EPISODE 21

1347 Words

BERNADETTE “Mommy, ilagay niyo na lang muna sa cabinet ang mga damit. Ako na lang po ang mag-aayos mamaya,” sabi ko sa kanya. Nahihiya akong siya ang mag-aayos. Although medyo mahina pa ako, pero kaya ko namang kumilos. Dahan-dahan nga lang. Napatingin ako sa kuna nang marinig ang iyak ng anak ko. Mukhang gutom na siya. Marahang tumayo ako. Nilapitan ko ang kuna. “Ako na ang bubuhat sa apo ko. Hindi ka pa pwedeng magbuhat ng mabigat dahil kapapanganak mo lang,” sabi ni Mommy Lilly at kinuha niya sa akin ang anak ko. Hindi ko mapigilang mangiti. Nagpapasalamat ako sa pag-aalaga niya sa akin. “Pasensya na po kung pabigat ako sa iyo. Hayaan niyo po kapag nakabawi ako ng lakas ako na po ang mag-aalaga kay Abigail.” “Ano ka ba? Hindi ka iba sa akin Berna. Tinuring na kitang tunay kong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD