Nandito ako, binabantayan si boss, sinabi ko na rin sa mga kasama namin ang nangyari kay boss pero mukhang wala naman silang mga pakialam. Dahil kanina pa ako rito, hindi naman sila pumupunta. “Nasaan ako?” tanong ni boss ng nagising. “Nasa clinic ka boss, nahimatay ka kanina.” “Tch,” nahiya naman ako, at hindi makatingin sa kaniya ng husto. Kasalanan ko talaga ito. “Boss...” “What?” medyo inis na tanong nito. “Sorry boss, hindi ko naman alam e sorry talaga... hindi mo naman sinabi...” “Tch, sinabi ko na kasing ayoko namilit ka pa. Anyway, wala ka naman kasalanan. Tara na, nagugutom na ako.” “Kaya muna ba tumayo boss?” “Nahimatay lang ako, pero hindi ako baldado tch.” Napaka pilosopo talaga e. Lumabas na kami ng clinic at naghanap ng puwedeng makainan. May nahanap kami at tiya

