BERNADETTE
Kinabukasan ng alas nuwebe ng umaga ay na-discharge na kami ni baby Abigail. Si Mommy Lilly ang may hawak sa apo niya. Ayaw niya raw mabinat ako.
Natatawa nga ako sa kanya dahil sobrang pag-aalaga niya sa akin. Ayos lang naman na buhatin ko ang anak ko, hindi pa naman siya mabigat. Although may nararamdaman pa akong kaunting sakit sa tahi ko sa puwerta ay kaya ko pa namang maglakad. Unlike nang humihilab ang tiyan ko ay para akong mamamatay. Pinagbigyan ko na lang si Mommy Lilly dahil sa sabik sa apo.
Napatingin ako sa sasakyang kulay itim na nasa likuran namin. Kanina pa kasi nakabuntot magmula sa ospital. Nakahinga ako nang maluwag ng lagpasan ang sasakyan namin. Akala ko ay sumusunod ang sasakyan. Baka rito rin ang daan na pupuntahan nito. Napasunod na lang ang tingin ko sa papalayong itim na sasakyan.
Napasulyap ako kay Mommy Lilly habang kinakausap si baby Abigail. Hindi niya pa masyadong maibuka ang mga mata dahil sa liwanag. Kumikibot ang labi ng anak ko. She is so cute kapag ginagawa niya iyon. Napahikab si baby Abigail tanda na inaantok na naman.
“Matutulog ka na naman? ’Di bale kapag big ka na maglalaro tayo,” kausap ni Mommy Lilly sa apo niya. Aliw na aliw siya sa apo. Hindi na rin ako makapaghintay na lumaki ang anak ko.
FERNAN
Napahinto ako sa pagtayo nang makaramdam ng pagkirot sa ulo ko. May hangover ako mula sa paglalasing kagabi.
Ilang minuto akong nakaupo bago nagpasyang tumayo sa kama ko. I have to get to work. Tumayo ako upang maligo. Kahit naman down na down ang pakiramdam ko ay hindi ko pababayaan ang company ko.
Seryosong naglalakad ako sa hallway ng building. Dedma sa mga bumabati sa akin. Una sa lahat ay hindi ko ugaling bumati sa mga taong hindi ko kilala.
Pagkapasok ng opisina ko ay nakaramdam na naman ako ng kalungkutan. Parang kulang ang araw ko. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito?
Biglang sumagi sa isip ko si Bernadette. Where is she now? Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil pinagkakaabalahan ko pang maalala ang babaeng iyon. Hindi siya worth para isipin.
“Hey, I have to tell you something,” biglang may nagsalita. Nag-angat ako ng tingin. Pumasok sa opisina ko si Gavin. Nangunot ang noo ko. Anong kailangan ng lalaking ito? Wala naman kaming usapang pupunta siya rito sa ganitong oras?
“I have no time for that. Just leave me madami pa akong gagawin.” Masungit kong sabi sa kanya. Ngunit hindi niya ako pinakinggan. He chuckled.
“What?” inis na tanong ko dahil sa pagtawa niya. Nakakainis!
“Ayaw mo bang malaman ang importanteng sasabihin ko?” Tumaas ang sulok ng labi niya. Napairap ako. Bakit hindi na lang niya ako diretsahin? May pabitin pa lalaking ito.
“Parang hindi ka yata interesado, eh?” Tinaasan ko siya ng kilay. Ano bang gusto niyang palabasin?
“Although I am not interested. Nandito ka rin naman sabihin mo na kung anong pakay mo. Make sure importante yan! Kapag nonsense huwag ka ng magpapakita sa akin.” I said seriously.
Naupo si Gavin sa sofa at nagdekwatro at isinandal ang likod sa backrest ng sofa.
“Kanina habang nasa ospital ako may nakita ako. Well, sa una hindi ko siya nakilala dahil medyo malayo ako sa kinaroroonan nila. Lumapit pa ako para masigurong siya nga iyon.” Nangunot ang noo ko. Sino ang tinutukoy niya? Anong kinalaman sa akin?
“Ano ang kinalaman ko sa taong nakita mo sa ospital? Straight to the point Gavin. Wala akong panahon sa mahaba mong kuwento na wala namang katuturan. Anong ibig mong ipahiwatig diyan sa kuwento mo?” naiiritang sabi ko.
Kinuha ko ang papel na binabasa ko. Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang tawa ni Gavin. He looks amuse. Salubong ang kilay kong napatingin sa kanya.
“Bahala ka kung ayaw mong ituloy ang kuwento ko.” Sumenyas akong magpatuloy lang siya.
“Kakausapin ko sana siya nang makilala ko kung sino siya. Pero nagbago ang isip ko. Kaya ginawa ko sinundan ko sila. Nagulat ako dahil may hawak na baby ang kasama niya. Hindi ko talaga akalain. Ang buhay nga naman.” Napapalatak pa siya. Natigil ako sa pagbabasa. Tiningnan ko si Gavin ng masama.
“You know what bago ko pa maibato itong swivel chair ko sa iyo puwede ba sabihin mo na kung sino ang nakita mo. Alam mo bang nakakapikon ka na sa pambibitin mo sa kuwento mong walang kwenta!”
Natawa na naman siya.” Relax ka lang. High blood ka naman diyan. Kaya ka iniiwan masyado kang masungit.” Nagtagis ang bagang ko sa sinabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.
“Nakita ko ang Mommy mo.” Sa sinabi niyang iyon ay agad akong napaangat ng tingin.
“Anong ginagawa ni Mommy sa ospital?” Bigla akong kinabahan. s**t! Hindi ko man lang siya tinanong kung ayos lang ba siya? Napahimas ako sa batok ko. Tanging sarili ko lang ang inisip ko. Baka may nangyari nang masama kay Mommy.
“Na-admit si Mommy?” tanong ko sa kanya. Umiling siya.
“Mukhang okay naman ang Mommy mo. Ang tanong kung sino ang kasama niya?” Pagpapatuloy ni Gavin sa kwento.
Hindi ko pinansin ang huli niyang sinabi. “Nakausap mo ba siya?”
“Hindi ko nga nakausap ’di ba? Naintindihan mo ba ang kwento ko? Hindi ka kasi nakikinig, eh? Patapusin mo muna kaya ang kuwento ko.” Nag-igting ang panga ko sa inis. Wala talaga akong balak makinig sa kuwento niya, pero dahil nabanggit niya si Mommy kaya kahit nakakainis itong si Gavin ay gagawin ko.
“May hawak na baby ang Mommy mo habang nasa tabi lang ang kasama niya.” Napakunot ang noo ko. Sino namang kasama ni Mommy at bakit may hawak na baby? Pagkakaalam ko ay wala naman akong kamag-anak na manganganak?
“Sino ang kasama ni Mommy?” tanong ko. Napatitig si Gavin sa akin. Nagbuntonghininga pa siya.
“Kasama niya si. . .” Naputol ang sasabihin niya nang tumunog ang cellphone niya.
“Wait lang sasagutin ko muna itong tawag at baka importante.” Napairap ako. Ilang minutong kausap ni Gavin ang taong tumawag at ako naman ay ipinagpatuloy ang pagbabasa sa mga papeles.
“I am so sorry. I have to go. Next time ko na lang sasabihin. Importante itong pupuntahan ko.” Sumalubong ang kilay ko. Sa sobrang inis ko ibinalibag ko sa kanya ang lagayan ng ballpen ko. Buti naisara na ni Gavin ang pinto bago tumama sa kanya.
Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa ibabaw ng mesa. Palaisipan sa akin kung bakit nasa ospital si Mommy. Bakit may hawak siyang baby? Pupuntahan ko si Mommy mamaya.
Papasok na sana ako sa loob ng gate nang makita ko si Mommy na may inilalagay na mga gamit sa sasakyan niya. Hindi muna ako pumasok at pinanood ko lang siya sa ginagawa. Nang sumakay si Mommy sa sasakyan nito ay nagmadali akong bumalik sa sasakyan ko. Sinundan ko ang sasakyan niya.
Nakarating ako sa isang exclusive village na malayo sa tinitirhan ni Mommy. Hininto ko ang sasakyan sa malayo na hindi mahahalata ang sasakyan ko. Nakapasok na siya sa loob na hindi niya ako napansin. Napangiti ako nang hindi nai-lock ni Mommy ang front door. Napatingin ako sa kabuuan ng kabahayan. Maganda ang bahay dahil kumpleto sa kagamitan. Napansin ko rin na may malawak na lawn sa labas. Umakyat ako sa inakyatan ni Mommy. Para akong magnanakaw na maingat sa bawat kilos at paghakbang huwag lang makagawa ng ingay.
Pumasok sa isang silid si Mommy kaya sinundan ko siya. Habang papalapit ay hindi magkamayaw ang pagtibok ng puso ko ng mabilis. Pakiramdam ko ay may malalaman akong ikabibigla ko.
Sa nanginginig ng mga kamay ay dahan-dahan kong pinihit pabukas ang door knob. Hindi ako makahinga nang maayos dahil sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung bakit. Pwede ko namang kausapin na lang si Mommy, pero ang ginagawa ko ngayon ay para akong magnanakaw. Hindi ko itinuloy ang pagbukas ng pinto. Nanatili akong nasa labas.
Bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ang pamilyar na boses. Boses iyon ni Bernadette. Hindi ako nagkakamali!