FERNAN “Sir, nakatulog na po si Ma’am Bernadette. Puwede na po kayong pumasok sa loob. Grabe muntik na tayo kanina, Sir! Mabuti na lang dumating si Ma’am Lilly,” sabi ni Luna. Siya ang kinuha kong mag-aalaga sa mag-ina ko. Buti pumayag si Mommy sa hiling ko. Nangako akong hindi ako magpapakita kay Bernadette. “Salamat Luna sa tulong mo.” Nakangiting sabi ko. Pinuntahan ko ang silid ni Bernadette. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Hindi ako gumawa nang kahit anong ingay. Ayokong magising ang mag-ina. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito? Nang makita ko ang baby parang nagkaroon ako ng interest. Nagbuntonghininga ako. Kinumutan ko si Bernadette at pinahinaan ang aircondition. Baka lamigin ang baby at si Bernadette. Hindi ko namamalayang napangingiti na pala ako. Maaga akong

