Nang matapos kaming maligo, wala namang magandang ganap para lang akong ampalaya na inggit na ingit. Nandito kami ngayon ni Ate Lucy sa rooftop ewan ko ba inaya n'ya ako tapos nagdala pa s'ya ng mga alak baka n'ya yata akong lasingin. Tumanggi na ako dahil baka sumakit na naman ang ulo ko. “Ate Lucy, hindi kasi ako sana'y uminom... ” “Don‘t worry, ladies drink lang ‘yan.” Dahil pinilit n'ya ako napilitan na rin ako, nakakahiya ng tumanggi nang paulit ulit. “Kamusta kayo ni Shavin?” bigla akong nasamid sa tanong n'ya, sakto pa na iniinom ko na ‘yung bigay n'yang alak. “W-wala...” “Pero gusto mo s'ya?” seryoso talaga s'ya sa mga tanungan n'ya. Ewan ko kung ano isasagot ko. “tayo tayo lang naman dito, walang makakaalam!” aniya at tumawa ng mahina. “O-oo ma-matagal na...” sobrang nang-

