EPISODE 23

1227 Words

FERNAN “Mabuti naman hindi ka naging duwag na humarap sa mag-ina mo.” Natatawang sabi ni Gavin. Dumalaw siya sa bahay ko. Natawa rin ako nang mahina. Tama siya sa sinabi niya. Mabuti at hindi ako naduwag. Ewan ko ba naging duwag na ako magmula nang malaman kong may anak na ako. Ganito ba ang maging isang ama? Nababago ang ugali? “Nag-ipon ako ng maraming lakas ng loob,” sabi ko at saka tinungga ang baso ng alak. “Anong pakiramdam na nakita mo ang anak mo?” tanong niya. Natigilan ako sa tanong niya. Nahihiya akong sabihin sa kanyang natakot ako. Malalim akong nagbuntonghininga. “Ano’ng ibig sabihin nang malalim na buntonghininga na iyan?” “Sa totoo lang natakot akong titigan ang anak ko nang matagal. Pakiramdam ko kapag tinitigan ko siya uusigin niya ako sa pamamagitan ng tingin lan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD