Sa tinagal-tagal ng panahon lagi kong iniisip. Ano nga ba ang dahilan ng lahat? Bakit galit sila sa akin? Bakit hindi nila ako magawang mahalin? Ano nga ba ang dahilan para maranasan ang lahat ng sakit na iyon. I'm so hungry for the reason. For the truth. Pero hindi pa pala ako handa. Hindi ko inakala na ganito pala kasakit. Hindi ko inakala na ito na pala ang rason para tuluyang mamatay ang puso ko. "Anong meron?" Tanong ko sa isa sa mga kasambahay. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Reunion po niyo kasama ang family side ng Mommy mo," aniya. Tumango naman ako at hinayaan na siyang umalis. Paggising ko ay nagtakha ako. Bakit ganoon kagulo? Everyone seems busy. Iyon pala may mangyayari. And I'm not informed. Mapait akong ngumiti, bakit nga ba ako sasabihan. Sa ganitong mga pagkakataon,

