BERNADETTE Madilim na nang narating namin ang condo ni Cyrus. Bumili na lang ng ulam sa restaurant si Cyrus. Nagtaka naman ako dahil mamahalin ang pinagbilhan niya. Sabi niya kakilala niya raw ang may-ari ng restaurant kaya nakalibre raw siya. Isang tinging paghanga ang ibinigay ko sa kanya. Friendly naman kasi si Cyrus at mabuting tao. Ako nga na hindi naman niya kaibigan ay tinulungan niyang manirahan sa bahay niya. “Wow, yayamanin pala mga friends mo. Ako lang yata ang purita,” sabi ko at sabay tawa. “Hindi naman,” sabi niya. Inayos niya ang mga pagkain na binigay daw ng kaibigan niyang mayaman. Biglang may nag-doorbell. Napahinto sa pag-aayos si Cyrus. Akmang tatayo ako nang pinigilan niya ako. “Ako na lang.” Presinta niya. Ako na ang nagtuloy sa ginagawa niya. Napakunot noo a

