bc

SHAVIN KORIZAKI

book_age18+
2.2K
FOLLOW
9.8K
READ
stalker
powerful
mafia
comedy
twisted
bxg
scary
others
poor to rich
brutal
like
intro-logo
Blurb

Babaeng, nakatira sa barong barong na-inlove sa taong angat ang pamumuhay. Gagawa kaya s'ya ng paraan para mapasakanya ang lalaking minamahal o hahayaan na lang at sa malayo na lang titingin?

Guwapo hot, mayaman s'ya ang lalaking mahirap maabot at never pang nagka-jowa at puro trabaho ang iniisip.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Boghss! Hoy bata ka saan ka naman galing at gabi ka naman umuwe?" Salubong sa 'kin ng tiyahin kong baboy. May pagbato pa 'yan ng kaldero. Gagi mabuti hindi ako tinamaan baka pag natamaan ako eh masira ang face kong maganda, hindi katulad n'ya? Baboy na mataba pa. Minsan iniisip ko baka insecure si Tita sa 'kin kase maganda ako, s'ya kase panget na nga baboy pa tss. "Tiya, may ginawa lang po kaming project!" Galit na naman po siya, wala naman bago tuwing uuwe ako kung hindi kaldero ang ibabalibag sa akin plato. Malapit na nga maubos plato namin dito, mabuti na lang matibay ang mga kaldero namin. Kailangan mo lang talagang magsanay umilag, kasi kung hindi ka sanay wasak palagi ang mukha mo. "Wala akong paki, maghugas ka nang pinggan. Tambak na ang hugasin maglinis ka na rin nang bahay tapos bilihan mo ako ng alak!" sunod sunod na utos ng tiya ko at umalis na grabe naman iyon mag-utos parang armalite ah? Teka? Ano'ng bilhan ko s'ya ng alak? Eh wala naman s'yang perang iniwan? "Teka, Tiya! Pahingi pera pambili ng alak mo!" sigaw ko sa kan'ya, 'wag n'yang sabihing pera ko naman ang ipangbibili n'ya. My god! Konting na lang ipon ko. Kinikita ko pa ito pag rumaraket ako sa bar, bilang waitress. Studyante ako sa araw tapos waitress sa gabi ano magagawa ko eh kailangan ko kumita para makapag-aral. Ito kaseng magaling kong Tiyahin, puro na lang inom. Paano kase iniwan nang boyfriend n'yang mukhang pato, kaya s'ya nagkakaganyan my god. Para naman kaseng napaka-guwapo nang boyfriend n'ya, para sirain n'ya ang kaniyang buhay sa walang kwentang lalaki tss. Sabagay bagay silang dalawa. "Wala akong pera ibili mo muna ako bilisan mo!" sigaw n'ya pabalik. Wow? Wow ang galing naman? Ewan ko sa Tiyahin ko. Bakit kase hindi magtrabaho para may pambili s'ya ng alak. Naglinis na lang ako nang bahay naming sira-sira kase barong-barong lang ang bahay namin. Natatangay pa nang hangin pag may bagyo. Pagkatapos ko maglinis nang aming bahay. Naghugas naman ako, sobrang dami 'yung iba basag na. T'yak na si Tiya naman may gawa nito. Minsan nakakagigil na ang Tiyahin ko, parang gusto kong sapakin sa mukha grrr... Nang matapos akong mag hugas kumuha naman ako nang pera pangbili ng alak n'ya. Pag ako nagka-pera nang malaki, ibibili ko ng isang drum na alak ang Tiyahin ko para mategi na choss! "Pabili po!" tawag ko kay aling Hipon, maganda katawan tapon ulo heheh... "Ano'ng bibilihin mo?" Mataray na tanong n'ya sa'kin, aba aba 'wag n'ya ako tinatarayan susuntukin ko talaga pagmumukha n'ya. 'Wag na lang wala naman masisira sa kanya matagal na pa lang sira hehe. "Alak ho! Isang bote!" sabi ko kumuha naman na s'ya at inabot sa 'kin. "Oh ito na ang alak! Pakisabi sa Tiyahin mo, tanggapin n'ya na lang na mas maganda ako sa kan'ya. Kaya ako ang pinili ni Barton!" ani ni aling Hipon, parang gusto kong ma-suka sa mga sinasabi ni aling Hipon. Oo nga pala silang dalawa lang naman ang mortal na mag kaaway. Nang dahil sa lalaki. Gosh! Pina-aagawan pa talaga nila ang mukhang Pato na lalaking 'yon? Ewan ko sa kanila. "Manang Hipon, sexy ka lang pero hindi ka maganda!" sabi ko at tumakbo na pabalik sa bahay. "Ikaw bata ka bastos ka! Mana ka talaga sa Tiyahin mong panget!" rinig kong inis na sigaw ni aling Hipon. Bakit s'ya magagalit? Totoo naman ang sinasabi ko hindi ako nag sisinungalin no? Masama kase 'yon. "Bakit ang tagal naman nang pinapabili kong alak?" salubong sa akin ni Tiya, grabe naman maka-angal. Isungal-ngal ko kaya itong alak sa kan'ya? "Ito na oh! May sinabi sa 'kin si aling Hipon, mas maganda kase daw s'ya kaysa sa'yo. Kaya pinili s:ya nang boyfriend mong mukhang Pato!" sabi ko, sabi ni aling Hipon, sabihin ko daw kaya sinabi ko. Masama kase magsinungalin. "Ano?!" sigaw ni Tiya, ano ba 'yan? Sakit n'ya sa tenga. Parang hindi n'ya narinig sinabi ko tss. Bingi? "Tiya? Kailangan ko pa ba ulit-ulitin?" "Hindi na. Talagang sumosobra na ang panget na 'yon ha? Humanda s'ya sa akin! Kakalbuhin ko talaga s'ya!" sabi ni Tiya, parang mabibilaukan ako sa mga sinabi ng Tiyahin ko. Nilait pa nila ang isa't isa. Parehas naman silang panget. Gosh! "Tiya, panget ka rin naman!" sabi ko at pumunta na nang kwarto ko. "Bwisit kang bata ka anong sabi mo?" rinig kong sigaw ni tiya sa akin grabe ang ingay n'ya. "Sabi ko po panget ka este ang ganda mo, Tiya!" sigaw ko pabalik takot ko na lang na laitin ang Tiyahin ko, baka bugbugin ako n'yan Baboy pa man din iyon. T'yak na masisira ang peslak ko pagbinugbug ako ni Tiya, ayoko naman mangyari iyon kaya kahit labag sa kalooban ko sasabihan ko s'yang maganda. Kahit nasusuka na ako sa mga sinasabi ko haha. "Talagang maganda ako hindi mo na kailangan sabihin!" sabi n'ya at narinig ko nang kumalabog ang sira naming pinto tss. Napakahangin ng Tiyahin ko, tangayin sana s'ya nang hangin. Pero paano 'yon? Baka hangin ang matangay n'ya? Haha! Makikipag-away naman 'yon sa kapwa n'ya panget. Kinuha ko na ang cp ko na di-keypad at binuksan ang sss ko. Mabuti may sss itong cp kong keypad at pinagmasdan ang picture ng my love ko. Ang gwapo n'ya talaga. Ang mapupula n'yang labi kay sarap halikan, ang mga mapupungay n'yang mga matang nakapag-padagdag sa kagwapuhan n'ya. Sobra akong nahuhumaling sa kaniya. Kaylan kaya n'ya ako mapapansin? Kaylan kaya kami magpapakasal? Hindi ka nga pinapansin magpakasal pa kaya? Haha! Nababaliw na 'ko! Paano ako mapapansin? Kung ang istado namin sa buhay malayong-malayo? Langit s'ya, lupa ako. Hirap ma-inlove sa taong kahit kaylan hindi ako mapapansin. Bakit ko ba s'ya minahal? Ewan ko rin ang alam ko lang masaya ako 'pag nakikita s'ya, naiinis ako 'pag may babaeng lumalapit sa kaniya. Hindi ako makatulog 'pag hindi ko s'ya nakikita sa isang araw. Ako nga pala si Haykira Barteno, 23 years old. 3rd year college working student patigil tigil kasi ako ng pag aaral kaya medyo matanda na ako hindi pa nakakagraduate. Na-inlove sa taong hindi ako kayang mahalin. Wala na 'kong mga magulang kaya ang tiyahin ko na lang ang nag-aalaga sa 'kin kase mula Bata ako iniwan na ako nang mga magulang ko, kaya ang Tiya ko na ang nagpalaki sa 'kin. Kahit gan'yan ang Tiyahin ko, mahal ko s'ya kase kung hindi dahil sa kan'ya? Walang magandang si ako sa mundo. Ay Ang hangin ko rin no? Pagpasensyahan n'yo na ang Tiyahin ko, ganyan talaga iyan pag-broken hearted pero mabait 'yan pag tulog choss! Ewan ko kase sa kan'ya? Bakit kailangan pang mag boyfriend ang tanda naman na n'ya? Sana all na lang nagkaka-boy friend pa? Hindi katulad ko? Nbsb, ma-inlove na nga lang sa taong hindi pa magiging akin. "Hoy panget na Hipon!" napatampal ako sa noo ko ng marinig ko ang sigaw ni Tiya. "Ang yabang mo! Ano'ng sinasabi mong maganda ka? Saan banda? Hoy para sabihin ko sa'yo mas maganda ako sa'yo!" Gosh! Kung kaylan gusto ko nang matulog? Kaylan naman s'ya magwawala sa labas! Ang sarap manapak! Hindi na sila nahiya sa balat nila, parehas naman silang panget? Totoo ba 'yon? Ang panget, galit sa kapuwa panget? "Hoy! Baboy ka! Sinasabi mo d'yan?" sigaw naman ni Aling Hipon. Jusko! Wala ba silang balak magpatulog? "Hoy bruha ka!" gigil na ani Tiya, parang gusto nang magsapakan ng mga ito eh. "Para sabihin ko sa'yo! Ang panget mo!" sigaw ulit ni Tiya. "Hindi ako panget! Ikaw nga mataba na panget pa! Kaya hindi ka pinili!" Mga squater kasi kaya ganiyan sila mag away, hindi na bago sa lugar namin ang ganiyan. "Buwisit ka! Maganda ako, ikaw ang panget! Mang-aagaw ka!" naiirita na ako sa sigawan nila. "Hindi ko inagaw ang boyfriend mo? Sad'yang maganda lang ako! Kaya ako ang pinili ni Barton!" mag-aaway ba sila mag-damag? Tumayo na ako, dahil hindi ako makatulog sa ingay nila. Pupuntahan ko na si Tiya, dahil walang magpapatalo sa kanila kahit hanggang umaga silang mag-sigawan. "Tiya, aling Hipon!" tawag ko, napatingin naman sila sa 'kin. "Tumigil na kayo puwede?" parehas naman silang panget, nag-aaway pa tch. "Para walang away! Parehas na kayong panget este maganda!" Ani ko, muntikan pa akong madulas. Phew! Parang gusto kong ma-suka sa sinabi ko. "Mabuti pa itong pamangkin ko, nakikita ang kagandahan ko? Tara na pamangkin, uwe na tayo!" ani Tiya at inakbayan pa 'ko. Ang baho nang amoy n'ya? Gosh! "Masaya ako ngayon, Anak!" ani pa nito at ngumiti sa 'kin, ang creepy. "Bakit?" Kunot noong tanong ko. "Dahil maganda ako!" Gosh! Parang nasusuka ako? Tang*na sinabihan ko lang ng maganda? Naging mahangin na. Hayaan na nga!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook