Aries POV Naiinis ako sa ka-kambal ko sa nangyari kanina. Ginawa pa akong utusan para lang subaybayan si Yessa kung saan ito pa punta. Mukhang mahal pa talaga ni Greg si Yessa kaya kahit ako pinakiusapan nya pang sundan ito. Imbis na umuwi ako sa mansyon ay deretso ako sa bar para uminom ng alak. Gusto ko munang magpalipas ng sama ng loob kaya nag text nalang ako kay Cindy na maya-maya pa ako uuwi dahil hanggang ngayon nga ay naiinis pa rin ako sa nangyari. " Oh iho narito ka rin pala!" si Uncle Liam " Uncle mukhang lasing kana." pag-aalala ko. Medyo nabubuwal buwal na kasi syang naglalakad. Pasuray-suray pa.. " No nephew I'm fine di pa lasing ang uncle mo" sagot nya pa. Lasing na talaga sya. " Uncle ihatid na kita sa bahay nyo baka nag-aalala na si Auntie Donna." mukhang di nya na

