FERNAN Malakas kong sinarado ang pinto. Hindi ko maiwasang mainis sa babaeng iyon. Ilang beses ko nang sinabing hindi ko siya mahal, ngunit parang hindi siya nakikinig sa gusto kong mangyari na ayaw ko siyang makasama. Pinakasalan ko lang siya dahil iyon ang kagustuhan ni Mommy. Ayoko lang magalit siya nang tuluyan sa akin kaya wala akong nagawa upang pigilan siya sa desisyon niya. Inalis ko ang suit ko at ibinalibag sa kung saan. Humiga ako sa higaan ko. Napatitig ako sa kisame habang malalim na nagbuntonghininga. Hindi naman ganito ang gusto ko. Gusto ko si Isabella. Gusto kong siya ang makasama ko sa habang buhay. Pero paano mangyayari iyon? Pinili niya ang assh*le na Chris na ’yun! Bumangon ako upang tanggalin ang long sleeve. Nakarinig ako ng kalabog mula sa labas. Binuksan ko

