be her cellphone. "Can I take a picture of you, guys?"
My eyebrows smiled upside down in confusion but nodded anyways, Ryan gave me a look that I didn't understand, he even elbowed me making me wince and elbow him back on the stomach.
"What a cute couple you guys are." Pagkatapos niya kaming kuhanan ng dalawang litrato ay naglakad na siya palayo, kumekembot ang balakang at sumasayaw ang mahaba at kulay tsokolate niyang buhok. Ang damot, hindi man lang ako shinare-it-tan!
Pero bakit ba ang daming nagtatanong ng relasyon namin ni Ryan? Magkaibigan lang naman kami, normal lang naman siguro sa magkaibigan ang nagyayakapan 'diba?
Sa hindi ko malamang dahilan ay nailang ako sa presensya ni Ryan.
Wala naman siguro akong gusto kay Ryan, 'diba? Of course, wala! Magkaibigan lang kami!
Why so defensive, Jezer?
"I'm not defensive." Bulong ko sa sarili ko.
"Anong defensive, P-bear?" Ryan asked in cofusion.
"W-wala, Ry..." umabot sa tenga ang pag-iinit ng mukha ko.
"Kinakausap mo na naman ang sarili mo, 'no?" He messed my hair and I pouted. "I'll go back and find Bryan, you'll be fine here? Want me to help you find your brother?"
"Brother?"
"Kosovar?"
Hindi ko alam kung bakit ang weird pakinggan ng salitang iyon. I'm used of calling him my stepbrother instead of my brother. Pero ano ba namang pinagkaiba, 'diba?
"Okay na 'ko rito." Ngumiti ako sa kaniya.
"See you tomorrow," he held my wrist and pulled me close, planting a kiss on my forehead like he always does before leaving me.
Napabuntong hininga ako at nagsimulang maghanap kay Kosovar, hindi matagal bago ko siya mahanap. Nakaupo sa hood ng kotse niya at naninigarilyo habang ang atensyon ay nasa phone niya.
Kapansin-pansin ang mahigpit niyang pagkakahawak sa phone niya at pagkakasalubong ng kilay niya.
"Kuya!" Kinuha ko ang atensyon niya at nakangiting lumapit sa kaniya.
Sa lakas ng boses ko ay siguradong narinig niya ako, pero nanatili ang atensyon niya sa cellphone. Sa sobrang higpit ng hawak niya sa phone ay nagsisilabasan ang mga ugat sa kamay niya.
Binaba ko ang cellphone niya at sinamaan siya ng tingin.
"Kuya Kosovar."
Tinignan ko ang screen ng phone niya, nung una ay nagtaka ako kung bakit nanduon ang litrato ko. Nakabaliktad ito sa akin kaya kinuha ko na lang mukha sa kaniya at tinignan muli ang litrato namin ni Ryan sa parking lot. Tatlo ito lahat, ang una ay iyong magkayakap kami ni Ryan, ang sunod ay ang nakaharap kami sa camera at awkward na nakangiti, ang panghuli ay iyong hinahalikan ni Ryan ang noo ko.
Napangiwi ako, kahit sinong tao ay mapagkakamalang kami nga si Ryan dahil sa picture.
"A-ahm..." tinignan ko si Kosovar na masama na ang tingin sa akin, "Wala akong boyfriend, l-lalong h-hindi si Ryan." Depensa ko dahil baka isumbong niya pa ako kay Mommy!
"Why are you blushing then?" He asked, no sign of teasing in his tone.
"I-i'm not blushing!" Umikot ako sa passenger side ng kotse niya, nahuli ko pa siyang nakatingin sa akin ng masama. "What!? Those are just rumors, Kuya! I'm not dating anyone!"
"Why so defensive?"
Nang-aasar ba siya o naiinis? Hindi ko masabi.
"I-i... I'm not defensive, Kuya!" Kinagat ko ang ibaba kong labi.
"Stop talking, you're making yourself look more guilty." He shook his head. "Get in the car. Now."
Nagsitayuan ang mga balahibo sa balat ko dahil sa pagka-istrikto ng boses niya. Napatango ako at sumakay na lang sa kotse, sumunod siya at mabilis na pinaandar ang makina ng kotse.
"It's early, bakit wala ka sa huling klase mo?" He asked with his ice-cold voice.
"W-wala teacher namin ni Ry-ry." I kept my head low while playing with my finger nails.
"Ry-ry?" Umiling-iling ito. "You have a nickname for him?"
"Kuya, we're just bestfriends! Wala akong feelings sa kaniya, Kuya!"
"Okay."
He still didn't believe me, my shoulders fell and I kept my head low to avoid the disappointment on his face.
"Are this desperate to find yourself a boyfriend? First, Emmanuel, and now you're dating one of your friends?"
"I said he's not my boyfriend!"
"I believe you."
Nakahinga na ko ng maluwag, naglakas loob akong tumingin sa mukha niya. Kumunot ang noo ko dahil sa ngising nakaguhit sa labi niya, hinubad ko ang bag ko at malakas itong hinampas sa kaniya. Suddenly he burst into laughter, his head shaking.
"You look horrible when you're nervous."
"Argh! I hate you!" Hinampas ko pa siya ng bag ng isang beses.