BERNADETTE Nagpasya akong pumunta ng CR upang doon ibuhos ang sama ng loob ko. Pagkarating sa loob ng CR ay sakto namang walang tao. Nagkulong ako agad sa isang cubicle roon at impit na umiyak. Kung magkasakit kaya ako maawa kaya sa akin si Fernan? Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil nananaginip ako ng gising. Mangyayari lang iyon sa panaginip ko. Gusto kong matawa sa sarili ko dahil umaasa pa akong magbabago ang pakikitungo niya sa akin. Noon ngang nakunan ako imbes na maawa sa akin ay ako pa ang sinisi sa pagkawala ng anak namin. Mas masakit sa akin dahil ako ang ina. Walang kapantay ang sakit na mawalan ng anak. Nanghihinayang ako sa magiging anak ko sana. Siya na lang kasi ang masasabi kong akin. Dahil si Fernan, kailanman ay hindi mapapasaakin. Bumuhos na naman ang masaganang

