FERNAN Nagpasya akong dalawin ang anak ko. Pagpasok sa pintuan nakita ko agad si Bernadette. Mukhang pinapadede ang anak namin. She was singing a song that is not familiar to me. Kita ko ang pagngiti niya habang inaawitan ang anak namin. Hindi ko namamalayang nanonood na ako sa kanya. Nagulat ako nang may sumiko sa tagiliran ko. “Ano, Sir, panonoorin mo na lang ba o lalapitan mo si ate Berna?” Napalingon ako sa nagsalita. Si Luna. Tumaas baba pa ang kilay nito. Pinatahimik ko siya. She rolled her eyes. “Hi, ate Berna!”bati nito kay Bernadette. Nag-angat ng tingin at napatingin sa gawin namin. Napalunok ako ng laway nang magtama ang aming mga mata. “Lulusog itong si bunso panay kasi ang dede niya,” sabi ni Luna. Umupo ito sa tabi ni Bernadette at saka hinaplos ang pisngi ng anak ko.

