FERNAN
Nang makarating sa ospital hindi ko naabutan si Mommy sa silid ni Bernadette. I try to call her number, but she didn’t picking up my call. Talagang galit na sa akin si Mommy. Wala naman akong magagawa roon dahil kahit anong gawin ko, ako pa rin ang masisisi.
Naupo ako sa tabi ni Bernadette. Hindi pa rin siya nagigising. Kunot noo ko siyang tinitigan. Nagtagis ang panga ko. Nang dahil sa kanya nagalit sa akin si Mommy. Talagang gagawa ng paraan ang babaeng ito para ako ang palabasing masama. Ilang sandali pa ay nagising na si Bernadette.
“Mabuti naman gising ka na. Talagang gumawa ka pa ng drama kagaya nito para lang masira ako kay Mommy. Para ano? Ikaw na naman ang api at ako ang kontrabida. Alam kong plano mo ito para pabagsakin ako at mapasunod sa gusto mo. Bravo! Nagtagumpay ka! Matalino ka na dahil masama na ang tingin sa akin ni Mommy.” Napailing siya sa sinabi ko.
“H-Hindi totoo ’yan. Sorry. . .” Marahas akong tumayo at nahilamos ko ang mukha ko.
“’Yan na lang ba ang lagi mong sinasabi? Sorry? Bakit maibabalik ba ng sorry mo ang galit sa akin ni Mommy? Mababago ba ang sorry mo ’yung buhay ko? Hindi di ba?” Galit na sabi ko.
Nagtagis ang bagang ko dahil sa galit kay Bernadette. Narinig kong napahikbi ito kaya bago pa ako mainis lalo iniwanan ko siya at lumabas ng silid niya. Nasasakal ako tuwing nasa malapit lang si Bernadette. Hindi ko maiwasang magalit kapag nakikita ko siyang umiiyak. Pakiramdam ko ginagawa niya iyon para makaramdam ako ng guilty sa ginagawa ko sa kanya.
BERNADETTE
Dalawang buwan mula ng maospital ako ay mas lalong iwas sa akin si Fernan. Umuuwi naman siya sa bahay, pero gabi na. Tulog na ako kapag nakauwi na siya sa bahay. Parang gusto kong sumuko pero nananaig pa rin ang pag-asa kong magbabago pa ang pakikitungo niya sa akin. At saka nakiusap din sa akin si Mommy Lilly na habaan ko pa ang pasensya ko kay Fernan. Naniniwala akong magbabago ang pagtingin sa akin ni Fernan. Iyon naman ang ginagawa ko kahit nahihirapan sa sitwasyon. Para akong may malalang sakit kung tratuhin niya ako.
Para masuportahan ang sarili ko ay nag-business ako. Para rin malibang ako sa bahay. Gumagawa ako ng mga panghimagas na tinitinda ko sa online. Ako ang mismo nagde-deliver sa mga suki ko. Masaya ako dahil may bumibili naman kaya may kinikita naman ako. Ayokong umasa kay Fernan at baka isumbat niya sa akin ang lahat ng kinakain ko. Mas mabuting may sarili akong pera although wala naman siyang ibinibigay sa akin. Si Tita Lilly ang nagbibigay ng grocery kada buwan kaya may laman ang refrigerator namin. Nahihiya naman akong kausapin si Fernan tungkol sa gastusin sa bahay. Ang bill ng kuryente si Fernan ang nagbabayad. Nilalagay ko sa silid niya ang mga bill sa bahay. Para kaming estranghero sa isa’t isa at hindi bilang mag-asawa. Nasanay na yata ako na ganito kami. Sinusubukan kong hindi umiyak at tanggapin ganito na lang kami ni Fernan.
Hinanda ko ang mga leche plan para i-deliver sa suki ko na malapit sa subdivision. Sumakay ako ng dyip papunta roon. Pagkarating ko roon ay ibinigay ko agad ang in-order niyang leche plan.
Natutuwa ako dahil sa maikling panahon madami na akong suki. Nilakad ko na lang ang papunta sa gate ng subdivision para makatipid ng pamasahe. Nakalimutan kong magdala ng payong dahil sa pagmamadali kanina. Ayaw ko kasing maabutan ako ng traffic sa daan. Mahirap makasakay sa dyip kapag naabutan ng rushed hour.
Habang naglalakad napatingin ako sa dalawang taong magkayakap. Huminto ang inog ng mundo ko dahil ang taong iyon ay si Fernan. Natigil ako sa paglalakad. Natulos ang paa ko sa kinatatayuan ko. Ang akala kong manhid na ang puso ko ay hindi pa pala. Ramdam ko ang sakit sa puso ko habang nakatingin sa dalawang taong magkayakap.
Naramdaman ko na naman ang pamilyar na sakit sa puso ko. Nangilid ang luha ko. Napahawak ako nang mahigpit sa bag na dala ko. Naikuyom ko ang kamao ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanila. Gusto kong sugurin ang dalawa nang maghalikan sila.
Ayos lang naman sa akin kung hindi niya ako kayang mahalin, ngunit huwag lang ganito. Mas ipinararamdam niyang hindi ako importante sa kanya. Gusto kong matawa sa sarili ko dahil totoo namang hindi niya ako mamahalin kahit kailan.
Ang kaninang luhang pinipigilang tumulo ay tuluyang nagsibagsakan. Nanghihina man ang pakiramdam ko ay agad akong umalis sa lugar na iyon. Wala man akong balak sumakay ng taxi ay pinara ko ang paparating na taxi. Mabuti na lang ay walang sakay. Agad akong sumakay.
Nang makasakay sa loob ay agad akong naiyak. Iyong iyak na hindi kayang pigilan. Hindi na ako nahiya kung makita at marinig ako ng taxi driver. Ang mahalaga sa akin sa sandaling ito ay mailabas ko ang nararamdamang sakit sa puso ko.
“Ma’am, okay lang po ba kayo?” May pag-alala sa boses ng taxi driver. Hindi ko sinagot ang tanong ng driver. Abala ako sa pag-iyak at hindi makuhang sagutin ang tanong ng driver. Ang gusto ko lang ay umuwi. Napahawak ako sa aking ulo nang makaramdam ng pag-ikot sa paligid ko.
“Ma’am! Ma’am!” Narinig ko pang sabi ng taxi driver bago ako nawalan ng malay tao.
Nagising ako sa isang silid na hindi pamilyar sa akin. Napatingin ako sa lalaking nasa gilid ko.
“Ma’am ayos na po ba ang pakiramdam niyo? Nahimatay po kayo sa loob ng taxi kaya dinala na kita rito sa ospital,” sabi ng taxi driver.
“S-Salamat po. Pasensya ka na naabala pa kita.” Hinging paumanhin ko sa kanya. Napatitig ako sa lalaki. May hitsura siya at mukhang hindi naman taxi driver, although nakasuot siya ng uniform ng pang-taxi driver.
“Ayos lang po Ma’am. Basta nakatulong po ako sa kapwa.” Napangiti siya kaya mas lalong naging guwapo.
“Ano nga palang pangalan mo?” Tanong ko.
“Ako nga po pala si Cyrus Andrada.” Pakilala niya sa sarili at nakipagkamay-na tinanggap ko naman.
“Bernadette Velasco,” sabi ko. Napakamot ng ulo si Cyrus. Napatingin kaming pareho sa doktor na pumasok. Nakangiti sa amin.
“Hi, I’m Dr. Mike Orion. Maayos naman ang lahat ng test mo. Ire-refer nga pala kita sa OB-GYNE hindi ko kasi porte ’yan.” Napakunot ako ng noo. OB-GYNE?
“Congratulation! You’re pregnant.” Nakangiting sabi ng doktor. Napasulyap siya sa kasama ko.
“Dok, hindi po ako ang ama.” Napakamot ng ulo si Cyrus. Hiyang-hiya ang hitsura niya dahil napagkamalan pang ama ng magiging anak ko ang lalaki.
Napahawak ako sa tiyan ko. Magkaka-baby na kami ni Fernan. Baka ito na ang simula na pagkakaayos namin ni Fernan. Nawala na ang lahat ng alinlangan ko dahil sa magiging anak namin.