BERNADETTE
Pinuntahan ako ni Mommy Lilly upang pag-usapan ang nalalapit na kasal namin ni Fernan.
“Hija, naihanda ko na ang mga kakailanganin ninyo sa kasal ni Fernan. Kaya wala na kayong aalahanin pa,” sabi niya. Vey hands- on si Mommy Lilly sa nalalapit na kasal namin ni Fernan.. Kita ko sa kanya ang saya at walang makakatanggal niyon sa kanya.
Nagpapasalamat ako dahil mabait siya sa akin kahit noong bata pa ako. Naging mabuti siya sa amin ni Nanay. Niyakap niya ako. Ramdam kong mahal niya ako bilang anak. Masaya ako at magiging Nanay ko na rin siya.
Bigla ay nalungkot ako dahil naalala ko si Nanay. Kung buhay lang si Nanay ay isa siya sa mag-aasikaso sa nalalapit na kasal namin ni Fernan.
“Masaya ako at magiging parte ka na ng pamilya namin. Excited na rin ako sa apo ko.” Nakangiting sabi niya na nakatingin sa tiyan ko. Hinaplos niya iyon.
“Aalagaan ko po siya,” sabi ko.
Aalagaan ko ang magiging supling namin ni Fernan. Ang anak namin ang magbubuo sa aming dalawa. Naniniwala akong mangyayari iyon.
Alam kong hindi pa handa sa ngayon si Fernan dahil sa nangyari sa kanila ni Isabella. Hindi ko maiwasang magalit sa babaeng iyon dahil minahal siya ni Fernan. Naiinggit ako sa pagmamahal niya na pinaramdam sa babae.
“Huwag kang mag-alala sa isusuot mong wedding gown meron na akong kinuha na gagawa ng damit mo. Sisiguraduhin kong kahit sa huwes lang ang kasal niyo ni Fernan ay ikaw ang pinakamagandang bride.” Napangiti ako sa tinuran ni Mommy Lilly.
Nagpaalam na siya dahil makikipagkita raw sa isang kaibigan. Naiwan ako sa bahay. Imbes na mag-isip ng kung ano-ano ay inabala ko na lang ang sarili ko sa paglilinis ng silid ni Fernan.
Pagkabukas ng pinto ay nakita ko kung gaano kagulo ang silid. Nagbuntonghininga ako at napailing. Hindi pa rin siya nagbabago sa ugaling makalat sa gamit.
Naalala ko noon na ako ang minsan naglilinis ng silid ni Fernan kapag tinutulungan ko si Nanay sa pagliligpit ng nilabhan. Walang araw yatang hindi malinis ang silid ni Fernan. Hindi ko alam kung sinasadya niyang guluhin ang silid. Nagkalat kasi ang unan sa sahig at pati ang kumot na nasa harap na ng pinto ng bathroom.
Habang inaayos ang mga damit ni Fernan ay may nakita akong malaking kahon na nasa ilalim ng sabitan ng damit. Nag-alangan akong buksan ang kahon dahil gamit iyon ni Fernan. Ngunit mas malakas ang nag-uudyok sa isipan kong buksan ang kahon.
Wala naman sigurong masama kung sisilipin ko lang naman iyon. Habang unti-unting binubuksan ang takip ay hindi ko maiwasang kabahan. Sa nanginginig na mga kamay ay marahan kong binukdan ang takip ng kahon. Napaawang ang labi ko nang tumambad sa paningin ko ang madaming sobre. May stuffed toys at iba pang bagay na pangbabae. May kutob akong para kay Isabella ang lahat ng ito.
Natigil ako sa pagkuha sa mga sobre dahil nagdalawang isip ako kung pakikialaman ko ang mga ito. Alam kong masasaktan lang ako kung Itutuloy ko. Ngunit mas malakas ang bugso ng kagustuhan kong makita ang laman ng sobre.
Napalingon ako sa pinto upang tingnan kung may papasok. Nang masigurong wala naman papasok ay hinarap ko ang kahon. Kabang-kaba ako. Kinuha ko ang isang sobre. Isang card ang nakuha ko. Marahang binuksan ang sobre. Nilabas ko ang laman niyon at tama ako card nga ang laman. Nanginginig ang kamay kong binuklat ang card.
Napakaganda ng disenyo ng card. May nakaguhit na malaking puso at may nakasulat na salitang I love you. Binasa ko ang nakasulat.
Dear Isabella,
It hurts that you chose Chris over me, but because I love you, I can accept all of that. Even if it hurts, I can let you go because I love you so much, my only love.
Sa nanginginig na mga kamay ay naibaba ko ang card. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Napakagat labi ako nang magsimulang tumulo ang luha ko sa mata. Nakaramdam ako ng pinong kirot sa puso. Masakit na kahit niloko siya ng babaeng iyon ay mahal pa rin niya.
Ano ba'ng meron sa babaeng iyon at ganun na lang ang pagmamahal ni Fernan sa kanya? Bakit hindi ako magawang mahalin ni Fernan? Mahal ko siya at hindi kailanman sasaktan. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit kay Isabella. Ang swerte niya na minahal siya ni Fernan ng walang pag-aalinlangan.
Pinahid ko ang mga luhang pumatak sa pisngi. Gusto kong pagtuunan ng pansin ang sarili ko, lalo ngayong magkakaanak na ako.
Gusto yata ni Fernan na mas pahirapan pa ang kalooban ko. Napakamanhid niya pagdating sa akin. Sa araw-araw wala siyang ginawa kundi ipamukha na hindi niya ako mamahalin kailanman.
Nagpasya akong hindi na basahin ang iba pang sulat dahil baka mas lalo lang akong masaktan. Habang inaayos ang sobre ay may nakita akong maliit na pulang kahon. Mas lalo akong naging curious kung ano ang laman niyon. Binuksan ko iyon. Napatitig ako sa laman.
Rumagasa ang luha ko. Singsing ang laman niyon.Napakagandang singsing. May malaking bato sa gitna at may maliliit na bato na nakapaligid sa singsing. Mukhang mamahalin base sa mga batong nakalagay sa paligid niyon. Mabuti pa ang babaeng iyon ay kayang bigyan ng singsing ni Fernan. Naiisip kong masama ba akong babae at ganoon na lang ang galit sa akin ni Fernan?
Napahawak ako sa tiyan ko nang makaramdam ng p*******t ng puson. Napakagat labi ako dahil palala nang palala ang pagsakit ng puson ko. Pinilit kong tumayo, ngunit bumalik ako sa pagkakaupo. Kahit hirap ay ibinalik ko ang singsing sa loob ng box at ipinasok sa cabinet.
Napahawak ako sa pinto ng cabinet upang suporta. Nang makatayo ay dahan-dahan ang paghakbang ko palabas ng silid ni Fernan.
Kailangan kong tawagan si MommyLilly. Ilang hakbang lang ay napahinto ako dahil sobrang sakit ng puson ko. Pakiramdam ko ay may lalabas sa p********e ko.
Napayuko ako nang maramdamang may dumadaloy sa hita ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang may dugo sa hita ko. Umawang ang labi ko. Natakot ako. Hindi ito maari! Hindi puwede!
Anak huwag mong iiwan si Mama. Huwag mo akong iiwan.